Prologue

8 0 0
                                    

Sa harap ng dalampasigan at berdeng bukirin, tunay nga namang napakasarap na dito pumunta para maglaro at mangarap. Noong kabataan natin, tila ba ang simple ng lahat pero sobrang saya na natin nun. Ang sarap maging musmos.  Gayunpaman, syempre hindi pa rin mawawala sa atin ang mangarap. Mahalaga naman talaga yan dahil ang pangarap ang nagbibigay sa atin ng inspirasyon, direksyon at lakas para magpatuloy sa buhay.

Sa paaralan, tatanungin tayo ng guro natin na "Oh anong gusto mo nian maging paglaki?". Noon ang isasagot ko, gusto ko maging doctor para tumulong magamot ang may sakit ang makapagbigay ng ngiti sa dala kong pag-asa.

Sa paglipas ng panahon, nagkakaroon ng pagbabago na kailangan tayo maging handa. Ang dami nating gustong mangyari lalu na habang nag-aaral pa tayo na iniisip natin na kapag nakapagtapos na tayo magagawa na natin lahat.

Pwedeng mag-almusal twice a week o araw-araw sa Starbucks (tapos wala ng panganghalian no? Joke lang). Mapuno ng sangkatutak na damit ang ating closet kahit nagkakalaglagan na yan. Mabili ung latest gadget ng apple in cash o kaya naman makapagbakasyon sa Netherlands ng isangbuwan. Sa tingin natin yan yung mga bagay na makakapagpaligayat sa atin. Ang mahal ng presyo ng mga yan diba? Pero sa totoo lang, may mas mahal pa dyan na libre lang pero mailap pa rin. Ito ang oras, effort at pag-ibig.

Pero sa totoo lang, minsan kahit makuha mo pa lahat ng bagay sa mundo mararamdaman mo pa rin na parang may kulang. Bigla ka na lang malulungkot at mapapaisip na aanhin mo ang mga materyal na bagay na yan kung walang pamilya at wagas na pagmamahal kang nararamdaman? Mapagtatanto mo na lang kahit na saiyo na ang lahat ngayong malaki ka na at kumikita na ng sariling pera na ang nais mo lang pala talaga ay maging lubos na masaya na parang noong musmos pa lang at ito ay mapapasaiyo lamang sa pamamagitan ng pag-ibig ng Diyos, pamilya at taong makakasama natin habang buhay. Dagdag pa rito ang mabubuting gawain gaya ng pagtulong sa kapwa na kung saan makikita natin na ang buhay ay makabuluhan kaya pahalagahan, wag ng sayangin pa. Makita mo lang ngiti ng mahal mo, marinig ang kanyang halakhak, mahawakan ang kanyang mga kamay, sa ganoong paraan alam mong ayos ka na at wala ng mas hihigit pang bagay dito.

Marami ang nais bumalik sa kabataan pero hindi na pwede yun. Masaya din namang maging adult, nakapapagod lang kasi ngayon marami ng responsibilidad at bagay na pagtuunan ng pansin. Gayunpaman, kaakibat naman nito ay ang kalayaan na pilit nating inaasam-asam noong bata pa tayo. Madalas pa nga, ang kalayaan na ito ang nagiging sanhi ng pag-aaway ng ating mga magulang. Dati kasi nagiging masaya tayo dahil tayo ung pinasasaya, ngayon, trabaho na nating ibigay yan sa iba.

Samakatuwid, anumang yugto ng buhay natin ay nagiging masaya sa iba't ibang paraan hangga't may pag-ibig at kabutihan na nanaig. Kung di man natin ito maramdaman, tayo na lang lumikha nito.

Hindi ko akalain na sa dinami dami ng naganap, babalik pa rin pala ako sa ala ala ng nakaraan na kay ligaya pero magdudulot din ng sakit at pighati.

The Only RequestWhere stories live. Discover now