Chapter 1 - 1st Video Call

4 0 0
                                    

Bakasyon na naman. As expected, staycation lang ako sa bahay. Ito ung panahon na marami akong oras kaya nagpaplano na agad ng gagawin pagbalik sa trabaho.

May 1 ang malaking pista sa aming barangay. Ito na yata ang okasyong pinakahihintay ng karamihan sa amin kasi uuwi ang mga kamag-anak mula sa malayong probinsya para makisaya at makigulo. Pero ako, tinatamad ako sa araw na ito pero excited din naman kasi nandyan uli ang mga pinsan. Iniisip ko kasi, ang pagod na naman. Luto dito, luto doon. Linis dito, linis doon. Tapos, haharapin ang kabundok na hugasin. Hays. Hahaha.

Bago magfiesta nun, laging may perya at palabas sa barrio namin pero dahil sobrang busy ko sa trabaho hindi ko na nagawang lumabas kasama mga pinsan ko sa father side. Nanibago tuloy ako. Napaisip ako kung uuwi sila sa amin.

Medyo magulo isip kong nung mga panahon na yun kasi nagpaparamdam si Jacob sa akin. Ang sweet, lagi akong chinachat, binabati pero nung bandang May na, bigla ng nawala. Kainis naman mga lalaki. Kung kelan malapit ng madevelop ang feelings ko saka naman ako ighoghost. Saddest truth ever. Pero babae tayo, kahit may feelings na ko kahit papano hinayaan ko na lang. Buti na lang hindi pa ganun katindi. 

Nakilala ko si Jacob sa trabaho ko. By the way, I work as bank mentor sa Bank of the Philippine Islands - BPI. Trabaho kong magturo sa mga newly hired employees ng company kung paano tumatakbo ang isang bangko. As for him, he is bank teller. Maputi siya, humble, masayahin at madaling turuan. Almost 3 months din kaming nag-uusap, yun nga lang bigla na lang natigil nung na-deploy na siya sa Makati. After 21 years of existence, inisip ko baka siya na maging una kong boy friend pero napagtanto kong wag na lang. Marami rami rin kaming pagkakaiba, baka hindi na rin magwork. Besides, siya ung huminto so wala na.

Unti-unti siyang nawala sa isip ko. Naging panatag na uli kalooban ko. Oo, moved on agad lalu na hindi naman naging kami eh. Bukod dito, pagkatapos ng fiesta sa amin hindi ko akalaing dadating pa mga second cousins ko para dalawin kami. Kinausap ako ng dalawa, ang pinakaclose ko, si Abby and Jelly"

"Ate kumusta ka na? Namiss ka namin. Tingnan mo oh, ang layo ng byahe mula Ilocos pero yung pagod sa byahe nawala ngayong nakita na kita ", pambobola ni Abby.

"Oo nga! Sayang lang hindi na tayo nakapagrides sa perya rito. Nakatipid ka tuloy dahil hindi mo kami nalibre. Hahaha", dagdag pa ni Jelly.

"Oh siya, kumain muna kayo. Masyado naman kayong sabik. Wag kayong mag-alala, sulitin natin bakasyon nio. Uutusan ko kayo sa mga gawaing bahay dito", pang-aasar ko sa kanila habang hinahanda ang kanilang merienda.

Habang naghihintay, busy ang dalawa sa kanilang cellphone. May mga ka-chat sa messenger. Medyo nainis tuloy ako kasi nandoon na naman ang atensyon nila imbes na magchikahan at maglaro sila kahit 16 years old na sila. Hahaha basta magbonding.

Makalipas ang ilang minuto. Hinapag ko na ang hinanda kong sandwich. Bigla akong nilapitan ni Jelly at sinabihang "Ate Kylie, kaway ka naman". Kumaway naman ako sa ka-video call niya kahit hindi ko gaanong nakita ang kausap nia. Pagkatapos, bigla ko rin naman agad napansin na pamilyar ung mukha. Si Clint pala yun. Ang kuya ni Abby na matagal ko ng hindi nakikita. Bago ko makaclose si Abby, siya muna.

Hindi ko alam sasabihin nun kay Clint kasi ang tagal na nung huli naming usap. Nahihiya na ako.  Napatanong pa ako sa sarili ko, baka mamaya hindi na niya ko kilala kasi hindi naman ganun kaclose families namin pero dahil hinarap sa akin ung camera ni Jelly, kinausap ko na rin siya. Lakasan na ng loob. Naramdaman ko naman na komportable na ko agad.

"Clint, saan ka? Punta ka rito sa amin" ang sabi ko na medyo nahihiya pa. Si Jelly naman kasi eh habang kausap ko eh nag-aasaran pa silang dalawa.

"Papunta na rin ako diyan sainyo kaso nahihiya ako. Sunduin mo muna ako Kylie" sagot niya.

Pagkatapos ng 10 years, hindi ko pa siya nakikita pero kita ko na ang dami na ngang naganap na pagbabago sa kanya. Binata na siya, lalu siyang gumwapo ah. Naalala ko tuloy memories namin nung magkalaro pa kami. Bigla akong nakaramdam ng kaba nun, ang weird pero hindi ko alam bakit ko yun nafeel pero may ngiti sa aking labi. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Only RequestWhere stories live. Discover now