Characters:
•Justin De Dios as himself
•You as Yna Dela Fuerte
-Place: At your house~Yna's POV (your POV)~
Tahimik ang paligid saka ko dahan-dahang minulat ang mga mata ko at nakita ang braso na naka-pulupot sa bewang ko.
"Babe" tawag ko sa lalaki sa tabi ko na nakapikit parin.
Tumagilid ako para tumingin sa kaniya at isinuklay ang kamay ko sa buhok niya.
"Matulog pa tayo" sabi niya habang nakapikit parin saka ako tumingin sa orasan sa side table. 10 am na.
"Anong oras na tumayo na tayo" hindi siya nakinig sakin at lalo lang hinigpitan ang pagkakayakap niya.
"Kahit wag na tayo tumayo dito. Gusto pa kitang katabi" sabi niya saka nagmulat ng mata saka ngumiti.
"Print-an kita ng picture ko para tapos yung problema" biro ko sa kaniya pero nag-pout lang siya.
"Babe naman eh"
Ang cute ng boyfriend ko.
"I love you" sabi niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.
"I love yo--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niyang inilapit ang mga labi niya sa labi ko.
Binitawan niya ang labi ko saka umupo.
"Nagugutom na ko" reklamo niya saka saka din ako umupo.
"Tara na kasi sa kusina. Kain tayo" Sabi ko.
Nanlaki yung mga mata ko nang ilapit niya yung muka niya sakin. Umatras ako pero lalo siyang lumapit dahilan para mapahiga ulit ako sa kama habang nasa ibabaw ko siya na nakatukod ang mga kamay sa kama.
"Iba yata yung gusto kong kainin ngayon" napalunok ako dahil sa sinabi niya saka nag-iwas ng tingin.
"Magtigil ka nga diyan Justin De Dios" lalo niyang nilapit yung muka niya.
"Ayoko nga"
Ang lakas talaga mang-asar nito kahit kailan.
"Ang aga-aga babe tigilan mo ko" sabi ko saka siya ngumiti.
"So mamayang gabi pwede na?"
Agh nakakainis talagang mag-isip to eh.
Tumayo na siya saka bumaba sa kama. Napairap nalang ako saka tumayo na rin. Naglakad na ko papunta sa pinto pero bago pa ko makarating ay hinila niya yung braso ko saka ako pinasandal sa pader.
"Hihintayin ko yung mamayang gabi" sabi niya habang nakangiti.
"Wala kong sinabi na--"
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang halikan nanaman niya ang labi ko.
"Promise mo yan" sabi niya saka siya umalis at naiwan akong na-estatwa sa kinatatayuan ko.
Juskopo Justin De Dios. Ano ba tong ginagawa mo sakin? Tsk!
YOU ARE READING
SB19 One Shot Stories || SB19 × Reader
FanfictionThis is for all A'tins who always keep on supporting our boys and to those who has a crush on them (Lol) In these stories, a reader can be in a relationship with an SB19 member or he/she can be a little brother/sister of one of them.