~Characters:
•Josh Cullen Santos as himself
•You as Jasmin Lazaro
~Time: During the rest day of SB19
~Place: SB19's house (imaginary house haha)~Jasmin's POV (your POV)~
Maaga akong nagising para ipagluto sila. Yeah trip kong magluto ngayon eh. Tulog pa sila eh.
Habang nagluluto ako ay biglang may yumakap sakin mula sa likod.
"Baby" bulong niya sa tenga ko.
"Yang kalandian mo umiiral nanaman" sabi ko habang tinutuloy ang pagluluto.
"Di naman to panlalandi ah. Pagiging sweet lang" pagdepensa niya.
"Gusto mo kong magka-diabetes?"
Opo lagi kong binabara tong lalakeng to pero kahit ganon...I still love him.
"Malapit na ba yan?" tanong niya sakin saka ako umiling.
"Pero mas mapapabilis to kung bibitaw ka muna sakin"
Bumitaw siya saka sumandal sa lababo sa tabi ko.
"Bat di ka muna umupo?" tanong ko saka siya ngumiti.
"Gusto lang kitang tignan"
Ang weird mag-isip nitong lalaking to.
"Di ka pa nagsawa? Magkatabi na nga tayong natulog eh" umiling siya dahil sa sinabi ko.
"Kelan ba ko magsasawa sayo?" sabi niya habang lumalapit sakin.
"Kapag tumangkad ka na siguro"
Natawa ako dahil sa sinabi ni Sejun na kakarating lang.
"Ikaw ang bully mo sakin" sabi niya kay Sejun.
"Kelan ka ba hindi nabully?" rinig kong sabi ni Stell saka siya lumapit.
"Ako na jan baka magtampo na yang pokemon mong boyfriend" sabi ni Stell na nakapagpakunot ng noo ko.
"Pokemon?" tanong ko. Pati si Josh nakatingin din sa kaniya.
"Oo. Pang-pokemon yung height niya eh"
Natawa ako nang kumuha si Josh ng sandok at binato kay Stell na agad namang naka-iwas.
"Diyan na nga kayo. Magsama kayong dalawang bully jan" sabi niya saka ako hinila papunta sa sala at biglang umupo sa sofa saka ako hinila paupo sa hita niya.
"Ang sama nila sakin" sabi niya habang nakayakap sakin.
"They're just teasing you baby" sagot ko sa kaniya.
"Baby naman. Alam ko naman eh kaso inaaraw-araw nila. Pagtanggol mo nga ko"
Minsan talaga hindi ko maintindihan to.
"Bitaw ka nga muna" sabi ko na sinunod niya naman saka ako lumipat ng upo sa tabi niya at isinandal ang ulo ko sa balikat niya.
"Wag mo nalang silang pansinin" sabi ko sa kaniya saka niya ko inakbayan.
"Kasi asar ng asar tas pag ako nang-asar naiinis din sila. Asarin ko kaya sila araw-araw" inis na sabi niya saka ako napangiti.
Kahit kelan talaga tong lalakeng to.
"Baby" tawag niya saka ko siya tinignan.
"Alam mo para di na ko magalit..."
"Ano?" tanong ko saka siya ngumiti.
"Kiss mo muna ko para sabihin ko sayo"
"Ito gusto mo?" tanong ko sa kaniya saka pinakita ang kamao ko.
"Ayaw" sabi niya saka ako biglang hinalikan.
"Yan di na ko galit" Sabi niya habang nakangisi.
Nakaka-asar na nakakakilig na ewan. Bat ganto? Ano ba naman tong lalakeng to hindi ko na tuloy maintindihan sarili ko.
"I love you" he said out of nowhere which made me smile.
"Asan I love you too ko?" parang batang sabi niya kaya medyo natawa ako.
"Hanapin mo baka nandiyan lang yan" pang-aasar ko sa kaniya. Minsan talaga parang bata din to na ewan pero mahal ko.
"Baby naman eh" pag-iinarte niya saka nag-pout.
Hinalikan ko naman siya ng mabilis sa labi.
"Is that an enough answer to your I love you?" tanong ko saka humiga sa lap niya.
Nagulat ako nang yumuko siya para halikan ako sa noo tapos sinunod niya sa ilong at sinunod ang labi.
"THAT is the best answer" bulong niya sakin saka ako mahinang natawa.
"Ang lalandi" biglang singit ni Ken sabay upo sa kabilang sofa habang may hawak na tasa ng kape.
"Inggit ka lang Ken" pang-aasar ni Josh.
And here they go again. Asaran nanaman.
Umupo ako at pinanood and pag-aasaran nila na nakisali na din yung tatlo hanggang mapunta nanaman sa usapang height.
"Pano nanaman nadamay yung height ko?" pagmamaktol ng boyfriend kong naging isip bata nanaman.
"I love you" bulong ko saka siya hamarap sakin saka ngumiti bago ako niyakap.
"Bahala sila diyan. Inggit lang sila" bulong niya habang nakayakap sakin.
"Baby?" mahinang tawag ko sa kaniya.
"Hmm?" tanong niya nang hindi umaalis sa pagkakayakap saakin.
"Siguro hindi ka nag-vitamins dati no?"
"Baby naman eh" maarteng sabi niya habang nakayakap.
I can imagine his pissed face habang naka-pout. Pfft he's so cute.
-END-
YOU ARE READING
SB19 One Shot Stories || SB19 × Reader
FanficThis is for all A'tins who always keep on supporting our boys and to those who has a crush on them (Lol) In these stories, a reader can be in a relationship with an SB19 member or he/she can be a little brother/sister of one of them.