WHILE roaming around the bookstore, natuon ang mata ni Cliothe sa Novel book section. At nahagip ng kanyang paningin ang book na matagal na niyang inaabangan. It's a trilogy erotic romance. Kinuha niya ito at inilagay sa basket along with the books she got earlier.
Pagtapat sa cashier, "Yes, good morning Ma'm. Cash or card po?" nakangiting tanong ng babae kay Cliothe sa cashier.
"Cash." sagot ni Cliothe sa babae sabay abot ng pera.
Tinanggap naman iyon ng babae bago ito nagsalita "I receive one thousand pesos. And here are your books and change Ma'm. Enjoy reading. Thank you for coming." anito bago hinarap ang kasunod na customer.
Tahimik lamang na naglakad si Cliothe palabas ng bookstore dala ang mga binili na mga libro at groceries na iniwan niya sa package counter. While walking inside the mall, naisipan niyang pumunta sa isang japanese restaurant upang mag-take-out ng California Maki na siya niyang paboritong kainin sa tuwing nagtatrabaho at home.
While waiting for her turn to the cashier, nahagip ng kanyang paningin ang isang bulto ng lalaking nakatalikod sa kanya na nakaupo kasama ang isang babaeng sopistikadang manamit. Tila kumabog ang dibdib ni Cliothe dahil ang lalaking iyon ay tila pamilyar sa kanya.
Pagmamasdan pa sana niyang muli ang lalaki ngunit huli na dahil inagaw na ng babae sa cashier ang kanyang atensyon. "No, this can't be." she uttered and shookt her head to fill out the imputation in her mind.
She's on her way sa kanyang bahay since she is a home based call center agent. Mas pinili niya ang trabaho na malayo sa mga tao. And yes, isa siyang introvert. Mas gusto pa niyang kaharap ang mga libro at ang kanyang laptop kaysa ang makisalamuha sa mga taong nasa paligid niya.
Ilang taon na ang nakalipas buhat ng siya ay maulila sa mga magulang. Nasa college pa siya noon. Palibhasa nasanay siya na bahay - school - bahay lang ang kanyang routine sa araw-araw nakuntento na siya na mag-isa na lamang sa loob ng apat na sulok ng kanyang kwarto.
CLIOTHE ZAVERDA is a homebody person. She never experienced na mag-enjoy sa labas dealing with other people. Maganda naman siya at sa kung katawan at kinis ng balat rin lang ang pag-uusapan hindi siya patatalo. Alaga siya ng kanyang ina, mula sa mga damit at pangangailangan sa katawan ay kumpleto siya. Palibhasa nag-iisa lamang siyang anak ng mag-asawa. Hindi masasabing ubod ng yaman ang kanyang magulang, sakto lamang para sa ikabubuhay nila. May negosyo ang kanyang daddy na ipinamana sa kanya na isang dragon fruit farm sa kanilang probinsiya.
Not until one day, nagbago na sana ang pananaw niya sa buhay dalaga ng magkaroon siya ng crush sa dati niyang kaklase noong college but it turns in the end, this guy broke her heart. Iyong inakala niyang lalaki na mahal siya may mahal na palang iba at malapit nang ikasal sa longtime girlfriend nito. Hindi lamang ang katotohanang iyon ang sumugat sa kanyang puso dahil nagawa pa siya nitong ipahiya sa ibang tao.
That encounter still fresh in her mind na kahit kailan hinding-hindi niya makakalimutan.
NASA cafeteria siya noon at naghahanap ng mauupuan ng hindi sinasadya narinig niya ang lalaki kausap ang mga barkada nito.
"Hey buddies, paano ba iyan? Kukunin ko na ang mga pera ninyo. See, sabi ko sa inyo madali ko lang mapa-fall iyan si Clio. Mga ganyang tahimik nasa loob ang kulo niyan. Isang araw pa lang nakuha ko na ang virginity niya hahaha." pagmamayabang ng lalaki na nagpainit ng mukha ni Clio sa mga oras na iyon.
Nagmamadali siyang lumapit sa lalaki at tinapik ito sa balikat. "Hey babe, kanina ka pa - - -" hindi pa man natatapos ang pagsasalita ng lalaki isang malakas na sampal ang pinakawalan niya sa pisngi nito. "I don't wanna see your face again, Brandon!"
BINABASA MO ANG
Once, That I Had You
RomanceCliothe Zaverda is an introverted lucid dreamer who believes that real men capable of true love only exists in the imagination. Gryffin De Leon is a lost soul who is cursed to roam the spirit world unless he finds a girl who will make him change his...