Chapter 2

417 10 4
                                    

Samantha's POV

Lunch time! Favorite time ko sa school. Lahat naman siguro, favorite time ang lunch time. Sinong hindi? At dahil naka-3G ang phone ko, in-open ko yung Wattpad app ko sa phone. Nag-update narin yung dalawang favorite authors ko, yes! I opened the story.

Chapter 56

Hindi nila alam na andito ako sa party. Ini-istalk ang prinsipe ko. Shems, kinikilig ako. Kaso, iba yung kakantahan nya, di ako. :(

"Thank you for making me smile..... Andrea."

A-andrea? A-ako yun, diba? Wala naman na syang ibang babaeng gusto na nagngangalang... Andrea? Teka, ano gagawin ko----

Haynako, masyado na namang cliche yung update ng author. Kakantahan nya yung babaeng di nya alam na nasa party nya? Seryoso ba 'to? -.-

"Andrea! Kanina ka pa andito? Alam mo bang napahiya si Micah dahil ikaw ang kinantahan ni Justin at hindi sya?"

"W-wala akong alam! Anong gagawin ko?"

Basta, ang huling narinig kong sinabi ni Micah, "Gaganti ako."

In-end ko na pagbabasa ko, jusko. Impossible things happen talaga sa Wattpad stories. Parang yun lang gaganti ka na? Mala-teleserye ba ang buhay mo para gumanti ka? Pwede mo namang sampalin nalang yung lalaki at umalis. Pinapahaba pa storya eh.

Malamang Samantha kailangan pahabain ang story diba. -.-

"Wattpad na naman, ano ba napapala nyo dyan" tumingin ako sa likod ko, si Jairus.

"Ano pakielam mo?" asar kong sagot, nahihighblood na tuloy ako dahil sa mga cliche stories.

"Nagawa mo na ba yung Math assignment mo? Wattpad ka na agad dyan" syempre, ako pa. Ang bilis ko kaya kumopya kaninang umaga. -.-

"Oo, sabi ko naman sayo, masipag ako" sabi ko at tumingin na ulit sa phone ko. "Oo, masipag kumopya. Mana ako sayo eh, pakopya nga" ay bwisit na 'to. -.-

"Ikaw kumuha, ikaw may kailangan eh" sabi ko. "Aba, wala akong alam sa bag mo. Baka meron pang ano dyan, ikaw na kumuha!" sabi nya. Ano ba ipinaglalaban nito? -.-

"Merong ano?" tanong ko.

"You know, girl stuffs" sabi nya. Girl stuffs? Make-up? Powder? Pabango? Oh eh ano naman? "Ano naman meron? Wala naman akong make-up dyan. Powder lang. Ikaw kumuha, katamad."

"Malay ko ba dyan kung may napkin ka oh wala." O____O Langya 'to! Nakakahiya saming babae maging topic ang napkin. -.-

"Walangya ka. Kakainin ka ba non at galit na galit ka sa napkin? Wala akong ganun ngayon sa bag. Kunin mo na yung notebook ko, kaartehan mo" sabi ko.

Simula 2nd year highschool, ganito na kami mag-usap. Ewan ko, di namin feel ang pabebe na convo. Pero wala syang gusto sakin, ako meron. Sad life diba? Di kasi pang-Wattpad ang story ko eh.

Speaking of Wattpad, in-open ko na ulit yung Wattpad app ko at sinimulan ko yung pagbabasa.

"Micah! Micah!" Nakita ko si Micah, tumatakbo, umiiyak.

"Wag mo akong kausapin, Andrea. You're making him smile pala ah? Magsama kayo" bestfriend ko kasi si Micah. Micah please. T.T

"Wala akong alam dun, di kami close nun!" sigaw ko. "Di kayo close? Ah talaga? Sana naman iniisip mo muna yang mga sinasabi mo bago mo ko kausapin" sabi nya.

Naglalakad na sya palayo, di ko alam gagawin ko huhu. "MICAH SANDALI NGA LANG KASE!" sigaw ko.

"OH ANO PROBLEMA MO? AAWAYIN MO KO? IKAW NA NGA 'TONG NANG-AGAW EH!" sigaw nya. Gosh, nakakahiya. -.- Andami ng tumitingin sa paligid namin.

The Reality (kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon