Hello guys! Advance Merry Christmas!
_____________
Samantha's POVA week after...
"Haynako Sam, kinikilig talaga ako dito sa story na 'to. Niligawan nya ulit kahit nag-break sila!" kwento sakin ni Trice, seatmate ko.
"Eh kung tinatapos mo muna kaya yung mga seatworks bago ka mag-Wattpad dyan? Pahiram nga ng phone ko." sabi ko.
Naiirita ako. Di ko alam kung bakit. Meron ata ako ngayon eh, PMS-ing? Pwede. Huhuhu, yung feeling na lahat ng bagay kinaiinisan mo. Dinaig ko po naglilihi.
*cracks*
"ARAY NAMAN" sigaw kong bigla. Shet naman, isabay pa dito sa mga classmate kong nakikipag habulan.
"ANO BA GUYS, DI NA NGA KAYO MARUNONG MAG-SORRY EH" sigaw ko ulit. Buti nalang lunch time pa, at wala masyadong tao sa room. Haynako. >.<
"Chill ka lang, Sam. Eto na phone mo oh!" bigay nya tapos I clicked my Wattpad app.
Asdfghjkl updated her story.
OMG! O.O Yey. Atleast may nakakapag-goodvibes din sakin. Sana wag lang ako ma-disappoint dito. Haha jk.
Chapter 57
Micah's POV
Naglalakad ako sa corridor ng makita ko sila Justin.. naglalakad. Kasama siya.
"Hindi totoo 'to. Hindi ko sya nakikita, hindi!" bulong ko.
Wala na si Justin at si Andrea. Umalis na sila diba? Iniwan na nila ako? Diba, pumunta na sila sa ibang bansa para magsama? Ba't andito sila?
"Hi M-micah!" sigaw ni Andrea. Hindi pwede. Ayoko, naiiyak na ako. Sa inis, sa selos, sa inggit. Takte. Di ko kinakaya.
WAIT! Naguguluhan ako. Sa huling basa ko, si MICAH ang aalis diba? Papuntang ibang bansa? Bakit sila Andrea na? Ang gulo.
"Good afternoon." bigla kong naitago yung phone ko, andito na pala sila Ma'am. -.-
Hindi ko na id-detail kung paano kami nag-klase sa Math. MATH YUN EH! -.- "Psst."
Napatingin ako sa katabi ko, si Trice. "Bakit?" sagot ko, tinatawag nya kasi ako.
"Patext daw sabi ni Jairus." sabi ni Trice. Si JAIRUS? No way! Andami ko kayang secret dito tapos anlayo nya pa. >.<
"Ay haha. Wala akong load!" sigaw ko, yung maririnig ni Jairus.
"Oy diba kakaunli mo lang?" taena. Nilaglag ako ni Trice. -.- "Ha? Kahapon pa yun! Kaka-expire lang." sabi ko naman.
"Wala ka bang extra load?" Jairus.
"Wala eh, sorry na." sabi ko at tumalikod na ulit sakanila. Haish, kung iba lang sana makikitext pwede pa. Wag na wag lang si Jairus. Jeskelerd.
"Bat ayaw mo?" tumabi pala sakin yung bestfriend ko. Tumingin ako sa paligid, kaya pala maingay. Wala yung teacher namin. -.-
"Ayaw saan?" tanong ko.
"Ayaw mo syang makitext dyan sa phone mo. Eh diba hinihiram nya yan?" tanong ni Bff.
"Sa games yun! Di naman nya ino-open yung messages eh. Katext ko kaya tita ko dito. Lahat ng kwento ko, alam ng tita ko. Kaya AYOKO." sabi ko.
"EH HINDI KO NAMAN BABASAHIN YUN EH, DALI NA"
Nanlaki mata ko at nag face palm. Ano ba yan, Samantha! Di ka nagi-isip. -.- "Haha thank you Jade." pasasalamat ni Jairus kay Jade. Bwisit.
BINABASA MO ANG
The Reality (kathniel)
RomansaSawa na ba kayo sa mga cliche na stories? Yung parang pag naiisip mo parang normal plot nalang? O kaya naman, pag nabasa mo parang imposible sa totoong buhay? Etong story na 'to ay nagpapakita ng katotohanan sa ating buhay. Accept the reality.