1

6.7K 99 0
                                    


"HANGGANG DITO lang tayo M'am," anang nang driver na inihinto na, ang tricycle nito sa tabi nang maputik na daan. Dala marahil nang pag-ulan. Wala siyang pagpipilian kundi ang bumaba. At iapak ang mamahalin niyang boots sa basang lupa. Saka inabot ang bayad dito. Napapa-iling na isinukbit sa balikat ang di kalakihan niyang backpack.

This is great. Lihim na usal niya sa sarili bago muling binalingan ang driver. "Hindi ho ba talaga maaring pumasok sa loob Manong." Umiling ang driver bago nagsimulang paandarin muli ang makina nito.

"Pasenya na ho, M'am. Bawal ho talaga kaming pumasok sa loob. " Iyon lang at tuluyan na itong nagpaalam sa kanya. Napapailing na pinasadahan niya ang lumang gate na bakal sa harap niya. Hindi kataasan iyon. Kaya kitang kita niya ang mahabang daan patungo sa mansion na nasa loob nang malawak na lupain na iyon. Sa kanang bahagi ay ang malawak na lupain na natatamnan nang mga mais, at sa kaliwa naman ay naglalakihang puno nang manga at iba't ibang uri nang namunungang punong kahoy.

Sa tulad niyang sanay sa cuidad. Tila napakalayo ang kulang kulang dalawang kilometrong distansya mula sa kinatatayuan niya patungo sa malaking bahay sa gitna nang malawak na lupaing iyon. Napatitig siya sa arkong naroon. Saka tahimik na binasa iyon. Hacienda Lucia. Alam niyang tama ang lugar na tinutungo niya.

Bagsak ang balikat na nagsimula siyang maglakad. Saka dumiretso sa nakabukas na bakod. Napapa-iling na lang siya habang tila siya naglalaro nang step not. Dahil sa mga ukang maya maya ay nadadaanan niya. Lalo lang noon pinatatagal ang paglalakad niya.

Ang alam niya ay mayaman ang may-ari nang haciendang iyon. Kung bakit hindi man lamang maisip na ipasemento ang daan para sana hindi nagputik ang paborito niyang bota.

Ang totoo ay walang nakakaalam sa pagpunta niya sa lugar na iyon sa Batangas. Well, if her mother was still alive baka sakali pang alam nito na magtutungo siya sa lugar na iyon. Or baka nga hindi niya maisipang magtungo roon. Her mother died when she was eighteen. At apat na taon na rin mula noon. But everytime she think about her. Hindi pa rin niya maiwasang makadama nang lungkot. Isang car accident ang ikinamatay nang ina. Sinikap niyang payapain ang dibdib niyang muli namang nabalot nang kalungkutan.

If her mother was still alive, she was sure that her father wont resort to his cruel decision. Iyon ang ipakasal niya sa anak nang kasosyo nito sa negosyo. Her father owned one of the leading manufacturing company in the country. Isang mahusay na negosyante ang ama. At nang pumanaw ang esposa nito ay itinuon nito ang boung panahon nito sa pagtatrabaho at pagpapa-unlad nang negosyo. She graduated in the most pristigous business school in the country. Dahil iyon ang nais nang ama niya. Wala raw magmamana nang lahat nang mayroon sila kundi siya. Kaya mahalagang sa pagnenegosyo rin ang tahakin niyang propesyon. Wala siyang tututol doon. Infact she enjoy her college life then. At pinatunayan niya ang galing niya sa mataas na academic niya.

Masunurin at hindi siya sumusuway sa ama. Maliban lang sa pagkakataong ito. She has too dahil hindi niya gusto ang plano nito para sa kanya. Gusto siya nitong ipakasal sa isa sa nga anak nang kasosyo nito sa negosyo. Isang bagay na hindi niya kayang sundin.

Nasa malalim siyang pag-iisip habang naglalakad kaya hindi niya napansin ang mabilis na takbo nang kabayong nasa likuran niya.

Kaya't ganun na lamang ang gulat niya nang tumilamsik sa kanya ang kulay putik na tubig dahil sa malaking kabayong sumulpot mula kung saan. Tila walang paki-alam ang lalaking nakasakay roon. Habang mabilis ang takbo ng hayop.

THE BROKEN MAN SECOND CHANCE IN LOVE (PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon