11

2.4K 58 2
                                    


NAPAHINTO sa pagpasok si Vela sa kuwartong ginagamit ni Rodge. Siya na kasi ang nagpresentang tawagin ito para sa pananghalian nila. Paminsan minsan lang ito manatili roon dahil mas gusto nitong manatili sa unit nito sa Makati.

Bahagyang nakabukas ang pinto nang silid nito. Aktong kakatok siya nang mauligan niya ang tila galit na boses nito.

"Bakit hindi ka makaintindi--- babayaran kita kapag napirmahan na ni Raven ang mga documento." Kontrolado subalit mariin ang tinig nito. "Hindi ganun kadaling kumbinsihin ang lalaking iyon. At huwag kang atat. Ibibigay ko sa'yo ang kailangan mo."

Saglit itong nanahimik.

"Wala ka nang paki-alam sa bagay na iyon, Chris. Matagal nang ako ang nagpapatakbo nang kompanya. It just a matter of time para mapasaakin ang lahat control nang kompanya. And I'm make sure of that. " Mariin ang bawat salita nito na halatang naroon ang pagka-irita sa kausap.

"Oo, I'll gave the money sa susunod na lingo." Iyon lang at ibinaba na nito ang hawak na autobido. "Damn it!"

Bahagyang napaatras si Vela nang kumilos si Rodge palapit sa pinto. Mabilis niyang inayos ang sarili sa kabila nang pagkalito niya sa mga narinig niyang pakikipag-usap nito. Sa tono nang pananalita ni Rodge natitiyak niyang may hindi magandang gagawin sa kompanya. Sa nalilitong isip ay umakto siyang kakatok sa pinto nang biglang bumukas iyon. natutup niya ang dibdib dala nang pagkagulat. At ganun rin si Rodge.

"Kanina ka pa ba diyan?" Nasa mukha nito ang biglang pagkabahala.

"Ah—no I just got here, pinapatawag ka na kasi ni Ninang, sumabay ka na raw mananghalian." Nagawa pa niyang ngumiti dito. Hindi nakaligtas sa mata niya ang pagkalma nito. Saka gumanti nang alanganing ngiti.

"Well lets go!" Dala nang pagkabigla ay hindi niya naiwasan ang ginawa nitong pag-akbay sa kanya. Pababa sila nang hagdan nang pumasok sa nakabukas na pinto si Raven. Muntik pa siyang matisod dahil sa galit na biglang rumihistro sa mukha nito. Samantalang tila walang paki-alam si Rodge sa galit na nasa mukha nang kapatid. Saka siya inakay patungo sa kumedor.

Ramdam niya ang tensyon sa mukha ni Raven habang nasa tabi niya ang panay nang kuwentong si Rodge. Hindi siya nito pinansin hanggang matapos silang kumain. Haggang makalaalis ang dalawang lalaki ay hindi man lang siya tinapunan nito nang tingin.

Gusto niyang mapikon sa asal na iyon ni Raven, subalit mas dapat niyang unahin ang sabihin dito ang narinig niyang mga sinabi ni Rodge kanina.

"Maria saan mo dadalhin iyan?" Puna niya sa isa sa mga kasambahay, may bitbit itong tray nang dalawang tasa nang kape.

"Kila Sir, Raven ho, Ma'am nasa study sila." May gumuhit na pag-aalala sa mukha niya. Kanina ay bitbit ni Raven nang isang folder na natitiyak niyang iyon ang mga documentong nais nitong papermahan ni Rodge dito.

"Ako na ang magdadala niyan, " presenta niya. Hindi na niya hinayaang tumangi pa ito. Naabutan niyang seryoso ang pag-uusap nang dalawang lalaki roon.

"Ang kape ninyo?"

"Bakit ikaw ang nagdala niyan?" Salubong ang kilay na saad ni Raven sa kanya. Ipinaliwanag niyang abala lahat nang kasambahay kaya siya na ang nagpresinta. Saka siya naglakad palapit sa mga ito.

"Raven I needed your signature para sa purchase nang mga bagong equipment, ilang araw ko nang sinasabi iyan sa'yo. " Nasa tinig nito ang urgency sa tinuran.

THE BROKEN MAN SECOND CHANCE IN LOVE (PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon