12

2.6K 65 3
                                    


NAGISING si Vela dahil sa kaluskos mula sa verandah. She was about to turn on the light nang mapuna niya ang aninong bigla na lang kumilos doon. Kaagad na napabagon siya sa kama saka marahang binuksan ang pinto. Nakasisiguro siyang may nakita siyang bulto nang katawang mabilis na tumalilis sa bahaging iyon. Then the shadow disappear. Ang silid na iyon ni Raven ang tanging magiging daan nang sino man kapag umikot ito sa bahaging iyon nang verandah. At alam niyang wala si Raven sa silid nito dahil umalis ito kaninang hapon upang kuhanin ang mga gamot para sa mga hayop sa hacienda. At nasisiguro niyang hindi ito uuwi dahil masayado nang gabi.

Mabilis na nakapagkubli siya nang muling may kumilos mula sa likod nang pader. At halos man laki ang mata niya nang mapagsino ang may-ari nang aninong iyon. It was Rodge. And he was trying to open the glass door. Kuminang ang bagay na hawak nito dala nang munting liwanag. He was trying to force the door open. Maya maya pa ay bumukas ang pinto. Saka ito maingat na pumasok doon.

"Ano bang ginagawa ni Rodge?" Kausap niya sa sarili saka marahang kumilos palapit sa pintong pinasukan nito. Tanging ang lampshade lang ang binuksan nito. Nagkubli siya sa likod nang pinto. Kitang kita niya ang ginagawa nitong pagsipat sa malaking painting na naroon. May kung ano itong pinindut sa gilid nang painting saka iyon bumukas. May kinuha itong kung anong bagay mula nakasubit na bag sa balikat nito. Dahil nakatalikod ito sa kanya. Hindi niya alam ang ginagawa nito.

Alam niyang hindi dapat siya naroon. She was about to move from her hiding place nang marinig niya ang busina nang sasakyan ni Raven. At ganun na lang ang pagkagulat niya nang makita siya nito nang di sinasadyang masagi niya ang pinto. Halos man laki ang mata ni Rodge nang lumingon ito sa kanya. Dala nang pagkabigla ay hindi kaagad siya nakalilos. At sa isang iglap ay naroon na ito sa tabi niya. Saka marahas na hinaklit ang braso niya.

"Anong ginagawa mo dito?" Nagulat pa siya nang isabit nito sa balikat niya ang backpack na dala nito.

"Ikaw anong ginagawa mo dito? Bakit nandito ka?" Ganting tanong niya dito. Nasa ganun silang ayos nang biglang bumaha ang liwanag sa silid?

"Whats going on here?" Ang tinig na iyon ni Raven ang ikinalingon nila parehas. Samantalang hindi naman binitiwan ni Rodge ang braso niya.

"Raven!" Anang nito. "Thanks goodness you come." Saad nito saka niya hinila. "Tingnan mo kung sino ang nakita ko? This woman, enter your room. At sinusubukan niyang buksan ang vault gamit nang mga dala niyang gamit. " Halos man laki ang mata niya nang napatitig siya dito. Nagpalipat lipat ang tingin ni Raven sa kanila. Then it stop on her. Saka sa backpack na nakasukbit sa balikat niya. Noon lang niya napagtantong nakapantulog si Rodge at walang sapin sa paa. Halos mag-isa ang guhit nang kilay ni Raven nang napatitig ito sa painting. Noon lang niya napagtanto kung ano ang nasa likod noon. Isang malaking vault. Habang nanakabit ang isang uri nang apparatus doon. It was used to open that vault.

"Hindi totoo iyan!" Giit niya dito saka pilit binabawi ang braso.

"I can't believe this? Nagpapatira ka nang ahas sa pamamahay mo?"  Saad ni Rodge. Samantalang walang ekspresyon siyang nakikita sa mata ni Raven, iyon ang mas masakit kay Vela. 

"Raven, no makinig ka? Hindi----"

"And you try to lie now, mabuti na lang pala naisip kong puntahan ka sa silid mo." Naiiling pang saad nito. " Sayang maganda ka pa naman. " Nasa ganun silang tagpo nang pumasok si Dorin doon.

"Anong nangyayari dito?"

"Tita, how can you let a culprit stay in our house." It was Rodge, sa anyo at reaksyon nito kahit sino ay hindi pagduduhan ang mga sinasabi nito.

THE BROKEN MAN SECOND CHANCE IN LOVE (PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon