4

2.6K 70 2
                                    


"BAKIT hindi ka mamasyal iha." Ang tinig na iyon ni Dorin ang nagpalingon sa kanya mula sa pagtanaw niya sa nalawak na lupain nang mga Castillejos. "Ilang araw ka nang nadito. Bakit hindi ka maglibang. Marunong ka namang sumakay sa kabayo hindi ba?"Tumango siya. She did experience riding on horse. At kaya niyang magpatakbo niyong mag-isa.

"Buweno, don't waste your time, have fun, iha. Sayang ang pagkakataong nandito ka. Maraming kabayo sa kuwadra. Magpaalam ka kay Carding." Pagtataboy nito saka tinawag ang isang hardeniro upang ihatid siya sa kinaroroonan nang kuwadra.

Halos mamangaha siya sa naglalakihang stallion na naroon.

"Itong si Sly ang gamitin ninyo Ms. Vela. Hindi siya ganun kabilis tumakbo at hindi siya gaanun kataas. At siya ang pinakamabait na alaga ko dito. " Anang ni Carding na siyang naabutan niyang naroon. Nakadama nang excitement si Vela nang lapitan niya ang hayop. Yumuko pa ito na tila nakikipagkilala sa kanya. Saka niya hinaplos ang itim na balat nito. Habang hinahanda ni Carding ang kabayo ay panay ang halinghing nito.

"Basta huwag lang kayong masyadong lalayo. May falls sa paanan nang bundok. Basta siguruhin ninyo lang na wala si sir Raven kundi magagalit sa akin iyon." Paalaala nito bago niya tuluyang pinatakbo ang kabayo. Tama si Carding hindi ganun kabilis tumakbo si Sly, kaya kampanti siya dito. Tatlumpong minuto rin ang inabot niya bago marating ang paanan nang bundok. Mula kung saan ay nauligan niya ang water falls. Natitiyak niyang ang tubig mula sa talon ang siyang nagsisilbing patubig sa palayang nadaanan niya kanina.

Hindi rin nagtagal ay natagpuan niya ang talon. Napangiti siya habang nakatitig siya sa malinaw na tubig. Mabato ang ilalim at tila kay lamig nang tubig. Naghihinayang lang siyang wala siyang dalang damit para maligo. Kaya pinagsawa na lang niya ang mata. Ayaw naman niyang lumusog doon. Dahil baka may makakita pa sa kanya. Nagpalipas siya nang ilang sandali bago siya naglakad lakad sa paligid.

Napahinto siya sa tapat ang malaking punong naroon. May hagdang kahoy kasing nakatayo sa tabi nang puno. At ganun na lang ang ngiti niya nang umangat ang mukha niya. Naroon kasi ang may kalakihang tree house na itaan nang puno.

Bigla tuloy siyang nakadama nang excitement. Hindi niya naranasang umakyat sa puno kaya walang pagdadalawang isip na umakyat siya sa hagdang naroon.

Hindi mapigilang mapanga nga ni Vela habang umaakyat siya doon. Napuna kaagad niya ang di kalakihang sofang naroon. Humihingal pa siya nang tuluyan niyang ma-i-angat ang sarili. Walang ibang naroon kundi ang lumang sofang iyon. May lamesita sa tapat at ashtray.

Sukat doon ay napakunot noo siya. May-umuusok pa kasi ang sigarilyong naroon. Hindi niya mapigilang itanong sa sarili kung sino ang galing doon. Wala naman kasi siyang nakitang tao sa paligid nang umakyat siya. At wala ring naroon. Dala nang pagod ay ipinasya niyang lumapit sa sofa upang maupo sana nang bigla siyang maudlot sa aktong pag-upo. Sa likod nang sofa ay naroon ang pang-isahang higaan na gawa sa manipis na foan. And there she saw the man, soundly sleeping. Habang nakahayag ang matipunong matawan nito. Bigla tuloy siyang napangiti saka tila wala sa sariling nilapitan ang tulog na si Raven. Hindi niya maiwasang pasadahan nang tingin ang katawan nito.

Hindi tuloy niya naiwasang isipin kung anong pakiramdam na natulog katabi ang tulad nito. Sukat doon ay nag-init ang mukha niya. His angelic face when a sleep was so tempting. She felt relax just by watching him.

Nasa ganun itong ayos nang bigla itong magmulat nang mata. Kung hindi lang dahil sa biglang pagtalim nang titig nito sa kanya. Gusto sana niya itong batiin.

THE BROKEN MAN SECOND CHANCE IN LOVE (PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon