Hi po! So this is my first story here! Kaya hindi pa ito kasing ganda ng mga sulat ng iba diyan. Huwag mag eexpect ng sobra-sobra patungkol sa story ko kasi masasaktan ka lang. Charot!
"Zach, I hate you na talaga!" naiinis na sigaw ng kanyang kapatid mula sa likuran.
"Bakit ka naman maiinis sa akin? Inaano ba kita?" maang na sagot ni Zach sa kapatid na nakabasungot at pilit siyang hinahabol.
"Eh sa ayaw mong magpahuli sa akin!" naiiyak na saad nito kaya huminto siya at nilapitan ito.
"Huwag mo na kasi akong habulin. Aba, kapag hindi ka tatahan isusumbong kita kay Tita Anacyl." pananakot niya sa kapatid. Napangisi naman siya nang tumigil ito sa pag-iyak.
"Huwag! Nakakainis ka naman eh!" inirapan siya nito kaya natawa siya.
"Ayaw mo bang malaman ni Tita na kinakain mo ang chocolate sa reef?"
"Pag nagsumbong ka, isusumbong din kita na tinatakot mo kami ni Hazmine ng butiki."
"Edi magsumbong ka! Halika, samahan kita." asar niya pero ang totoo kinakabahan na siya. May phobia kasi ang kaibigan nito sa mga butiki.
"Titaaaaaa!" sigaw ni Zsa at agad naman niyang tinakpan ang bibig nito.
"Shhh. Hindi na kita isusumbong!"
"Takot ka naman pala eh. Halika ka na! Ako naman ang habulin mo at kapag nahabol mo ako hindi kita isusumbong." sabi ni Zsa habang nasa malayo na ito.
"Run for you lifeeee!" Naghabulan na ang dalawa na para bang walang gustong magpatalo.
Napabalikwas si Zsannen sa pagtulog. Habol niya ang kanyang hininga. Napangiti siya ng wala sa oras. I miss you, Zach. I wish you we're here. Bulong niya habang patuloy sa pag-iyak.
Kung sana sumama ako sa kanya ay hindi siya mapapahamak. Kung sana ay sinamahan ko siya ng gabing iyon edi sana hindi kami magkakahiwalay. Sorry, kuya. I'm so sorry.
YOU ARE READING
Finding Him
Teen FictionPaano kung ang taong matagal mo nang gustong makasama ay nakakasama mo pala araw-araw? Paano kung ang taong napapanaginipan mo gabi-gabi ay siya palang bangungot mo araw-araw?