Chapter 1

29 1 0
                                    

Hey guys! I just want to say hey! Send my hey back HAHAHAHAH😆


Napabalikwas nang bangon si Zsannen nang maramdamang umuuga ang kanyang kama. Inilibot niya ang mga mata at kumunot ang noo.

"Hey there, ate Zsa!" natatawang sabi ng kanyang pinsan habang patuloy sa pagtalon-talon.

"What the.... Shane, bakit ka nandito?" naiinis na tanong niya sa pinsan.

"Pinapagising ka ni, Tita Anacyl. Pinapasabing unang araw daw ng klase niyo ngayon." What the.

Bumaba kaagad siya ng kama at nagmamadaling mag-ayos. Bakit ba kasi nagpuyat pa siya sa kakanood ng K-drama kagabi ayan tuloy.

Nagmamadaling bumaba siya ng hagdan at pumunta sa hapag kainan.

"Good morning, tita." bati niya sa kaniyang tita at humalik sa pisngi nito.

"You look like a zombie, Zsa. Yan napapala mo sa kanonood ng mga koreanong 'yon." naiiling na turan ng kanyang tita.

"Shhh, tita. Don't stress me out." natatawang sagot niya sabay upo.

"Ate Zsa, hanapan mo ako ng gwapo doon ah?" pabirong sabad ni Shane sa usapan at sinaway naman ito ng kanyang tita.

"Oo basta huwag mulang agawin yung mga kinababaliwan ko."

"Sure thing. Hahaha."

Umalis siya ng bahay na natatawa dahil hindi maipinta ang mukha ng kanyang tita kanina. Tsk tsk strict tita of mine.

Mabilis na nahanap ni Zsannen ang kanyang classroom at naghanap kaagad ng upuan. Hinanap ng kanyang mata si Hazmine at kinawayan.

"Yiiieee! Kaklase na naman tayo, bhe!" tili nito nang makalapit sa kanya.

"Yeah. Huwag mo muna akong bwesitin, Haz. Bumalik ka sa upuan mo."

"Tabi nalang tayo. Problema ba yun?" nakangusong depensa nito.

"Fine." she rolled her eyes.

Matapos magpakilala sa isa't isa ay tumunog ang bell hudyat na break time na.

"Bhe, kanina ka pa tahimik." tanong ni Hazmine sa kanya.

"I wonder... Kung nandito si kuya edi kasabay sana natin siya ngayon." sagot niya.

"Hmm. I miss him too. Hahaha halika na nga! Nagugutom na ako." sabay hila nito sa kanya.

Alam niyang umiiwas ito sa usapan. Hazmine knows her very well. Very well.

Nang makarating sa canteen ay agad pumuli ng upuan si Hazmine samantalang siya ang inutusan nitong bumili ng makakain nila.

"Miss, two slices of strawberry cake." nakangiting sabi niya sa tindira. Mukhang scholar ito ng school nila

"Drinks po?" tanong nito sa kanya.

"Oh, Dalawang bote ng C2."

"Just give me a minute." Nginitian lamang niya ito.

Habang naghihintay ng order niya ay tumunog ang cellphone na nasa kanyang bulsa. Mensahe iyon galing sa kanyang tita at sinabing dumeritso siya sa palengke mamayang uwian. Nagpapabili ito ng mga prutas at recados dahil naubusan sila.

Pagkatapos niyang magreply ay agad niyang kinuha ang pagkain at umupo sa pwestong nahanap ni Hazmine para sa kanila.

"What the... Zsa, bakit yan yung binili mo ah?" nakangusong tanong nito sa kanya.

"At bakit naman hindi aber?" nakataas kilay na balik tanong niya rito.

"Ayaw ko niyan! Palagi nalang ganyan yung binibli mo! Hindi ka na nagsawa!" irap nito sa kanya at sabay tayo.

Finding HimWhere stories live. Discover now