Chapter 3

4 2 0
                                    

Potek na virus na iyan! Hindi naman inaano! Sapakin ko siya eh!


Maganda nga.
Maganda nga.
Maganda nga.

Shit. Shit. Shit.

Pabalik-balik ang salitang iyan sa aking utak. Matagal ko namang alam na maganda talaga ako pero bakit parang ngayon ko lang nalaman? Gosh! Ano bang nangyayari sa akin?! Oo, maganda nga ako. Maganda naman talaga ako. Siguro epekto ito ng kakanood ko ng K-drama ano? Iniimagine ko kasi na siya si Lee Min Ho tapos ako naman si Park Shin Hye na may pa slow motion effect pa.

"Ate Zsa, nasa labas si ate Hazmine!" imporma sa'kin ni Shane.

"Bakit daw?"

"Ewan. Pero sabi niya may sasabihin daw siya sa'yo ." Nagkibit balikat lamang ako at sumunod sa kanya.

Nakababa na ako at sumalubong naman agad ang gaga.

"Kailangan mo?" masungit na tanong ko sa kanya. Aba, may atraso pa itong gagang 'to sa akin. Akala niya hindi ko sila nakita? In her face!

"I'm going to have my sleep over here. May problema ka?" Aba! Ang sungit akala mo kung sinong maganda?

"Umuwi ka na! Sira ang aircon sa kwarto at alam kung hindi ka makakatulog." seryosong sabi ko naman.

"No way! I'll call Manong Bert para maayos iyon. May sasabihin kasi ako sayo eh." nakasimangot na naman siya. I rolled my eyes.

"At bakit kailangan pang mag sleep over? Pwede mo namang itawag o 'di kaya'y pwede mo naman e text."

"Eh sa gusto kong makita ang reaction mo! Zsa, naman eh! Sige na! I'll call Manong Bert to fix the aircon." maarteng sabi niya sabay kuha ng kanyang cellphone. Binatukan ko siya.

"No need. Hindi naman sira ang aircon sa kwarto ko at saka---" she cut my words.

"Tangina ka talaga, Zsa!" saad niya sabay batok sa akin.

"Ouch! Problema mo?" naiinis na tanong ko sa kanya.

"Akyat na tayo! Magdala ka pala ng pop corns kasi kailangan iyon!" Kumunot naman ang aking noo sa kanyang sinabi.

"Huh? Bakit may pa pop corn ka pang nalalaman? Anong drama na naman ito?" pagod na tanong ko. She just turned her back on me at nag dirediretso sa taas. Kahit naguguluhan ay nagpahanda ako kina manang ng mga pagkain. Wala kasi si tita. Nasa Cebu at inaasikaso ang isa sa aming flower shop doon. Nagkaproblema kasi kaya ayon, kami lang ni Shane ang naiwan.

Umakyat na ako at nadatnan ko siyang pinapakialaman ang aking laptop.

"Hey! Huwag mong hawakan!" maarteng sigaw ko sa kanya.

"Whatever." sabay bitaw ng aking laptop.

"So, ano na?" iritadong tanong ko sa kanya. Bigla naman niya akong niyakap nang mahigpit. Ang gaga, naglalambing.

"Zsa, I will miss you." mahinang sambit niya. Kumunot naman ang aking noo.

"Anong drama mo, te? Bakit may pa I miss you, I miss you ka pang nalalaman?" naguguluhang tanong ko. Iniwas naman niya ang kanyang tingin sa akin.

Finding HimWhere stories live. Discover now