Kabanata 6

2.7K 24 0
                                    

𝕊𝕖𝕝𝕠𝕤 𝔸𝕥𝕥𝕒𝕔𝕜

Cj's PV

Kinabukasan~~~

Nagising ako ng wala si Nica sa tabi ko. Tinignan ko yung orasan kung anong oras na, 1pm na tinanghali na pala ko ng gising. Bumangon ako pagkatapos ay nagsuot ako ng tshirt. Lumabas ako ng kwarto at bumaba, hindi na ko nakapaghilamos dahil hahanapin ko pa yung Babae ko...

Nang makababa ako ay pumunta agad ako sa sala. Ganun nalang ang inis ko ng makitang masaya si Nica sa kausap niyang lalaki, sa sobrang inis ko sinipa ko yung dingding kaya napalingon sila saken. Nadagdagan lalo yung inis ko ng makita kong si Ashton yon, ang ex niya. Nakita kong nagulat silang dalawa sa ginawa ko at alam ko rin na nakita nila yung galit sa mukha ko. Dahil ayoko ng gulo mabilis akong umakyat sa kwarto.

Pero dahil sa galit sa guest room ako dumeretso. Pagpasok nilock ko yung pinto. May nakita akong ref, lumapit ako duon at may nakita akong limang bote ng alak. Nilabas ko lahat yun

Umupo ako sa single sofa. Tinungga ko ang isang bote ng alak

Tang ina T_T baket ganito kasaket? Baket ang saket saket kapag nakikita kong masaya ka sa ibang lalaki? T_T lalo na sa ex mo, alam mo namang ayaw na ayaw kong nakikipag usap ka sa kahit na sinong ex mo or sa mga lalake T_T....ganun ba talaga kadali sayong makita akong nasasaktan? Putchaaaaaaa!!!

Habang tinutungga ko yung bote na may lamang alak tumutulo na luha ko........














Nica's PV

Shit! Napatagal yung usapan namin ni Ashton. Im sorry Hubby Babe :<

Sinundan ko ng tingin ang paakyat nang si Cj ko. Sobra akong nalungkot ng makita kong pulang pula na yung mukha niya sa galit

"Ahm Ashton wait lang ah" tumango siya sa akin saka ko sinundan si CJ sa taas

Pagka akyat ko sinilip ko siya sa kwarto pero wala siya. Pumunta ako sa guest room. Pagkalapit na pagkalapit ko sa pinto ay hinawakan ko ang door knob kaso nakalock yun at sigurado akong nandito siya.

"Hubby?" kumatok ako pero di niya ko sinasagot sa loob "Hubby buksan mo tong pinto" hindi niya pa din ako sinasagot "Plsssss"

"Hayaan mo na muna ko please lang" pagkasabe na pagkasabe niya nun ay sobra akong nalungkot dahil alam kong nasasaktan nanaman siya ngayon

Bumalik ako sa sala at nakita kong andun pa si Ashton. Nang makita niya ako ay tumayo siya agad

"Ah Nica mauuna na ko ah tinatawagan na kasi ako ng asawa ko, salamat sa mga advice mo at alam ko na din kung paanong susuyuin yung asawa ko salamat talaga" pagpapaalam niya "Pasensya na kung nagselos pa saken yung Bf mo ah ikaw nalang muna ang bahalang magpaliwanag sa kaniya, sige na"

"ahh wala yun, iha------" pinutol niya na agad yung sinabi ko

"Ako nalang kaya ko naman eh ilalock ko ba yung pinto?" tanong niya, kaya tinanguan ko nalang siya

Kumakaway siya saken habang naglalakad palapit sa pintuan. Nang makarating sa pinto ay nilingon niya ko at nginitian tsaka inilock ang pintuan.

Umupo muna ako sa sofa. Actually pumunta siya dito para lang magtanong kung paanong susuyuin ang isang babae lugmok na lugmok pa nga yung mukha niya pagdating niya dito. Akala ko saglit lang na usapan ang mangyayare pero napasarap ata yung usapan namin kaya ayun naabutan ni Cj. Nung makita ko yung mukha niyang pulang pula kanina sa galit nasaktan ako. Nasaktan ako kasi hindi ko sinunod yung sinabi niya, alam ko namang ganito siya katindi magselos eh pero hindi ko man lang yun inisip bago ako makipag usap sa ex ko.

Simula nung maging kami sobrang protective yan saken ayaw na ayaw niyang nakikipagkaibigan ako sa kahit na sinong lalaki at lalo nang ayaw na ayaw niyang nakikipag usap ako sa ex ko. Nakakasakal pero okay lang yun kesa naman mawalan siya ng pake saken at balewalain niya ko. Actually meron akong 9 na ex-boyfriend. Nung ikwento ko lahat yun kay Cj ayaw na ayaw niya nang dikitan ko kahit sino man sa mga yun. Halos kasi lahat sinaktan lang ako at pinaglaruan, almost 6years kaming magkaibigan ni Cj bago siya magconfess ng nararamdaman niya saken. Walang ligaw ligaw sinagot ko siya agad. Sa loob ng isang taon na relasyon namin hindi ko nasusunod yung gusto niya kaso hindi naman ako yung dumidikit at lumalapit eh sila ang lumalapit saken pero dahil ayokong mawala siya saken iniintindi ko nalang kesa naman hayaan ko eh baka magsawa saken yan. Hayssss lalo na ngayong pang ilang beses ko na siyang ginanito :<<<<

Bumalik ako sa wisyo ng marinig ko yung ingay sa taas. Tumakbo ako pataas dahil basag na bote yung narinig ko. Kumatok ako sa pinto

"Hubby buksan mo tong pinto plssss" nilakasan ko yung katok ko "Hubby nag aala---" binuksan niya yung pinto

Nakaharap siya sakin ngayon ng magang maga yung mata at may galit na tingin...
















Itutuloy........







































Rated Spg na yung sunod bawal yun sa mga inosente.... may mga maseselang salita na hindi angkop sa mga  inosente niyong mata😂✌️

Ang sElOso kong BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon