Kabanata 9

2.5K 25 3
                                    

𝔹𝕠𝕪𝔹𝕖𝕤𝕥𝕗𝕣𝕚𝕖𝕟𝕕

Cj's PV

Nandito na kami ngayon sa kwarto ni Nica. Nanonood nanaman ng cartoons. Sa sofa siya nakaupo at ako naman ay nakahiga pinagmamasdan siya. Ang cute cute niya pag seryoso. Seryoso siya kasi Dragon Ball pinapanood niya. Ang dami na nga pala niyang collection ng iba't ibang character sa cartoons na pinapanood niya. Regalo ko yung iba. Kalat kalat na nga eh. Tapos yung gift ko sa kaniyang malaking teddy bear nakaupo sa tabi ng TV. Yung kwarto niya pinadikitan niya ng maraming mukha ni Pink Panter ba yun? Hahhahaa tapos yung kama niya plain lang

"Dami namang daldal nito (-_-)" hahahaha pano kasi nagdadaldalan pa sila SanDoku

"Magtiis ka nalang wifey HAHAHA kailangan munang dumaldal nila sandoku bago sila maglaban"

"HAHHAHAHAHAHHAAHHAHHA" anong nakakatawa dun baliw na ba toh

"Anong nakakatawa dun wifey?" kunoot noo kong tanong

"Wala Hubby Hehehe" nagpipigil ng tawa niyang aniya

Nagsalubong nanaman yung kilay niya pagkabalik ng tingin niya sa TV. Nasa kalagitnaan na siya ng palabas. Nagcp nalang muna ako. Naglaro akong NBA. Actually walang akong hilig tulad niya. Nakikinood nga lang ako sa mga palabas na pinapanood niya eh. Biglang nagring yung cp ni Nica kaya napatingin ako sa kaniya

"Hello?" bungad niya sa kausap "Ah sige wait lang" binaba niya na yung tawag saka siya tumayo at tumingin saken, binigyan ko siya ng nagtatakang tingin "Hubby baba lang ako saglit ah" magsasalita pa sana ako pero mabilis siyang lumabas ng kwarto

Tinapos ko muna yung nilalaro ko. Dahil ang tagal matapos at naiinip na ko sa kahihintay na bumalik siya. Tumayo na ko at tumingin sa orasan. 11pm na ano kayang ginagawa nun sa baba. Pagkababa ko wala si Nica sa sala. Wala din sa kusina. Nakita kong nakabukas ang pinto sa labas kaya pumunta na ko dun. Nakita ko si Nica na may katabing lalake. Humahagulgol sa iyak pero ramdam ko yung saket kasi walang boses yung iyak niya eh. Lumapit ako at nakinig pero di nila ako napansin. Nakayuko yung lalake habang si Nica hinahagod ang kaniyang likod

"Tangena Nic baket naghanap siya ng iba T_T kung di naman na siya masaya saken baket di niya sinabe" ang hina ng boses nung lalake pero nakilala ko siya sa boses niya "Pwede ko namang ibalik yung saya eh babawi ako s-sakaniya" si Ises, matalik niyang kaibigan....kababata niya din, hindi sila masiyadong nagkakasama dahil busy si Ises at dahil na rin sa seloso ako HEHEHE

"Magiging maayos din ang lahat" hinawakan niya si Ises sa mukha at pinunasan ang mga luha nito "Smile ka na diyan Alien HAHAHAHA"

"Tsk diyan ka magaling eh noh, seryoso yung usapan tapos bigla kang magbibiro" nagpout siya kay Nica

"Wag ka nang malungkot Siopao ang panget mo na oh" nakakaselos na ah, nginitian pa talaga "Di ka bagay sa mga ganiyang babae, siguro hindi talaga kayo para sa isa't isa tsaka marami pang babae diyan" kaya love na love ko toh eh "Hayaan mong sila ang maghabol sayo HAHAHAHAHA remember hindi sila kawalan" yung tipong kahit wasak na wasak ka kaya niyang pagaanin yung loob mo ng dahil lang sa mga ngiti niya

"Salamat Panda"

"Hep" biglang singit ko dahil yayakapin niya si Nica "Bawal na yan"

"Oh Tol, kanina ka pa diyan?" si Ises

"Oo" tumayo siya at lumapit sakin, nagPis bom kami HAHHAHAHA basta kamao sa kamao "Baket pala dito kayo nag uusap sa labas?"

"Sorry tol ah baka kasi mag ingay ako sa loob tsaka pasensya na kung pinababa ko pa si Nica ng ganitong oras" nginitian ko siya at tinanguan, lumapit naman saken si Nica at hinwakan ko siya sa kamay "Sige na tol mauuna na ko, salamat Panda"

"Mag iingat ka Siopao" tinanguan lang siya nito at kumaway habang naglalakad paalis. Nang makaalis tumingin na saken si Nica tsaka ako nginitian

"Pumasok na tayo Wifey malamig na dito sa labas" sa totoo lang nakaramdam ako ng selos

"Hubby sorry kung nagmadali na kong bumaba tapos dito pa---" hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng halikan ko siya sa labi ng mabilis

"Pumasok na tayo sa loob" hinila ko na siya papasok sa loob ng bahay at nilock ang pinto






Nica's PV

Ramdam ko na nagseselos siya kay Ises hindi niya lang sinasabe. Alam kong nagpipigil lang siya ng selos dahil alam niyang kababata ko si Ises. Ises Manaban ang name niya may lahing German. Lumaking lola lang ang kasama. Iniwan lang siya ng mga magulang niya kay Lola Maseng at ang dahilan ng pag iwan sa kaniya ay magtatrabaho lang daw ang mga ito. Sa tuwing may problema siyang ayaw niyang sabihin sa lola niya saken siya lumalapit. Nakilala ko siya sa park nuon dahil nakita ko siyang umiiyak. Nang araw na iyon nangako kaming magsasabihan ng problema sa isa't isa. Kaya ayan ang selosong si Cj nagpipigil ng selos kapag si Ises ang kausap ko. Ako naman ang nakahiga ngayon at siya ay nagce-cellphone sa sofa. Mga 30mins na siguro akong nakatitig sa kaniya. Papikit pikit na nga ko eh. Ang tahi-tahimik ng hubby ko

"Nagseselos naman kase ayaw pa sabihin lagi nalang mananahimik tsk iwan ko toh eh HAHAHAHA chaArrr baka umiyak eh" napangiti ako sa sariling isipin

"Pst? Hubby?" pagtawag ko sa kaniya

"Po?" tsk di man lang ako nilingon

"Tulog na tayo" mukhang walang narinig di sumagot "Hubby, tulog na tayo"

"Mauna ka na" awts, alam mo yung malamig na convo nila? Parang boses niya ang lamig

"Hubby! nagseselos ka ba?" naiiyak ako promise hihi

"Di po" yelo~~~~~~~

"Galit ka?" oh my G, wag muna sanang tumulo luha ko

"Hindi" hindi pa din ako nililingon nakakabwiset

"Eh bakit ganiyan ka?" pesteng mata toh sabeng wag eh, ayan nagtuloy tuloy na

"Anong ganito?" painosente ang seloso

"Tsh! Sabihin mo naman kung nagseselos ka T_T hindi yung ganiyang mananahimik ka, napapraning ako kaiisip eh" hindi niya pa din ako nililingon

Sa sobrang saket ng ginagawa niya tumayo ako at lumabas ng kwarto. Dumeretso akong guest room. Pagpasok ko nilock ko yung pinto. Humiga ako sa kama at dun umiyak ng umiyak

Magseselos selos hindi nagsasabe tas itatanggi pa. Nakakainis huhuhu ayaw ko ng cold siya........ Ang saket saket T_T  pesteng mata na toh sabeng ayokong umiyak eh nagkusa nanaman ayan tuloy ayaw na huminto

"Wifey, buksan mo tong pinto" tsk bahala ka sa buhay mo "Wifey? Sorry na buksan mo na tong pinto plsss" ayoko bahala ka diyan "Sige na inaamin ko nang nagseselos ako kaya plsss buksan mo na tong pinto" huhuhuhu bahala ka aamin ka din pala nanlamig ka pa "Wifey plss sa kwarto ka na matulog" ayaw kitang katabi naiinis ako sayo, narinig kong nagbukas yung pinto hehe nakalimutan ko may susi pala sa basahang bilog sa lapag "Wifey, dun na tayo sa kwarto plsss" pilit niyang tinatanggal yung kumot na nakatabing saken "Wifey naman plsss" balakajan Bakla HAHAHAHA, akala ko titigilan niya na ko eh sinara lang pala yung pinto tapos tumabi saken. Niyakap niya ko mula sa likuran at hinalikan ako sa buhok "Matulog ka na, ILOVEYOUUU" isiniksik niya ang mukha niya banda sa leeg ko at ayun natulog na

I love you too Hubby, kahit seloso ka mahal na mahal kita hehehe Goodnight <3






















Itutuloy.................












Eyow Guys...... Sorry kung ngayon lang ulit nag update ang inyong taga gawa ng kwento baka next time ulit ako makapag update i hope you'll understand

Iloveyouuuu mga readers ko mwuaaaa mwuaaaaaaa😘 ingat kayo always and have a good health and heart everyone😍

Ang sElOso kong BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon