Chapter 5

8 0 0
                                    

Relasyon

Nagulat si Sky sa sinabi ni Heaven

"Sky I'm sorry"

"Heaven bakit? Mali ba ginawa ko? Nagtatampo kaba sa akin?" Umiiyak si Heaven ng makausap niya ito

"Sky kasi, hindi pa ako handa tsaka nag aaral pa ako. Sana maintindihan mo ang sinasabi at nararamdaman ko" nalungkot naman si Sky ng malaman iyon

"Heaven hindi kita pinipilit, maghihintay ako. Maghihintay ako hanggang sa matuto mo akong mahalin" pinahid naman ni Sky ang mga luha ni Heaven

"Sky, mas mabuting magkaibigan muna tayo" yumuko si Sky

"Tama! Mas tanggap ko nalang na hanggang kaibigan nalang tayo kaysa mawala ka sa buhay ko"

Kinuha naman ni Heaven ang kanyang mga gamit at dahan dahang umalis palayo. Umiyak ng todo todo si Sky dahil nareject ni Heaven si Sky

May biglang tumawag kay Sky yun ang hudyat na aalis na siya

"Sige papunta na ako" nagmadali na siyang umalis

——————————————————————————————————————

Heaven's POV

Tumakbo ako palayo, sobrang layo na ng tinakbo ko diko na alam saan ako papunta

Hingal na hingal na ako! Diko na alam saan ako pupunta. Tama ba tong desisyon ko? Tama ba tong ginawa ko?

Hays! Heaven napaka tanga mo talaga! Bakit mo iniwan si Sky dun na magisa!

Kung bumalik nalang kaya ako dun? Tapos kausapin ko ulit siya? Eh sabihan ko na nadala lang ako sa aking emotions?

Ughh tama na Heaven masyado kanang praning! uuwi nalang ako pero  di parin ako mapakali sa desisyon ko

Oo! May nararamdaman na ako kay Sky kaya lang hindi pa talaga ako handa sa relasyon kasi ayaw ko ma experience yung nangyari sa nanay at tatay ko naghiwalay lang din

Simula nangyari yun takot na akong magmahal kaya ko nasabi kay Sky yun

NAPAKA TANGA ko para pakawalan si Sky! Pero desisyon ko to eh ako nagsabi na friends muna kami

Hays makauwi na nga lang.

Tumawag na ako ng taxi pero wala pang dumadating maski isa wala talagang may dumadating na taxi! Ano ba yan! Bakit ba kasi wala pang may dumadating na

May biglang dumating na sasakyan sa harapan ko napaka laking sasakyan. Sino kaya to? At bakit nasa harap ko

Bumaba siya at nakita ko kung sino siya. Tuwang tuwa ang puso ko ng makita ko siya

"Lorraine??" Bigla kong sigaw sa kanya

"Hi Heaven, kumusta kana? Namiss mo ba ako?" Napaiyak ako sa tuwa. Bumalik na ang bestfriend ko.

Niyakap ko siya ng sobrang higpit dahil miss na miss ko na talaga siya. Ang tagal niya di nagpakita ah! Namiss ko tuloy siya after 3 years di man lang siya nagparamdam sa akin

"By the way ano ginagawa mo dito? Gabing gabi na? Gusto mo ihatid na kita sa inyo?" Tumango nalang ako at sumakay na ako sa kanyang sasakyan

Ang laki ng sasakyan niya. Talagang ang yaman at sosyal niya talaga. Napaka linis pa at hindi kalat. Hays sana ganito din ako

Dun ako binaba ni Lorraine sa malaking bahay. Ano ginagawa namin dito? Bakit andito ako? Kaninong bahay to?

"Heaven sorry ha hindi kita mahahatid sa inyo kaya binaba kita dito sa bahay namin" hala! Bahay pala nila to? Ang ganda ha parang mall

Pumasok na ako sa loob ng bahay nila. Napa Wow ako sa sobrang ganda. Grabe ang laki diko alam saan ako hihiga nito. Nakakahiya naman dito

"Heaven, wag kang mahihiya dito, dahil para sa akin welcome ka sa aking bahay. Sige Feel at home nalang okay?" Tumango ako tsaka ako nag smile sa kanyang mga maids

"Yaya? Paki kuha ng damit si Heaven dito siya matutulog at paki handa narin ng tea"

"Yes po senyora" sinunod naman ng yaya ang utos niya

Wow senyora pa talaga tawag sa kanya. Minsan iniisip ko kung kaibigan ko ba to? Ang laki ng bahay oh tsaka ang yaman. Siguro mayaman napangasawa nito

"Heaven maupo ka, ano? May ichika ka ba sa akin" uminom siya ng tea

Tanungin ko kaya siya kung bakit ganito na kalaki bahay niya? Di kaya naka asawa siya ng amerikano?

"Lorraine tanong ko lang bakit ang yaman mo na ngayon? Nakaasawa kaba ng amerikano?" Tumawa siya ng sobrang lakas. Luh okay paba siya?

"Actually no, bigla nalang naging ganito life ko simula tumira ako sa states dahil din siguro sa aking endorsements and modelling"

Oo nga naman no? Nasa showbiz life na siya ngayon isipin mo sumasali lang siya ng beauty pageant dito sa perya namin ngayon sikat at kilala na siya

"Ikaw? Tell me ano ang nangyari sayo? Kumusta kana? Si Sky kumusta na? Nabalitaan ko nangyari sa kapatid niya" nalungkot niyang sabi

"Ito okay naman ako, si Sky ang hindi eh need ng operation kapatid niya eh  kasi may sakit siya na cancer" nabigla siya sa sinabi ko

"Talaga? How can I help him? Baka may maitutulong ako"

Sasabihin ko ba kay Lorraine ang totoo na alam ko nagkaroon sila ng something ni Sky noon?

Bigla siyang tumayo at umakyat sa taas saan kaya yun papunta si Lorraine at parang nagmamadali siya

"Lorraine saan ka pupunta?" Tanong ko sakanya

"May kikitain akong tao"

Itutuloy....

Aking SintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon