LK3

31 1 0
                                    

Nagmamadali akong lumabas ng mall dahil mag-aalasais na ng gabi. Siguradong naghihintay na ang mga kapatid ko sa akin sa bahay. Lagot ako nito, hindi pa ako nakapag luto ng hapunanan. Pumara agad ako ng jeep pagkalabas ko pero puno na ang mga ito. Naghintay pa ako saglit pero lahat puno na ng pasahero.

Kahit naman may pera ako dito natatakot akong mag taxi! Patakbo na lang akong pumunta sa kabilang kanto at doon sasakay pero pagdating ko naman ay ganun pa rin. Lagot na talaga ako nito.

No choice ako kundi ang mag taxi, kesa naman ang mas mapagalitan pa ako dahil anong oras na ako naka uwi.

"Manong sa West Subdivision. Pakibilisan niyo po ah." sabi ko sa taxi driver. Buti na lang at naka para ako ng taxing walang pasahero. Sa gilid ng pintuan ako pumwesto para kung sakali mang may mangyari ay madali lang akong makalabas. Yakap-yakap ko ang supot na pinamili ko pqti ang luma kong bag.

Nakahinga ako ng maluwag ng nasa tapat na ako ng bahay. Binigay ko kay manong ang 500 at agad ng lumabas.

"Keep the change manong!" sabi ko saka sinara ang pinto ng taxi. Hindi ko na hinintay pa ang sukli dahil mas matatagalan lang ako.

Pumasok kaagad ako sa gate at sinara ito tapos ay kumatok ako sa pinto. Abot-abot ang kabang nararamdaman ko. Maya-maya pa ay bumukas na ito at niluwa si ate Aicelle na galit na tinignan ako.

"Ate pasensya na, natagalan ako dahil may binili pa akong project namin sa school." agad kong paliwanag.

"Talaga lang ha? O baka naman umiiwas ka lang sa mga gawaing bahay? Halika nga ditong bruha ka!" masakit na hinila niya ang buhok ko papasok ng bahay saka tinulak. Nagkalat naman ang mga gamit ko sa sahig.

"Ang tamad mong babae ka! Gawaing bahay na nga lang ang ipangbabayad mo sa pagtira at pagpapaaral sayo hindi mo pa magawang mabuti at iniiwasan mo pa!" lumapit sa akin si ate Aicelle at pinagsasampal. Hinarang ko naman ang mga braso ko sa mukha ko. Naiiyak na ako sa sakit na sampal niya sa akin. Maya-maya pa ay pinagsisipa naman niya ako.

"Ate Aicelle tama na po." pagmamakaawa ko. Pero hindi pa rin ito tumigil at mas lalo pa siyang nanggigil na saktan ako.

"Tama na ate! Masakit na po. Tama na!" hagulgol ko. Pilit kong iniiwasan ang bawat padyak niya sa akin pero natatamaan pa rin ako. Para namang hindi niya narinig ang pagmamakaawa ko.

Si ate Trixie at kuya namam ay nakatingin lang sa amin. Bakit ba nila ako ginaganito?

"Ate tama na ba ano ba!" sigaw ko at pilit na tumayo para pigilan siyang saktan ako.

"Pinagtataasan mo na ako ng boses ngayon ha! Walang hiya!" susugurin na niya pero agad ko siyang naitulak ng malakas.

Napasinghap naman si ate Trixie at nag-aalalang lumapit kay ate Aicelle na ngayon may dugo sa ulo. Naitulak ko kasi siya sa mesa.

"Ate sorry.. h-hindi ko po sinasadya." hingi kong patawad. Lumapit ako sa kanila pero pinigilan ako ni kuya at malakas na tinulak. Masakit na ang katawan ko dahil sa ginawa ni ate pero mas lalo pang sumakit dahil sa pagtama ng katawan ko sa pader.

Umupo ako at umiyak habang walang tigil na humihingi ng tawad sa kanila, lalo na kay ate Aicelle.

"Ate Aicelle." pukaw ni ate Trixie.

"Aicelle. Aicelle gising." tinapik naman ng mahina ni kuya ang pisnge ni ate pero nanatili itong walang imik at nakapikit.

Kinabahan akong lalo. Baka masyadong malakas ang pagkatulak ko kay ate kaya siya ganyan. Tapos yung dugo niya sa ulo...

Umiiyak na si ate Trixie at masamang tinignan ako.

"kasalanan mo 'to! Kasalanan mo to hayop ka! Sana mamatay ka na!" sinugod ako ni ate Trixie at pinagkakalmot at sinipa. Hinarang ko naman ang braso at iyak lang ng iyak. Kapag may mangyaring masama kay ate sisisihin ko talaga ang sarili ko.

Luxur Kingdom (The Heiress Crown)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon