LK4

32 1 0
                                    

Jewel's POV

Lumingon ako muli sa likuran ko, baka sakaling may taong sa likod ko at nagtatago lang at siya talagang prinsesa na sanasabi nila. Ngunit nalibot ko na ang lahat ng sulok ng kwarto pero wala akong ibang nakita tao bukod sa aming apat.

"Ikaw po ang prinsesa kamahalan. Ako si Wenna mula sa angkan ng Greenstone at iyo pong lingkod mahal na prinsesa." yumuko ang nagpakilalang si Wenna. Sa tingin ko ay mas matangkad siya sa akin ng four inches. Slim ang katawan at halata sa kanya na lagi itong nagwowork-out dahil sa nakikitang muscles nito sa katawan. Kulay pula ang buhok niya at napaka puti.

"Ako naman po si Aio kamahalan. Ang pinakacute mong lingkod na nagmula sa Bluestring na cute na mga angkan." masayang pakilala niya at yumuko din ng tulad ng sa mga hapon at korean. Paulit-ulit na pag bow.

"At ako si Glenn mula sa angkan ng Hasborgh." maikling pakilala ng lalaki. Tulad ng dalawa ay yumuko din ito sa akin.

"Ahm, nagkamali yata kayo. Hindi ako princesa. Please paalisin niyo na ako, hinahanap na ako ng kaibigan ko." sabi ko. Tipid na ngiti lang ang sinagot nila sa akin at biglang humarap sa likuran nila.

Pumasok naman ang lalaking nasa 6 footer na yata ang tangkad. Naka black polo shirt ito at black slacks din. Kulay green ang mga mata at kulay ginto ang buhok. Hunk ang dating dahil sa matipuno nitong katawan at walang-wala ang mga sikat na artista sa kagandahan ng kanyang mukha.

Ngumiti ito at lumapit sa akin. Halo-halong emosyon ang nakikita ko sa kanyang mukha.

Masaya

Nalulungkot

Naiiyak at hindi ko na ma explain pa ang iba.

Hinawakan niya ang balikat ko at mataman akong tiningnan. Hindi ako pumalag dahil komportable ako sa pagkahawak niya sa akin. Para bang bigla na lang ninais ng katawan ko na yakapin siya ng mahigpit.

"Anak ko." mahina lang ang pagkasambit niya nun pero parang nilindol ang buong systema ko.

Anak ko? Kung ganun? May pamilya pa ako?

Niyakap niya ako at dahan-dahang hinahaplos ang buhok ko na para bang isang mamahaling dyamante na kailangan ingatan. Dama ko ang init ng katawan niya at sobrang tuwa ngayon ang nararamdaman ko.

"Shh, I'm here now my princess. I won't leave you anymore." hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako at nakayakap na din sa kanya kung hindi niya lang pinahiran ang mukha ko na basang-basang na.

"Papa.." sabi ko. Ang sarap sa pakiramdam na may natatawag akong papa. Papa kong totoo.

Ngumiti siya ng malaki at niyakap uli ako ng mahigpit. Sinuklian ko naman yun ng buong pagmamahal. Nakita kong nakangiti ang tatlo sa gilid at masaya kaming tinignan.

"Kamahalan, nahanap na po namin ang dalawa pa ninyong mga a-" biglang pumasok ang may katandaang lalaki. Naputol ang sasabihin niya sana ng mapatingin sa amin.

Nanlaki ang mata ko sa lalaking bagong dating.

"Mang Oliver? Andito ka din po? Hinanap ka po namin ni Jane doon sa park kanina at saka nasaan po ang anak niyong si Clarence?" agad kong tanong. Pero malayo yata ang itsura niya ngayon noong nagkita kami kanina. O kahapon yata.

"Teka lang sandali. Nasaan nga pala ako? Anong araw na? Matagal ba akong nakatulog? Si Jane, nasaan ang kaibigan ko?" sunod-sunod kong tanong. Nag-aalala ako dahil baka ano na ang nagyari sa kanya. Hinawakan ni papa ang balikat ko at pinaharap sa kanya.

"Nandito ka sa mansyon anak, nasa pilipinas pa rin pero malayo sa syudad. Kahapon ka lang dinala dito at kalahating araw ka lang nakatulog. Ang kaibigan mo naman ay nasa bahay nila at mabuti ang kalagayan." sagot ni papa.

Luxur Kingdom (The Heiress Crown)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon