Part 2

1.6K 13 0
                                    

SA CLASSROOM

Pagkarating ko ay napansin ko na kumpleto na ang mga blockmates ko at ako nalang pala ang kulang. Hindi pa naman ako late pero kinabahan pa 'din ako hahil nga unang araw ng regular class. Ilang minuto pagkaupo ko ay dumating na ang aming unang professor.



Pagkalipas ng ilang oras ay natapos na ang unang subject at agad namang dumating ang pangalawang professor at naglecture. Habang nagdidiscuss ay bigla akong nakaramdam ng antok at gutom na tiniis ko hanggang sa...



Nag-ring na ang bell, lunch break na pala.



Balak ko sana umidlip bago maglunch kaya yumuko muna ako sa desk ko nang may biglang tumawag sa akin.



"Malek, tara kain na tayo! Alam kong gutom ka na dahil di ka nakapag-almusal kanina. Ano ba kasing ginawa mo kagabi?" Pa-asar na tanong sa akin ni Rio.

"Secret. Mas mukha ka pang gutom sa akin eh. Wala kang maloloko dito, Rio." Sagot ko sa kanya at nagtawanan kami.



Habang papunta kami, napaisip ako kung nalaman ba ni Rio ang pagmamariang-palad ko kagabi? Nabagabag ako ng kaunti pero di ko na lang pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad.



SA CANTEEN

Pagpasok namin...



"Malek! Rio!" Sigaw ng dalawang lalaki sa isang table sabay taas ng kamay na parang nagtatawag.


Si Kayson at Luther pala.


***
That's Kayson Zhu, one of my roommates. He's half Pinoy - half Taiwanese, 5'11", chinito, maputi, at medium built ang katawan, at halatang tambay sa gym ng school. Nakapuwesto siya sa top part ng kabilang double deck. Siya ay mahiyain at mapili sa kaibigan. Kami lang ang ka-close niya sa school.

And the other one is Luther Molina, 5'9", artistahin ang dating, medyo maputi, slim built, at active sa mga performance-related clubs gaya ng acting, singing, at dance club. Siya ay nakapwesto sa bottom part sa double deck nila ni Kayson. Kabaliktaran ni Kayson, si Luther ay madaldal, friendly, may mataas na self-confidence, at palabiro na mami-misinterpret kapag hindi mo siya lubos na kakilala.
***


"Rio, Malek, dito na kayo sa table namin!" Pambungad sa amin ni Luther.

"Salamat! Buti nalang nauna kayo." Sagot ko.

"Eh paano, matutulog ka pa yata kung di kita pinuntahan sa desk mo eh." Sabat ni Rio na halatang nang-aasar.

"Huwag na kayo mag-asaran. Bumili na kayo ng pagkain, aantayin namin kayo." Pakiusap sa amin ni Kayson.

"Sige ah, walang kakain hangga't hindi pa kami nakakabalik!" Sabi ko sa dalawa.

Um-oo naman sila at nagtawanan kaming tatlo dahil halatang-halata kay Luther ang pagka-buryo dahil gutom na siya.

Kaya agad kaming tumungo sa counter para bumili at ilang minuto lang ay nakabalik na agad.



Saktong pagkabalik namin sa mesa ay agad nang sinunggaban ni Luther ang pagkain niya na dahilan para matawa kaming tatlo. Para siyang bata na gutom na gutom.

"Sorry, Lu. Mahaba kasi pila sa counter." Pagpaumanhin ni Rio

"Ganoon ba talaga kami katagal?" Tanong ko sa kanya at tumango nalang si Luther dahil puno ang bibig niya. Haha. Ang cute niya noong mga sandaling iyon.



Habang kumakain...



"Bros, alam nyo na ba na may bagong professor tayo sa art class?" Biglang tanong ni Luther.

"Weh? 'Di nga?" Pagdududa ko, may pagka-prankster kasi itong si Luther kaya medyo mahirap paniwalaan kung minsan.

"Oo bro, narinig namin sa kabilang table kanina yung mga teachers na nag-uusap na ngayon daw ang start ng bagong professor sa art class." Pag-confirm ni Kayson. Dahil dito, nawala lahat ng duda sa akin.

"Eh nasaan na si Ma'am Rhian?" Tanong ko sa kanila. Nang mga sandaling iyon, napansin ko na lumungkot ang mukha ni Rio, baka dahil sa facorite niya kasi si Ma'am Rhian.

"Ang sabi ay nag-abroad na si Ma'am. Sayang nga dahil 'di tayo nakapagpaalam." Tugon ni Luther na halatang nalungkot din ng bahagya.



Bakas sa mukha nilang dalawa ang lungkot. Matapos ang ilang minuto ay natapos na kami at nagkuwentuhan nalang habang nagpapababa ng kinain.



Nag-ring na ulit ang school bell, hudyat na tapos na ang lunch break.



Agad-agad kaming nagligpit ng kinainan namin at dumirecho na sa aming classroom para sa Art Class.



~~~
Vote and comment for updates!

THIRST DAY OF CLASS (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon