Part 11

676 5 0
                                    

SA ROOM

Pagkatapos naming magprepare ng hapunan ay nagising na din si Rio.

"Good morning, boss. Handa na po ang pagkain." Pabirong sabi ni Luther sabay tawanan kaming lahat.

Nakita kong napansin ni Rio ang kaniyang underwear na mamasa-masa kaya agad niyang inabot ang boxer shorts at sando niya at sinuot.

"Sorry, bros 'di na ako nakatulong sa pagprepare ng food" paumanhin ni Rio.

"Tama na sorry sorry. Kumain ka na dito dahil may ipapagawa kami sayo mamaya." Sagot ni Luther na nakaboxer shorts na.

"Hays, ano na naman iyan?" Tanong ni Rio habang nagkakamot ng ulo.

"Haha, basta umupo ka na dito at kumain ka na." Sabat ko.

At kumain na kami ng hapunan. Nagluto si Kayson ng menudo at ako naman ang nagsaing. Si Luther ang naghain ng mga lutong pagkain, mga plato, at kubyertos.

Pagkatapos naming kumain ay tumayo agad si Rio para iligpit ang mga pinag-kainan namin . Pagkadating niya sa lababo ay tinawag siya ni Luther.

"Rio, hayaan mo muna yang mga hugasan jan, may iba kaming ipapagawa sa iyo" ang sabi ni Luther habang nilabas niya ang mga alak na binili nila sa supplier ng school. Bawal magpasok ng mga inuming nakalalasing sa campus pero dahil kaibigan ni Luther ang mga tao sa cafeteria, doon siya nag-oorder ng mga alak.

"Okay, gets. Ako ang tanggero?" Tanong ni Rio na parang natatawa na ewan.

"Haha, yes! Alangan naman pulutan. Kaya tara na dito at tagayan mo na kami." Sagot ko, sabay tawa kaming tatlo.

Sinimulan na ni Rio ang pagtagay habang si Kayson naman ay isa-isa nang nilabas ang mga pulutan na chichirya.

Kung alcohol tolerance lang ang pag-uusapan, si Kayson ang hari dyan. Tila ba di tinatamaan ng kalasingan, sunod si Rio na madalas nakakalimot ng mga pangayayari kapag nalalasing. Ako naman ay sakto lang na nalalasing pero naaalala pa rin ang mga pangyayari. Si Luther na pinaka malakas magaya naman ang pinakamabilis maglasing.

Pangalawang beses pa lang namin mag-inom dito sa campus. Noong unang beses ay tatlo lang kami, wala si Rio dahil nagkaroon ng emergency sa bahay nila at kailangan niyang umuwi ng ilang araw. Mabilis naubos ang mga inumin dahil kaunti lang ang nabili ni Luther noon pero nalasing pa rin ng malala si Luther, habang ako ay medyo nahihilo, tapos si Kayson ay halos parang walang nangyari.

FLASHBACK

"Wala na, ubos na yung mga alak natin pero si Luther pa lang ang lasing" Sabi ko kay Kayson.

"Hahaha. Oo nga, di man lang sumipa yung alcohol sa akin. Sa iyo ba?" Tanong sa akin ni Kayson.

"Uhm, eto medyo nahihilo na ako pero itong si Luther wala na, nakatulog na sa kinauupuan." Sagot ko kay Kayson.

"A-anong nakatulog na? 'Di pa ako lasing. Sinasabi mo dyan, Malek?" Sabi ni Luther. Halatang halata sa boses niya na lasing na siya kaya matawa-tawa kami ni Kayson habang nakikinig sa sinasabi niya.

"Alam nyo mga bro, dapat enjoy lang tay-" at biglang nasuka si Luther sa kinauupoan niya.

Agad kaming nagtawanan ni Kayson sa nakita namin pagkatapos ay tumayo naman ako para alalayan si Luther papuntang banyo.

"Sige na, Kayson ako na bahala maglinis dito kay Luther. Pakiligpit nalang ng mga ito" Ang sabi ko sabay turo sa mga bote, baso at iba pang mga kalat sa lamesa.

Tumango naman si Kayson habang sinisimulan ko nang alalayan para tumayo si Luther papuntang CR bago pa mangamoy suka sa buong kwarto.





Author's Note:

May kaibigan ka ba na kagaya ni Luther na malakas mag-aya pero mabilis malasing? 😂

Vote and comment for more updates.

THIRST DAY OF CLASS (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon