CHAPTER ONE

1.8K 32 1
                                    

Napakunot ang noo ni Cindy nang makitang nakabukas ang malaking gate ng mansyon ng mga Jimenez. Mula sa loob ng minamanehong sasakyan ay nakita niya ang sasakyan ng amang si Mariano na naka-park sa bandang bungad ng nakabukas na gate. Katabi ng sasakyan nito ay isa pang kotse na kulay itim na kumikintab sa ilalim ng araw.

She parked her own car outside the gate and went out. Dalawang araw na ang nakakaraan mula nang ilibing ang kanyang mommy Nina at sa loob ng dalawang araw ay wala siyang nakitang dumalaw sa malaking bahay except for the owner of this black Mercedes Benz.

Wala sa loob na napahugot siya nang malalim na hininga nang maalala ang adoptive mother. She had been the best mother anyone could wish for. She cared for her and supported her in everything that she wanted to achieve kahit na nga ba ang pagpasok niya sa mundo ng pulitika na sa simula'y ayaw ng namayapang ginang. Nina's love for her was unselfish at ang pagkawala nito ay nag-iwan ng malaking puwang sa puso niya.

Nina died seven days ago due to heart attack. Matapos mahatulan ng Reclusion Perpetua si Petra, Cindy's biological mother, dahil sa pagpatay nito kay Karen, Rain's ex-wife at sa pagtangkang pagpatay kay Issa almost six months ago, inagaw nito ang baril ng babaeng police escort. At sa loob mismo ng court room ay nagbaril ito sa sarili. Petra died on that instant habang ang adoptive mother ni Cindy na si Nina ay inatake sa puso dahil sa nasaksihan. Nadala pa ito sa hospital pero binawian din ng buhay kinagabihan.

Parang binagsakan ng langit si Cindy sa nangyaring iyon. Hindi niya alam ang gagawin. Hindi siya pinahintulutan ng asawa ng kanyang nanay Petra na dumalaw kahit man lang sa burol nito. Ang kanyang adoptive father naman na si Mariano ay hindi siya kinikibo sa limang araw na burol ng namayapang asawa.

For the first time in her life, Cindy felt alone. No one tried to console her. Nilayuan siya ng mga kaibigan. Si Rowell na kababata niya at matalik na kaibigan ay hindi man lang nagpakita sa kanya matapos ang nangyari sa court room at naiintindihan niya iyon kahit papaano. He was grieving for Karen and their unborn child na nawala dahil kay Petra. Sina Rain at Issa naman ay nasa Australia na for their honeymoon bago pa man ibinaba ang hatol para sa kanyang biological mother.

Maging ang mga kapartido niya ay nilayuan siya. They sent flowers and a written letter of condolences for the Jimenezes and that was it. Hindi man lang sila dumalaw sa burol ni Nina. Sa isip ni Cindy ay alam niya ang dahilan. Umiiwas ang kanyang mga kapartido na madikit ang pangalan sa kanya. Malapit na ang filing of certificate of candidacy at dahil alam ng mga ito na marami sa mga taga-San Simon ang hindi naniniwala na wala siyang alam sa nangyari kay Karen, minabuti ng mga ito na dumistansya sa kanya.

At kanina nga ay personal siyang kinausap ng kanilang mayor matapos ang regular session nila sa munisipyo. Mayor Guzman told her that they will not be including her in their line -up for the incoming election. Hindi na siya nagulat sa desisyon na iyon ng dating kaalyado at taas-noong tinanggap ang balita kahit na ba sa loob-loob niya'y gusto niyang umiyak at kausapin ang alkalde para magbago ang isip nito.

Cindy tried to swallow the lump that formed in her throat as she thought about the bitter things that changed her life in a snap. Sino nga ba ang mag-aakala na si Cinderella " Cindy " Jimenez ay babagsak ng ganito sa loob lang halos ng anim na buwan?

Sa edad na twenty-nine ay siya ang pinakabatang konsehal ng bayan at pinakamaganda kung tutuusin. She came from the prominent Jimenez clan na nagmamay-ari ng pinakamalawak na palayan sa buong San Simon at isang malaking grocery store sa Poblacion. She was also a local news anchor in Tacloban before she decided to join politics.

Ipinagpatuloy ni Cindy ang pagpasok sa malawak na solar ng mga Jimenez. She's silently praying na hindi magtatanong si Mariano kung ano ang nangyari sa session kanina. Hindi pa siya handang sabihin dito ang balitang natanggap.

AETERNUM SERIES 3: CINDERELLA'S CHANCE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon