Akin lang si PCY

10.6K 349 66
                                    

Taas noong naglalakad si Baekhyun habang nakataas ang isang kilay with matching high heels and gucci bag na galing sa kanyang kapitbahay na si Tao ang nakasabit sa wrist nya.

"Tabi dyan" sabi nito sa isang estudyanteng nakaharang sa daan nya.

Hindi sya pinansin nito at inirapan.

"Tatabi ka o tatabi ka?" Mahinahon ngunit nagmamalditang tanong ni Baekhyun.

"Sino ka ba? Kung gusto mo makita si Chanyeol namin, humanap ka ng pwesto!" Sagot sa kanya ng babae.

Napairap lang si Baekhyun sa hangin at hinarap muli ang babae. "Ilang taon ka na?"

"15. Ano ba!? Istorbo ka naman eh." Sabay irap muli ng babae.

Aba, dukutin ko eyeballs mo. Sabi sa isip ni Baekhyun. "15 years old ka palang, ang landi landi mo na!? Mag aral ka muna ng mabuti ha??"

Napanganga lamang ang babae sa sinabi nya.

"Tabi dyan, hinihintay na ko ng boyfriend ko." Irap nya sabay sangga sa balikat nung babae. Lahat ng babaeng nakapalibot sa labas ng canteen ay napatingin sa kanya. Sino bang hindi mapapatingin sa ganda ng legs at ng mukha ni Baekhyun?

"Hi babe~" bati agad ni Chanyeol ng makaupo si Baekhyun sa harap nya at inilapag ang bag nito sa lamesa. Agad namang umikot ang mata ni Baekhyun.

"Gosh Chanyeol! Bakit dito mo pa naisipan tayong magkita? Tingnan mo tuloy, ang daming nakapalibot sayo." Ang maarteng reklamo ni Baek. Napatingin lang si Chanyeol sa labas ng pinto ng canteen at nakita nya ang mga fangirls nyang magkandamatay-matay na sa inggit sa girlfriend nyang si Baekhyun.

"Hayaan mo na, sayo lang naman ako" sabi nito at hinawakan ang dalawang kamay ni Baekhyun.

"PUTAASDFGHJKL!!! HINAWAKAN NYA ANG KAMAY NI CHANYEOL KO!! PIGILAN NYO KO! PIGILAN NYO KO!" Napairap at napangiting tagumpay na lang si Baekhyun ng may marinig syang nagaalburotong mga kawawang babae sa labas. Hay, ang gwapo talaga ng boyfriend nya. Tamang tama lang para sa kanya na sobrang ganda.

"Oo Chanyeol. Akin ka lang" sabi nito sabay halik sa labi ni Chanyeol

-

Bitch, Park Chanyeol is mine (ChanBaek FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon