[2] Enemy

5.2K 221 70
                                    

Masyadong maganda para yumuko si Baekhyun kaya taas noo syang naglalakad habang nakakapit sa braso ni Chanyeol. At sa kabilang wrist naman nito ay nakasabit ang bagong bago nyang bag galing sa ate ni Chanyeol na si Yoora.

"Pwede pong papicture?" Isang junior student ang lumapit sa kanilang dalawa. Napataas agad ang kilay ni Baek.

"Sa inyo pong dalawa. Ang ganda at gwapo nyo po kasi eh. Sobrang bagay po kayo." Dagdag nung batang estudyante. Agad namang napalitan ang ekspresyon ni Baekhyun.

"Sige. Walang problema" nakangiting sagot ni Baek. Napangiti na lang din si Chanyeol.

Matapos magpapicture sa kanila ay dumiretso na sila sa kanilang building.

"Bye babe" paalam ni Chanyeol at hinalikan sa labi ang girlfriend. Ngumiti lang ito sa kanya at magpaalam na din.

Si Baekhyun naman ay naglakad na papunta sa room nya ng may makabangga sa kanya dahilan upang malaglag ang mamahaling bag na hawak nya.

"Oops.. Sorry" pinulot nya ang bag nya at hinarap kung sino man ang walanghiyang bumangga sa kanya.

"Oh! Kyungie~ ikaw pala yan.." sabay ngiti nito kay Kyungsoo na bumangga pala sa kanya.

Plastik. Sabi sa isip ni Kyungsoo at nginitian din si Baekhyun.

Malanding plastik. Ang sabi rin ni Baekhyun sa isip nya.

"How are you?" Kunwaring sincere na tanong ni Kyungsoo sa kanya.

"Okay lang naman. Masaya kasama ang BOYFRIEND ko" sagot ni Baekhyun at idiniin ang salitang boyfriend.

"Oh? Nga pala, ang gwapo ng boyfriend mo ha? Sabi ni Kyungsoo at ngumisi. Nginisian lang din sya pabalik ni Baekhyun.

Oo naman. Gwapo ang boyfriend ko. Gwapo na, masarap pa. Kaya mainggit ka.

"Sus. Ikaw naman. Syempre maganda ako eh" kunwaring natatawang sagot ni Baek at hinampas ng pabiro si Kyungsoo sa braso.

"Oo. Ang ganda mo nga eh" Ang ganda ibaon sa lupa. Umirap na lamang si Kyungsoo sa hangin.

"Sige Kyungie~ Alis na ko ha? Bye. Ingat ka" Baka mamaya mapatay kita sa sobrang kaplastikan at kalandian mo. Nginitian nya si Kyungsoo at nakipagbeso-beso pa.

"Ikaw din. Ingat ka." Ingatan mo rin boyfriend mo. Baka bukas makalawa, maagaw ko na. Sagot ni Kyungsoo.

Dumiretso na ng lakad si Baekhyun at ng malagpasan nya si Kyungsoo ay agad umasim ang mukha nito. Sino ba namang matutuwa sa pagmumukha ng kwagong iyon? Napaka kapal ng mukha. Nagkakamali ka ng kinalaban, Kyungsoo. Kung ako sayo, tumigil ka na bago ko pa ipalanding ang magaganda kong kamay sa mukha mong walang-wala sa kuko ko.

-

"Badtrip ka na naman bakla!" Ang maingay na sabi ni Luhan sabay lapag ng pagkain nya sa lamesa. Nasa canteen sila at eto, hinihintay ang kani-kanilang boyfriend.

"Nabibwisit talaga ako sa Kyungsoo na yan eh. Sa tuwing makikita ko sya, lagi na lang nasisira ang araw ko!" Sabi ni Baekhyun na nakaharap sa salamin nya at naglalagay ng eyeliner.

"Hmm? Nangangamoy gyera between two baklitas. Hahaha" sagot ni Luhan. Napairap na lang si Baekhyun.

"Jagiya~" dumating na ang dalawa. Umupo si Sehun sa tabi ni Luhan at hinalikan ang pisngi nito.

"Baek" umupo rin si Chanyeol sa tabi ni Baekhyun na agad isinubsob ang mukha sa pisngi ni Baekhyun. "Ang bango talaga ng girlfriend ko" ani nito.

Napangiti si Baekhyun ngunit nawala din bigla ng matanaw nya si Kyungsoo di kalayuan sa kanila. Nakatitig lamang ito habang nakangisi ng parang demonyo. Tila ba may binabalak na masama sa relasyon nilang dalawa.

Aba tangina talaga.

-

Bitch, Park Chanyeol is mine (ChanBaek FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon