[15] I trust you, Chanyeol

3.6K 134 39
                                    

"Baek??" Pumasok si Chanyeol sa kanilang bahay at agad tinawag ang pangalan ng girlfriend nya.

"Baekhyun!" Natagpuan nya ito sa sahig ng sala nila. Biglang kumabog ng malakas ang dibdib nya ng makita nyang walang malay ito.

"Baek! Gumising ka please...Baek! Dont leave me! Uwaaaaahhh~" drama ni Chanyeol with matching yugyog sa balikat at mahinang tapik sa pisngi ni Baekhyun.

Samantala, nararamdaman ni Baekhyun na may umaalog sa balikat nya dahilan upang magising sya. Ugh. Anong oras na ba? Mukhang napahaba ang tulog ko ah.

Halos mabaliw naman si Chanyeol dahil hindi nya alam kung anong gagawin sa girlfriend nang biglang may bumatok sa ulo nya.

"B-Baekhyun!! Buhay ka!!!!" Iniangat nya ang ulo at nakita ang gising na gising na si Baekhyun tsaka niyakap ito.

"Malamang buhay ako!! Anong kadramahan yan Chanyeol!? Lumayas ka nga dyan sa ibabaw ko!" Sabi ni Baek at itinulak ang balikat ni Yeol.

"Eh bakit ka ba kasi natutulog sa sahig? Ang laki laki ng kama dun sa kwarto di ba?" Inalalayan ni Yeol si Baekhyun paupo sa sofa.

"Saan ka galing?"

Imbes na sagutin ay muling nagtanong si Baekhyun kay Chanyeol.

"Kagabi pa ako tawag ng tawag sayo Chanyeol! Halos mabaliw na ko kakaikot dito sa bahay natin kakahintay! Nakatulog na nga ko dito sa sala sa sobrang tagal mo eh! Hindi mo ba alam kung gaano ako nag-alala!?" Sermon ni Baekhyun sa kanya. "Saan ka natulog!?"

"HA!?"

Napalunok ng ilang beses si Chanyeol. Shet. Sasabihin ba nyang dun sya nakatulog kila Kyungsoo?

"S-Sa bahay ni pareng K-Kris..." ang sagot niya. Hindi nya sinabing kila Kyungsoo dahil tangina, gusto nyo bang magkaroon ng world war 3??

Hindi umimik si Baekhyun at tiningnan lamang si Chanyeol na nakataas ang isang kilay at naka crossed arms. Ginagawa nya ito upang malaman kung nagsisinungaling ang boyfriend nya.

"Baek... Sabi mo kasi ayaw mo ko makita di ba??" hinawakan nya ang kamay ng girlfriend nya.

"Sinabi ko lang naman na ayokong makita yang bwisit na pagmumukha mo. Pero di ko sinabing lumayas ka ng bahay! Paano kung may nangyaring masama sayo ha!? Paano!? Paano ako Chanyeol!? Baka ikamatay ko pag nawala ka!!" Pinaghahampas niya ang dibdib ni Chanyeol.

Gustong ngumiti ni Chanyeol dahil kinikilig sya. Sobrang mahal nga talaga sya ni Baekhyun. Pero hindi nya magawa dahil lumuluha na naman ang girlfriend nya sa harap nya ngayon. Mukhang nag-alala nga ito ng sobra.

"Babe," hinawakan nya ang pisngi nito at iniharap sa mukha nya. "Wag ka ng umiyak, ok? Walang nangyaring masama sakin. Wag ka nang mag-alala..." hinalikan nya ang noo ni Baekhyun.

"Sorry ulit," titig ni Chanyeol sa mga mata ni Baekhyun.

"Hindi mo naman na kailangan magsorry sa nagawa mo sakin, Chanyeol. Okay na, wala namang nangyari di ba? May mali rin naman ako eh. Dapat sinabi ko na sayo nung nasa clinic tayo nun para hindi ka na naghinala."

"Ha? Ang alin?" Naguguluhang tanong nito.

"Yung araw na yun, hinabol ako ni Jongin. Pumasok ako sa locker room at nagtago pero naabutan nya ko at... at..." hindi maituloy-tuloy ni Baekhyun ang kinekwento nya. Ayaw nyang alalahanin pa yun. Masyadong pahorror.

"Sshhh.. Okay na Baek. May tiwala ako sayo." niyakap nya ang girlfriend nya at binulungan ito. "Sorry. Sorry sa mga nagawa ko at magagawa ko, Baek."

Iniangat ni Baekhyun ang ulo nya at nagtaka sa ibinulong ng boyfriend. Anong problema mo?? Ang tanong na nasa isip nya.

"Bakit?" Tanong ni Chanyeol. Umiling iling lamang sya at niyakap muli ito at isinandal ang ulo sa dibdib. Namiss nya talaga ang boyfriend nya. Sobra.

"I love you"

"Mas mahal kita Baekhyun"

Sagilit silang nagkatinginan ng girlfriend nya sa mga mata nito. Nakangiti ito sa kanya ng napakatamis.

"Chanyeol, wag mo na kong iiwan ha?" Haplos ni Baekhyun sa pisngi ni Yeol.

"Hinding hindi kita iiwan, Baek" sagot ni Chanyeol.

Nakokonsensya si Chanyeol sa nagawa nya. Ano nga bang nagawa ng girlfriend nya sa kanya at nagawa nyang magalit dito kahapon? Ang tanging gawain lang naman ni Baekhyun ay ang magmaldita, magtaray, maginarte at higit sa lahat ay mahalin ang isang Park Chanyeol ng walang kapantay.

-

Buong magdamag kakaiba ang bawat kilos ni Chanyeol. Agad itong napansin ni Baekhyun habang naghuhugas sya ng pinggan ng pinaghapunan nila at di nya naiiwasang magtaka.

"May problema ka noh?" Tanong ni Baekhyun kay Yeol ng makaakyat na sila sa kwarto upang matulog.

Nakaupo lamang si Chanyeol sa kama habang nakatingin kay Baekhyun.

"Wala to, Baek" sagot ni Chanyeol. Hinila nya si Baekhyun paupo sa mga hita nya at niyakap ang bewang nito.

"Babe..." naramdaman ni Baekhyun ang hininga ng boyfriend na tumatama sa batok nya. Nilingon nya ang kanyang ulo at nakita nya itong nakatingin lamang sa kanyang mga mata.

"Bakit Yeol?" Imbes na sumagot ay inilapit ni Chanyeol ang labi niya sa labi ni Baekhyun at pinikit ang mga mata. Nabigla si Baekhyun ngunit nakabawi rin saka tumugon sa halik nito. Ilang sandali ay inilayo ni Chanyeol ang labi nya at saka tumingin muli sa mata ng kanyang girlfriend.

"Do you trust me, Baek?" Seryosong tanong nito.

Tumango si Baekhyun. "O-Oo naman, Yeol.. A-Anong klaseng tanong yan??"

"Make love with me tonight"

Matapos sabihin ay hindi na nya hinintay ang sagot at muling sinunggaban ng halik ni Chanyeol si Baekhyun. Niyakap ni Baekhyun ang kanyang braso sa leeg ni Chanyeol at diniinan ang halik nito. Kapwa silang naghahabol ng hininga ngunit hindi sila nagsasawa. Ang mga maiinit kamay ni Chanyeol ay napupunta kung saan-saan na syang nagdadala ng kakaibang feels kay Baekhyun.

Niyakap si Baekhyun ni Chanyeol at binuhat ng pabridal style atsaka inayos ang higa sa kanilang kama. Tinanggal ni Chanyeol ang kanyang pangitaas na damit atsaka pumaibabaw kay Baekhyun. Habang ginagawa ito ay hindi nila inialis ang bawat tingin sa isa't-isa.

"I love you so much, Baek" bulong ni Chanyeol sa tapat ng tenga ni Baekhyun. Hinalikan nya ito pababa sa kanyang leeg habang binubuksan isa isa ang butones ng kanyang pantulog na damit.

..

..

Five minutes later..

"SHET BAEKHYUN!! NAHIHIRAPAN NA KO HA! BAKIT.. BAKIT ANG SIKIP!? WAAAAHHH!!"

"AHH! DAHAN DAHAN PUTANGINAMOCHANYEOLHAYOPKA!! MASAKIT GAGO!!"

Matapos ang 2 minuto..

"OH YEAH MADAPARKER CHANYEOL!! ANG BAGAL MONG LECHE KA! FASTER FASTER TEN TIMES!!!"

"OO SANDALI!! GIBA NA YUNG KAMA!! LINTEK!!"

And so on..

-

Tangina :'( *tinusok ang ulo sa baba ni Kris at Sehun at namatay*

Bitch, Park Chanyeol is mine (ChanBaek FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon