[8] Hurt

3.6K 147 11
                                    

"Kyung, please... Ako na lang"

Hindi maialis ni Kyungsoo ang tingin nya kay Jongin. Umiiyak ito ngayon sa harap nya.

"Jongin hindi pwede" sagot nya rito. Hinawakan sya sa kamay ni Jongin ngunit tinanggal nya rin ito.

"Jongin hindi nga pwede! Nakakaintindi ka ba!? Hindi kita mahal at ayokong ipilit ang sarili ko sayo! Parehas lang tayong masasaktan.." sagot ni Kyungsoo habang nakatingin sa mga mata ni Jongin.

"Bakit? Sa tingin mo ba, hindi ka pa nasasaktan sa lagay na yan? Pinipilit mo rin ang sarili mo kay Chanyeol at ayaw nya sayo! Kaya please--" isang malakas na sampal ang dumampi sa pisngi ni Jongin.

"Wag mong pakelaman ang gusto ko" tinalikuran nya si Jongin at naglakad papalayo.

May point nga naman si Jongin. Oo at nasasaktan na sya dahil pinipilit nyang makuha si Chanyeol kahit ayaw nito. Pero ang mas ayaw nya ay yung magpanggap syang mahal nya si Jongin, kung mamahalin nya man ito ay gusto nya ay yung totoo. Kaibigan nya si Jongin at mahalaga ito sa kanya kahit papano. Ayaw nya itong paasahin. Kung pwede nga lang kasing sumbatan ang puso kung sino ang mamahalin nya, eh di sana masaya na sya sa piling ni Jongin ngayon.

-

Isang maingay na tugtugan at nakakasilaw na mga ilaw ang ikinaiirita ni Kyungsoo. Ngunit wala syang magagawa. Nasa bar sya eh. Nakakailang bote na ng alak si Kyungsoo ngunit hindi pa rin nya makalimutan ang sakit na nararamdaman nya. Kung pwede lang nyang ipukpok ang mga boteng nasa harap nya sa ulo nya para lang mawala ang sakit na nararamdaman nya ay ginawa na nya.

"Kyungsoo" napatingala si Kyungsoo ng may tumawag sa kanya.

"Chanyeol?" Tanong nya rito.

"Hindi ako si Chanyeol. Halika na, umuwi na tayo. Dapat hindi ka pumupunta sa mga ganitong lugar." sabi nito at hinila ang kamay ni Kyungsoo palabas ng bar.

"Chanyeol.. bakit mo ko pinuntahan? Hiniwalayan mo na ba si Baek para sakin??" Ang lasing na lasing na tanong nito habang hinahaplos ang mukha ng inakala nyang si Chanyeol.

Napailing na lamang si Jongin. Inakala ni Kyungsoo na sya si Chanyeol.

"Hanggang ngayon, si Chanyeol pa din ang iniisip mo" napailing muli si Jongin. "Iuuwi na kita. Lasing ka na eh"

Dinala niya sa sasakyan nya si Kyungsoo at sumakay na din sya.

"Chanyeol" nabigla sya ng may dumamping palad sa hita ni Jongin. Kinuha nya ang kamay ni Kyungsoo at hinawakan ng mahigpit.

"Hmm?" Tutal eh bangag naman si kwago, edi maki go with the flow na lang sya sa trip nito. Hahayaan nya munang tawagin syang Chanyeol ni Kyungsoo ngayon.

"I love you" sambit ni Kyungsoo habang nakasandal sa tabi nya.

"I love you too" sagot nya rito.

"Be mine"

"Kyung, i'm always yours.."

Nakita nya ang isang ngiting gumuhit sa mukha ni Kyungsoo. Pero sa kabila nun, ay hindi naging masaya si Jongin. Si Chanyeol ang iniisip nya ngayon at hindi sya. Tangina. Bigti na friend.

"Ayokong umuwi sa amin" sabi ni Kyungsoo sa kanya habang pinaandar ni Jongin ang sasakyan.

Tumango lang si Jongin at dumiretso sya sa condo niya. Dun muna nya papatulugin si Kyungsoo.

-

"Kyung? Kyung, gising na" sinubukan muling tapikin ni Jongin ang balikat ni Kyungsoo ngunit ayaw nitong gumising. Ang sakit din ng kanyang pisngi nya ng bigla syang sapukin ni Kyungsoo kanina ng gisingin nya ito.

Napabuntong hininga na lang di Jongin. Binuhat nya nalang si Kyungsoo papunta sa loob ng condo nya. Pagdating nya dun ay agad nya itong inihiga sa kama at kinumutan.

"Hmm.. Chanyeol.." paalis na sana si Jongin ng biglang hawakan ni Kyungsoo ang kamay nya.

"M-may kailangan ka ba?" Napalunok si Jongin. Tangina,ang hot ni Kyungsoo.

"Ang init" sabi ni Kyungsoo habang nakapikit sa sobrang kalasingan. "Tanggalin mo ang damit ko"

"Ha?" Nanlaki ang mata ni Jongin. No. Hindi pwede. Baka kung ano pang magawa nya kay Kyungsoo. Punyeta naman kasi Kyungsoo eh, iinom inom ka tapos hindi mo naman pala kayang kumilos mag-isa.

"Hmmm!" Naiiritang ungol ni Kyungsoo habang sinusubukang tanggalin ang pangtaas na damit.

Tangina. Naramdaman ni Jongin ang kung anong nagwawala sa loob ng boxer shorts nya. Let out the beast na ba ituu?

"Chanyeol--" bigla syang hinila ni Kyungsoo kaya in the end, ay nasubsob sya sa ibabaw nito.

Super tangina. Paulit-ulit na napalunok si Jongin. Sobrang lapit nya at kitang-kita ang napakaamong mukha ni Kyungsoo. Ang pawisan nyang pisngi habang nakapikit at ang hugis puso nitong mga labi ang mga bagay na nakakapagdala ng kakaibang feels kay Jongin. Puta. Nabubyuntae na ko.

Unti-unting inilapit ni Jongin ang mga labi nya kay Kyungsoo. Jongina. Lalaki rin sya. At isa pa, ang taong sobrang kinababaliwan nya ang nasa ilalim nya ngayon. Kahit anong pagpipigil ang gawin nya, baka ikamatay nya lang. Bahala na. Tangna talaga.

-

Bitch, Park Chanyeol is mine (ChanBaek FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon