Torpe ako? hindi rin,
Go with the flow? malas lalong hindi rin,
Porsigido? maybe,
Paasa? pwede,
Shy Type? pwede rin,...
Ma-pride? yess, ako yan!
inaamin ko sa sarili kong isa akong taong ma-pride,.. naghihintay ng walang kasiguraduan sa taong gusto ko eh kasalan ko bang umasa? hindi naman siguro diba?.. gusto ko siya! oo totoo yan.. kaya minsan dahil sa ma-pride akong tao, nasasaktan na ako kaya ito naunahan na..kasi akala ko ako lang, ako lang ang magkakagusto sa kanya,.. pero may kasabihan nga,"maraming namamatay sa maling akala" pero masisisi niyo ba ako?.kahit naman papano eh masaya na ako na hanggang sulyap lang at least kahit malayo ako sa kanya eh nababantayan ko parin ang bawat kilos niya eh klasmeyt nga kami diba!
hanggang isang araw, nalaman ko ang nakakagulat na balita..
iniisip ko minsan na mabait lang talaga siya, na matulunging tao.. hindi ko binibigyang malisya yun, Oo nagseselos ako pero anong karapatan kong magselos diba? isa lamang akong hamak na klasmeyt niya.. hindi ko alam na may kahulugan na pala ang lahat nang iyon..
isang araw habang nagchi-chismisan kami ng mga kaibigan ko, pumasok si Fatima ang aming class President, maganda, matalino, mabait sa taong mabait sa kanya at nakakatakot siyang magalit.. nung una hindi ko talaga siya type, akala ko kasi masungit.. yun pala nagkamali ako.. hindi man ako chismosa pero sadyang malakas lang talaga boses nila kaya naririnig namin ang pinupotok ng bunganga nila..
"talaga!! kagabi kasi nagulat na lang ako ng nag GM(GroupMessage) siya!" narinig kong sabi ni fatima sa bestfriend niyang si Girlie..hindi na sana ako makikinig ngunit narinig ko ang pangalan ng taong hindi ko inaasahan... chakksss"Oo nga! nagtaka na nga lang ako kay noval sa GM niya sabing 'GIRLFRIEND KO SI FATIMA CASSANDRA SAYSON' "
bakit? Paano? kailan pa? Anong nangyayari?
yan ang tanong na na nangagailangan ng kasagutan!.. kung makikita niyo ang reaksyon ko, masasabi niyong okay lang ako.. hindi naman kasi ako showy! alam yan ng kaibigan ko.. ang sarap sabihing 'sige kayo na, maghihiwalay rin kayo! kala niyo ha!' ang bitter lang diba? kaya sa pagkakataong yun, naisip kong turuan ang puso ko.. bawal yan, bawal to..mali yan, tama to kaso naisip kong may sariling isip ang puso at yun ang totoo, tama man o mali, bawal man o hindi gusto ko siya, kasalan ba?... pero mas pinili kong manahimik at tanggapin ang katutuhanang hanggang pangarap lang kita..
naging stranger to classmate na naging friend hanggang naging close to friend again hanngang naging stranger and classmate nanaman hanggang sa naging totally friend pero di close na nauwi sa Sawiang puso ko... saklap naman!! crush ko siya matagal na!
May kasabihan nga.. "Crush is only paghanga pag tumatagal lalong lumalala"
_______
"wag ka ngang tumingin sa kaniya! wag kang pahalata.. gaga neto! " sermon ko ke cherry..
nandito kami ngayun sa school ground, tumatambay kasi may meeting yung mga teacher at nagshortening time nanaman pero imbis na nakauwi kami ng maaga eh ang putang-inang gwardiya eh hindi pa kami pinapalabas, sarado pa kasi ang gate at maghintay daw kami mag alas kwatro.. kaya eto, tambay tambay muna!.. kanina kami pang tatlo ang nag-uusap usap ngunit dumating yung tatlo naming klasmeyt/hindimasyadongclosefriend..naki join sila..well kasalukuyang senisermunan namin si cherry eh ang bruha reklamo ng reklamong baka daw makita siya ng nobya niya.. oo! tama ang nabasa niyo!. nobya niya na mas matanda sa kanya ng walong taon..Oo walong taon for pete's sake!!! pinagsabihan na namin niyan pero matigas talaga ang bungo! may pasabi sabi pang 'oo hihiwalayan ko siya pagkaabot namin ng three months ekslabo watever".. sa totoo lang talaga, against ako sa kanila, may time pa nga na nagkaaway kami ng jowa niyang feeling lalake.. alam niyo na! may pagkastrikto ako pagdating sa mga kaibigan ko, sabi ko sa jowa niyang hilaw na 'may baboy palang lumalabas habang mainit ang araw' sabi ko sa txt.. syempre nakuha ko yung baboy baboy thing ke rubi kasi yun ang lumabas sa bunganga niya nung nakita niya yun.. basta yun,dun na nagsimula ang hidwaan namin ng nilalang na yun.. habang ngayun si cherry ang O.A O.A.. baka daw makita siya ng jowa niya pero siya naman tong nakaharap sa direksyon kung saan naroroon yun..
"gaga moh times 2!! tumalikod ka kasi hindi yung magrereklamo ka pero nakaharap ka sa kanya!" gaga talaga!.. tong si rubi naman eh selfie ng selfie..addict eh, wala na tayong magagawa dun.
maya-maya dumating ang dalawang barkada ni noval.. nakisali ma din samin.. habang nagkwekwentuhan kami, namataan ko sa di kalayuan si Noval at ang syota niyang si fatima..
Ang swerte mo fatima.. ang pangarap ko, abot kamay mo na, inangkin mo pa!. Napabuntong hininga na lang ako. i smiled but it was a sad one. Siguro tatanda na lang akong dalaga.. i smile with that thought.
mahigit isang taon narin nung nagkasyota ako, third year pa ako nun eh at hindi ko masyadong seneryoso, crush ko yun elementary pa at minsan kinikilig pa ako sakanya, nanligaw siya noong first year palang ako pero binasted ko! hindi ko alam kung baket tapos noong 2nd year nanligaw siya ng dalawang beses and again binasted ko nanaman siya..eh bakit ba! type ko magpakipot eh pero joke lang.. ewan ko ba kung bakit ako ganto.. nung crush ko pa siya ay kilig na kilig ako tapos yung nagparamdam siya eh parang nalalaswaan ako, ang gulo diba!! pero noong nag third year na kami eh nanligaw na naman siya at sa pagkakataong yun eh pumayag na ako,.hanggang di ko na feel ang magkajowa!. kasi narealize ko noong naglalakad kami pauwi napansin kong maraming magjowa sa campus tapos ayun..may nag pop out kaagad na katanungan sa sarili ko habang nakatingin sa paligid ng skwelahan namin..
tama ba ang ginagawa ko? nandito ako sa skwelahan upang mag-aral at hindi para makipag-relasyon..
mahigit three months ang itinagal namin hanggang isang araw nakabuo na ako nang desisyon, alam ko sa sarili ko na itong desisyong ito ay hindi puro tungkol sa pag-aaral kundi tungkol din sa kalayaan.. gusto kong lumaya sa kanya,..
kaya ganoon nga. I broke up with him without any hesitations.. siguro, karma na tong nangyayari sakin. hmmpp.. hindi rin noh! sa gandang mong yan mae! marami pang isda sa dagat.! Tama nga naman.. marami pang isda sa dagat..
______
nakauwi na rin sa wakas!.. hmmmmm..ang sweet naman nila! nasabi ko habang naaalala ko ang nangyare kanina.. hehe, medyo naiingit ako ke fatima pero hindi naman maiiwasan yun! makakalimot din ako balang araw.. baka masyado ko lang minamadali ang sarili ko!. di bale lahat naman tayo ay may kanya kanyang nakalaan, kailangan lang natin maghintay hanggang sa dumating na ang taong nakatakda para sakin..napangiti na lang ako habang nakapikit..
hi destiny! wer are u? andito lang me! nakahiga habang naghihintay sayo!..
BINABASA MO ANG
Am i hopelss in love?(OnHold)
AksiyonI am Mae, at naniniwala ako sa kasabihang 'kung may tiyaga, may nilaga,' kaya heto ako ngayon naghihintay ng aking kaforever.