READ me

51 1 0
                                    

This story is all about a teenage girl who's secretly inlove on her classmate.

_____

Ang Storyang ito ay hango sa Totoong buhay ng Isang dalagang babae na nangagarap na mapansin ng kanyang long time crush..ganyan naman talaga yan, crush crush..uso ang ganyan sa mga teenager diba..? Pagnakita lang ang crush para nang hihimatayin o pag tumabi si crush sa iyo ay bigla biglang nagkaka stiff neck kasi hindi ka makatingin sa crush mo..diba?

Ibat-ibang klase ng tao sa love..

TORPE:
ito yung lalake o babae na hindi masabi-sabi sa taong gusto niya ang nararamdaman niya, baket?.. Kasi takot sila sa rejection!,takot silang ipaalam kasi baka tanggihan sila.. Pero diba pag nagmahal ka sa isang tao, umamin ka man o hindi, tanggihan ka man ay hindi na importante kasi pagnamahal ka wala yang hinihintay na kapalit. Kung hindi ka mahal di tanggapin mo at least naamin mo ang sasaloobin mo diba? Kaya kayong mga torpe diyan! Umamin na kayo!.. Malay niyo gusto din kayo ng taong gusto niyo at baka naghihintayan lang kayo!! ..

Go with the flow:
-- ito yung taong masarap ihawin.. Baket? Sila kasi yung taong take ng take.. Pag sila kasi malaman na may nagkakagusto o nagkacrush sa kanila ay pinapatulan nila bale go with the flow lang kahit walang kasamang feelings.. tapos iiwanan lang pagsawa na sila o may nagkagusto nanaman sa kanila.. patol kung patol.. yan sila eh.

The Paasa:
-- oh maraming makakarelate dito.. ito yung taong nagpapakita ng motibo sa isang tao tapos pagnapaibig na yung tao eh iiwanan na lang nila o di kaya pag ang isang tao ay nagkagusto sa kanila imbis na iwasan o kausapin nila yung tao, binibigyan pa talaga ng motibo yung tao para ipagpatuloy lang ang nararamdaman nito pero wala naman silang planong saluhin ito minsan din eh sila yung taong sasabihing mahal ka kahit hindi naman talaga, diba nakaka-arrgghhhh! ang alAm ko kasi, maraming Pag-asa pero bakit may mga Paasa? diba? uan tuloy masasaktan nila yung tao..

Porsigido:
--mga taong gagawin ang lahat para sa taong gusto nila.. para mapatunayan nila sa taong itinatangi nila ay nagpuporsiging manligaw para lang mapakita nila o mapatunayan ang pagmamahal sa isang tao..kaya yung taong gusto naman nila ay maaprecciate sila kaya minsan eh madedevelop din yung tao sa kanila..

The Shy type:
-- ito yung taong kamag-anak ng mga torpe.. kaya minsan ininilihim nila yung nararamdaman nila sa taong gusto nila kasi nahihiya silang ipaalam ang nararamdaman kasi for them it's better na sila lang yung nakakaalam para sila sila lang din ang masasaktan.. ang saklap diba? na kahit gusto mong sabihin eh no choice sila kasi nauunahan nang hiya..

Ma-pride:
-- kadalasan dito ay mga babae.. kasi sa isipan nila, 'sila yung lalake sila dapat gumawa ng action', kaya minsan hangang tingin lang sila kaya minsan nasasaktan na sila kasi umaasa sila ng walang kasiguradoan na gusto sila ng taong gusto din nila! kaya ayan masasaktan pag may ibang gusto o jowa yung taong yun pero dahil sa pride eh umaaktong masaya sila kahit sa loob loob nasasaktan na parang kandila na unti unting nauupos..kaya sana sa mga taong MaPride diyan.. amin amin din tayo pag may time ha! wala namang masama if babae yung unang umamin diba?

  Ang pag-ibig kasi kahit anong negatibong lalabas diyan sa taong mahal mo eh mamahalin mo talaga na kahit hindi sila perpekto kasi pagnamahal ka, kahit palaboy man yan o ano pag diyan tumibok ang puso mo edi tanggapin mo coz even the worst person in the world will be perfect in your eyes when you start loving them..diba?  mahal mo? ipaglaban mo.. kasi minsan kahit mahal mo at mahal ka din ay bibitawan mo kasi alam mong may mas deserve pa sakanya  pero pucha pala kayo eh mahal ka nga ! hindi ka naman super hero para magparaya para sa iba..kaya go go.. paglaban mo kahit anong mangyari.

______

Mga paalala..

Ang mga pangalan ng mga characters ay pawang katutuhanan..iyan talaga ang mga pangalan nila kahit sa mga pangyayare sa buhay ng bida ay katutuhanan.. nilagyan ko lang ng konting fiction..

oppppssss!!! wag munang manghusga kasi hindi niyo pa alam ang nilalaman kaya basahin niyo na..para malaman niyo ang totoong pangyayare sa buhay ng babaeng to.. pero magbigay naman kayo ng bunos, kung magbasa man kayo sabayan niyo na din ng VOTE's
... maaaprecciate ko talaga.. thank you. pakibasa na rin ng isa ko pang storya please.. "Tears of Daemon" ang title po.. thanks po times two..

®blasher_25

Am i hopelss in love?(OnHold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon