Chapter 1

2 2 0
                                    

Alexis POV

marahang hinaplos ni Ethan ang aking mukha..

"Elissa, I told you na ikaw lang at walang iba, right?" mahinahong sabi nito. kahit alam kong ako lang ang mahal nya pero diko maiwasang ma paranoid.

bakit kasi sa dami ng magmamahal sakin ganto ka gwapo pa? hahaha

"Alam ko naman yon kaya lang--"

"Kaya lang nakikinig ka sa pinagsasabi ng iba, tsk! sila ba ang boyfriend mo ha? ako pa sila?" kahit kailan talaga ang cute magalit ng isang to.

"mas lalo akong na iinlove sayo hahaha"

"dapat lang--"

"Alexis bumangon kana dyan kakain na!" dinig kong sigaw ni Mama.

aish! ano bayan pabitin naman eh! nagbabasa pa nga ako ng Wattpad oh!

"Saglit nalang po, Ma" balik kong sigaw pero biglang sumulpot si Mama sa kwarto ko.

"Kakain ka o papalamon ko sayo yang cellphone mo?" *pout* ang sadista talaga Nanay ko.

"kakain nga po ako hehehe" bago ako bumaba ay nag flying kiss pako sa cellphone ko. "maybe later baby Ethan" mahinang bulong ko

"Ma si ate nababaliw kinakausap sarili" tss paepal talaga tong kapatid ko kahit kailan.

bago mag-kalimutan I am Alexis Cerbito. 21 y/o kasalukuyan nag-aaral  ng kolehiyo sa kursong ABM

"Ate may bago akong libro ng Wattpad gusto mo hiramin?" tanong ng kapatid kong bunso.

sya si Alexa 14 y/o. sya ang bunso at ako naman ang Ate, dalawa lang kaming magkapatid.

"Nope, tatapusin ko muna yung kay Ethan my loves hahaha" si Mama kasi paepal nanggugulo edi sana ngayon kinikilig pa ako sa pagbabasa.

_____

"MA, papasok na po ako" pagpaalam ko kay Mama. siguro mag jejeep nalang ako, ayaw kong sumabay kay Papa bantay sarado eh.

may sarili kaming kotse pero di kami ganon kayaman kung baga may kaya lang.

"Alexis!" tawag ng best friend ko. sya si Nikka, simula grade 6 lagi na kaming magkasama.

"May bago akong asawa dai! HAHAHA" masayang sabi ko dito.

"susko! sawa kana agad kay Jerome?" tumawa lang ako bilang sagot.

DAHAN DAHANG lumapit ang mukha nito sakin. shit! naamoy kona agad ang mabango nyang hininga

"E-ethan..." nakakaramdam ako ng kaba sa mga oras na ito, never in my life na may lalaking nakagawa nito sakin.

"Let me kiss you Elissa" parang isang mahika na sa isang iglap ay ako pa mismo ang naglapit ng labi ko sa mga labi ni Ethan. ang landi mo Elissa!

naramdaman ko pa ang pagkagulat nito pero di nagtagal ay ginalaw nya ang mga labi ny--

"Ms. Cerbito, are you with us?" paktay kang bata ka nasa gitna nga pala kami ng discussion! 

"y-yes M-Miss" napa iling nalang si Ma'am saka tinuloy ang pag d-discuss.

kasalanan to ni Ethan! landiin ba daw ako habang nag-aaral? tsk!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 14, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My fictional boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon