One shot #2: Sana'y Ibigin Mo (Bugoy Drilon)-A short story

8 0 0
                                    


"Hoy bro crush mo." Siniko ako ni Michel. Tiningan ko ang padaan na si Xia. As usual napakaganda niya talaga. Siya lang ang babaeng minahal ko at hindi siya mapapalitan ng kahit na sino. Kaya lang... hindi niya ako gusto. Hindi niya ako kayang mahalin. Hindi niya kayang pansinin ang pag-ibig ko. Tinulak ako ni Michel kaya saktong napalapit ako kay Xia. Pagtingin ko kay Michael kinindatan niya lang ako.

"H-Hi, Xia!" Nahihiya talaga ako sa kaniya kaya mautal-utal na ako sa pagsasalita.

"Hi, Chlent!"

"Ahm...m-may kumain ka na ba?"

"Oo tapos na."

"Ah."

"Sige ha dito na ako."

"Ah Xia."

"Bakit?"

"Pwede ba kitang i-ihatid mamaya?"

"Sorry may maghahatid na sa akin eh. Sige ha." Iniwan niya na ako. Siguro may bago na naman siyang manliligaw. Noong nakaraan kasi kaka-break lang niya sa huling boyfriend niya. Meron na pala ulit siyang manliligaw ngayon. Aasa na naman ako na isang araw mapansin rin ako ni Xia.

"Anong nangyari? Basted ka na naman?" Tanong sa akin ni Michel.

"May manliligaw na pala ulit siya, bro."

"Saklap niyan bro. Bakit hindi kaya kalimutan mo na lang si Xia. Naaawa na ako sayo eh."

"Bro, siya lang ang babaeng mahal ko. Wala na akong makitang ibang babae maliban kay Xia."

"Sige ikaw bahala basta support kita diyan tropa tayo eh."

"Salamat bro."


Kinabukasan maaga akong pumasok na sinadya ko rin dahil may ilalagay ako sa mesa ni Xia. Ayoko namang makita ako ng mga kaklase ko. Ayos na 'yon kahit hindi niya malaman na sa akin galing basta ang mahalaga ay mapasaya ko siya. Lumipas ang isang oras at may mga student ng pumapasok sa classroom namin at bawat isa sa kanila ay tinitingnan ang bulaklak na nakalagay sa mesa ni Xia. At this moment wala pa kasi si Xia. Ilang minuto pa ang lumipas at dumating na rin si Xia. Bigla namang nagsigawan ang mga kaklase namin. Parang hindi naman masyadong nagulat si Xia pero lumapit pa rin siya sa bangko niya, kinuha ang mga bulaklak at inamuyan ito. Palihim akong napangiti dahil nakita kong napatawa siya.

"Xia kanino kaya 'yan galing?" Tanong ng isa naming kaklase.

"Kanino pa eh di kay Aeron niya. Ang swerte mo naman Xia may sweet kang suitor." Sabi naman ng isa pa. Napatingin kami sa pinto ng pumasok si Aeron. Hindi namin siya kaklase pero pumupunta siya dito dahil kay Xia. Lumapit siya kay Xia at nagsigawan naman ang mga kaklase namin.

"Aeron, thanks nga pala sa flowers."

"Ha?" Takang sabi nito. Sa akin galing ang mga bulaklak na 'yan Xia. Nawala na 'yong ngiti sa labi ko.

"Dito sa flowers. Sayo galing 'to, 'di ba?"

"Ah oo sa akin nga."

"Salamat."

"You're welcome. Alam mo namang handa kong patunayan sayo na mahal na mahal kita. Just let me prove it to you."


Bago ko ibaba ang tingin ko napansin kong tumingin si Xia sa  may pwesto namin. Hindi ko alam kung sinasadya niyang pagselosin ako. Hindi ko na sila  pinakinggan sinuot ko na lang ang headphone ko. Napatingin ako kay Michel na tinanggal ang headphone sa ulo ko.

One_Shot_Story CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon