One shot #4: Pakisabi na lang (Aiza)

4 0 0
                                    


"Pakisabi na lang"

Ako nga pala si Jhesca Octavio. Sabihin na nating isa ako sa maraming tao na nagmamahal nga pero wala namang lakas ng loob na magtapat. Siya si Paulo Hermosa, ang lalaking aking minamahal...ng palihim. Aaminin ko wala talaga akong lakas ng loob na magtapat sa kaniya dahil natatakot ako sa sasabihin niya pero ang totoo niyan gustong-gusto ko ng magtapat.

"Jhesca." Hindi ko pinansin ang tawag ni Paul. Bibili sana ako ng coke sa tindahan pero bigla akong napaliko ng makita ko siya do'n. Magkapit-bahay lang kasi kami ni Paul at same pa kami ng pinapasukang university.

"Hoy! Jhesca ." Napahinto na ako at tiningnan siya.

"Bakit?" Lumapit ako sa may tindahan.

"Pasaan ka?"

"Ahm...b-bibili lang."

"Ng ano?"

"Coke."

"Eh bakit papunta ka do'n eh meron naman dito?"

"Meron ba? Meron nga ano. He-he!"

"Baliw lalayo pa."

"Gusto ko nga 'yon."

"Ha?"

"Ha? Ang ibig kong sabihin gusto ko 'yong coke na 1.5. Ate pabili po no'n dalawa."

"Ah." Nginitian niya lang ako. Nilagay ko muna ang barya sa bag ko saka kinuha ang coke.

"Sandali ako na magdadala niyan hatid na kita sa inyo."

" 'Wag na kaya ko na 'to."

"Sige na nahiya ka pa sa akin." Kinuha ni Paul ang coke sa akin at nauna ng maglakad. No'ng napansin yata niya na hindi ako sumusunod ay napalingon
siya sa akin.

"Halika na bakit nakatayo ka pa diyan." Sinundan ko na lang siya. Isa sa mga dahilan kung bakit na-inlove ako sa kaniya. Masyado siyang makulit at close ng family ko.

"Sabi ko na nga ba at nandito ka lang eh.Napatingin ako sa nagsalitang si Paul pala. Narito kasi ako sa library at  sabihin na nating ito ang tambayan ko.

"Bakit ka nandito?" Naupo muna siya bago ako sagutin.

"Hindi ka ba nabo-boring dito? Wala kang ibang makita kung hindi mga libro."

"Hindi naman subukan mo rin kaya promise masaya magbasa."

"Naku ayoko at 'wag mo akong idamay diyan."

"Oo na." Tinutok ko ulit ang atensyon ko sa pagbabasa pero maya-maya lang eh inagaw ni Paul ang libro na hawak ko.

"Hoy bakit?"

"Labas tayo."

"Ha? Saan?"

"Kahit saan. Tara." Dinala niya pa ang bag ko at hinila ako palabas ng library. Nagmukha tuloy akong bata.

"Bitawan mo na po ako nakakahiya para akong bata na hila-hila mo." Sabi ko sa kaniya ng nasa labas na kami.

"Ano naman eh isip bata ka naman talaga."

"Kapal ha." Akina bag ko." Sinukbit ko na ito pagkabigay niya sa akin.

"Saan ba tayo pupunta?"

"Samahan mo ako."

"Saan nga?"

"Kakain."

"Hindi ka pa kumakain?" Tiningnan ko ang relong suot ko at mag-aalas dos na.

"Oo nga."

"Nasaan si Joshua bakit 'di siya isama mo."

"Absent ang loko."

One_Shot_Story CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon