One shot #3: Mayro'n na bang Iba {Bugoy Drilon} -a short story

5 0 0
                                    


"Mayro'n na bang Iba"
{Bugoy}

"The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try again later. The number-"

Kahapon ko pa hindi ma-contact si Yssa. Hindi rin siya nagpunta sa palaging tinatambayan namin. Ano na kayang nangyayare do'n. Alam kong may mali na sa relasyon namin ni Yssa pero pinipilit ko pa ring ayusin dahil mahal na mahal ko siya. Lately, parang hindi na si Yssa 'yong girlfriend ko. Ang laki na ng pinagbago niya. Tinabi ko na lang ang cellphone ko at nagpunta sa cafeteria. Pagdating ko do'n nakita ko kaagad si Yssa kasama ang mga barkada niya. Nilapitan ko sila at napansin naman niya ako kaagad.

"Yssa, pwede ba tayong mag-usap?" Nagsitahimikan ang mga barkada niya. Napansin ko na na-bad trip siya pero tumayo pa rin si Yssa at sumama sa akin.

"Sabihin mo nga sa akin may problema ba tayo? Kanina pa kita tinatawagan nasa cafeteria ka lang pala kasama ang mga kaibigan mo. Mahirap bang sagutin ang tawag ko?" Sabi ko sa kaniya ng makahanap kami ng medyo pribadong lugar.

"Hindi ko alam na tumatawag ka pala nakita mo namang kumakain ako kanina, 'di ba? At saka ano na naman ba 'yang dinadrama mo, Ardi?"

"Drama? Kahapon pa kita tinatawagan pero hindi mo sinasagot don't tell me kumakain ka rin no'n? Sabihin mo nga may problema ba? May nagawa ba ako? Please, tell me dahil nahihirapan na ako."

"Mas nahihirapan ako, Ardi." Sigaw niya sa akin.

"Ano? Kulang pa ba ako, Yssa? Hindi pa ba sapat 'yong pag-ibig na binibigay ko sayo kaya nahihirapan ka na sa relasyong 'to? SABIHIN MO NGA ANO BA TALAGANG PROBLEMA MO? MAY IBA KA NA BA?"

" 'Yan ka na naman eh puro ka na lang hinala. Hinala. Hinala."

"Then tell me. Anong problema? Bakit ka nahihirapan?"

"Hindi mo 'ko maiintindihan, Ardi."

"Bakit hindi? Talagang hindi kita maiintindihan kung hindi mo sasabihin sa akin ang problema."

"Ardi, please I just need time."

"Ang gulo mo naman Yssa eh. Bakit hindi mo na lang ako diretsuhin ha. Gusto mo ng time? Eh parang ang hinihingi mo eh mag-cool off tayo eh."

"Kung 'yan ang gusto mong isipin bahala ka." Tinalikuran niya na ako pero hinawakan ko ang kamay niya at hinarap ko siya sa akin.

"I'm sorry kung may nagawa man ako sayo. Please, ayusin natin 'to oh. Mahal na mahal kita, Yssa. Hindi ko kayang mawala ka. Nangako tayo sa isa't isa hindi ba? Please, 'wag naman tayong bumitaw agad. Sawa ka na ba sa akin?" Tumulo na ang luha ko. Kahit isipin pa ng iba na mahina ako ayos lang kung para kay Yssa. Hindi ko siya kayang mawala. Sayang naman 'yong 3 years na pinagsamahan namin.

"Ardi."

"Mahal mo pa ba ako, Yssa?"

"I'm sorry, Ardi. I need time." Iniwan niya na ako.

Ilang araw ang lumipas at parang nagkalabuan na nga kami ni Yssa. Hindi na siya katulad ng dati na tatawag sa akin kaagad kapag may nangyaring maganda o panget sa araw niya. Wala na rin 'yong morning call, chat at text niya sa akin. Pero gano'n pa man hindi ko siya sinukuan. Araw-araw ko siyang sinusuyo kahit nga nagmumukha na akong tanga.

Naisip kong puntahan siya sa room nila kaya lang nagkamali yata ako. Napatiim-bagang at naikuyom  ko na lang ang kamao ko sa galit. Nakita ko si Yssa na nasa labas ng room nila at may kasamang lalake. Magka-holding hands pa sila habang masayang nag-uusap. Nilapitan ko sila at inambahan kaagad ng suntok ang lalaking kasama niya. Nagsilabasan 'yong ibang estudyante at inawat kami.

"YOU NEED TIME? NAGDAHILAN KA PA NG KUNG ANU-ANO 'YON PALA MAY IBA KA NG  LALAKE. SANA DINIRETSO MO NA LANG AKO YSSA SIGURO MAS MAIINTINDIHAN KO PA. SAYANG LANG 'YONG PAGTITIWALA KO SAYO."

"Ardi." Hindi ko na lang pinansin ang pagtawag ni Yssa. Niloko niya ako.

One_Shot_Story CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon