Naging malapit sina Henry at Jenny sa paglipas ng mga araw.
Lagi siyang sinusundo nito sa coffee shop at saka ihahatid sa bahay nila, madalas din itong may dala para sa kanilang mag ina. Minsan sinasabihan na niya itong wag nang mag abala pa para sa kanila pero masaya daw ito sa ginagawa basta para sa kanya. He always gives her fresh flowers halos araw araw iyon, at nagsisimula na siyang makaramdam na nagugustahan na din niya ito.
Hanggang sa dumating ang araw na kinatatakutan niya fourth year college na siya nun at ilang buwan na lang gagraduate na siya at dahil sa bumagsak ang katawan ng nanay niya mula ng mawala ang ama at lagi na lang itong tulala at umiiyak ay nagupo ito sa karamdaman at isang araw nga ay bumigay na ang katawan nito dahil hindi na din ito masyadong kumakain.
Humahangos siya nun papuntang hospital kasama niya si Henry sinundo siya nito sa school dahil isinugod daw doon ang nanay niya, ang lakas lakas ng kabog ng dibdib niya nang mga oras na yun wag naman sana dahil baka hindi na niya kayanin pa, sa isip isip niya.
"Kumusta po ang nanay ko Doc? Tanong niya sa naroong doctor na siyang tumingin sa ina.
"Pasensya na iha pero wala na ang nanay mo. Sagot nito. At yun na nangyari na ang kinatatakutan niya, she walk through her mother lying still in the hospital bed at hinawakan niya ang kamay nitong malamig na at saka hinalikan. Bakit ganun? ang daya kinuha agad nito ang mga magulang hindi pa siya grumaduate eh, iaahon pa niya sila sa hirap. Sigaw ng isip niya. Gusto niyang sumigaw pero parang walang tinig na lumalabas sa bibig niya para siyang sasabog sa sakit na nararamdaman niya ng mga oras na yun.
Naramdaman niyang may tumapik sa balikat niya at pagtingala niya she saw Henry his face is sympathetic. At dun sumabog ang kinikimkim niyang sakit, napahagulgol siya ng iyak habang sinasabing gumising na ang nanay niya pero hindi ito tumitinag. Wala na ang nanay niya and it was too painful. Gusto niyang sumbatan ang diyos pero anong karapatan niya tao lang siya.
"Jen tahan na. Im here I won't ever leave you. Tugon nito at niyakap siya.
That time pakiramdam niya nag iisa na lang siya sa mundo at si Henry siya ang naging sandalan niya nang panahong yon hindi siya nito iniwan.Buong panahon na ibinurol ang nanay niya andoon si Henry at Gia hindi siya iniiwan ng mga ito, madalas tulala at umiiyak siya.
"Besh magpakatatag ka ha. Si Gia habang tinatapik siya sa balikat. She looked at her friend at malungkot na ngumiti. Pano pa ba siya magiging masaya wala na ang mga magulang niya. Bumalong ulit ang luha niya at muli umiyak na naman siya."S-salamat Gia at Henry sa mga tulong. Pero pwede nyu na akong iwan. Saad niya sa mga ito. Nailibing na noon ang nanay niya at inihatid siya ng kaibigan at ni Henry sa bahay nila. Pakiramdam niya sobrang lungkot niya dahil mag isa na siya sa buhay.
"I will stay here with you Jen. Tugon ni Henry at binalingan si Gia at sinabing mauna na ito.
Kaya naman nauna na ang kaibagan niyang umuwi at nagpaiwan nga si Henry sa kanila, hindi siya nito iniwan at sinamahan siya doon.Days have passed and she could still feel the pain but she had to moved on.
And Henry was always there.
Until her graduation came at aakyatin na niya ang diploma niya sa stage, si Henry ang kasama niyang umakyat at pagka abot pa lang niya sa diploma ay naluha na agad siya because she remembered her parents, dapat kasama niya ang mga ito na umaakyat sa stage pero wala na ang mga ito they're gone and she was left all alone.
Pinisil ni Henry ang kamay niya pagbaba sa stage and telling her that everything will going to be okay.
She just wipe her tears and smiled at him.
BINABASA MO ANG
MY FAKE"HUSBAND" (Basketball Heartthrob Book1) Completed
Romance"Let me go! I want to dieeeee... Jenny shouted habang pinipigilan siya ng isang estranghero. Nagpupumiglas siya at pinipilit kumawala pero parang bato sa tigas ang katawan nito. She wants to die wala ng dahilan para mabuhay pa siya sa mundo. After h...