Chapter 6 - The Plan. ;)

120 3 4
                                    

Lance's

Nag-online ako.. 

Tumingin ako sa mga events, dami kasi nagiinvite, eh puro non-sense naman. Nag-scroll lang ako, tapos nakita ko...

Nov. 26

Thea Soriano (16 years old)

Next week friday, Birthday na ni Thea! Alam ko na..

Isusurprise ko siya at dun na din ako aamin sakanya. ^___^

Maitext nga yung tatlong mokong..

To : Greg, Justin, Daniel

Mga pre. Kailangan ko tulong niyo! Reply ASAP.

From : Greg

Ano yun pre?

From : Justin

Bakit pre, Ano yun?

From : Daniel

Pre bakit? Aamin ka na ba? Haha!

Galing nitong Daniel na to ah. Haha!

To : Greg, Justin, Daniel

Maya ko na sabihin punta tayo court, basketball na din!

.....

After 10 mins, dumating na din yung tatlo.. Pero.. Aba si Daniel kasama pa si Adie. Hmm..

"Oh, Adie?"

"Hello Lance, Okay lang ba na nandito ako?"

"Ah. Oo naman."

Kaso.. Paano na yung paguusapan namin. Nandito si Adie. -___-

"Pare, ano ba yun?" tanong ni Justin

Sabay tingin ko kay Adie..

"Hmm. Sige, alis nalang ako. Mukhang may pag-uusapan pala kayo."

Hay. Sige na nga, isama ko na sa usapan to. Makakatulong din naman to eh. ^__^

"Teka Adie."

"Why?"

"Naks. English. Hahaha!" Asar ni Daniel.

"Tse!" sabi ni Adie.

LQ? Hahaha.

"Sige, dito ka na lang. Basta kung ano man pagusapan namin.. Wag mo sabihin kay Thea ah." ^_^

"Ha? Bakit? Bakit Ano yun?" sabay tawa.

Natawa kaming apat kay Adie. Haha!

"Kwela ka talaga eh no, Adie? Haha!" Sabi ni Greg.

"Vice Ganda is that you? Haha" si Justin.

"Kahit kailan talaga Adie, patawa ka! Haha!" si Daniel

"Hahaha! Tama na nga yan. Basta Adie, promise mo ah." sabi ko.

"Oo na, ano ba kasi yun?" sabi ni Adie

"Ah. Ano kasi eh.. Kasi ano.."

"Oy Lance. Haha. Ano yun? Kasi ka ng kasi dyan eh."

"May gusto talaga si Lance kay Thea!" sigaw nung tatlo.

"Ah yun lang ba?..Alam ko na yan. Halata kaya uy!" Sabi niya.

Halata ba talaga? Parang hindi naman.

"Hindi kaya ah!" sabi ko.

"Oo kaya, paano naman kasi. Wala ka ng ibang ginawa kung hindi kulitin si Thea. Nagpapapansin ka pa sa kanya. Haha"

"Uy, di ako nagpapapansin dun ah."

"Anong hindi? Sino ba naman yung taong may makita lang na ibang kausap si Thea na lalaki tapos sabay lalapit, para kunwari manghiram ng Chem notebook. Para pansinin ni Thea. Tapos hindi rin naman ginamit yung Notebook. Nakipagkwentuhan lang kay Thea. Haha!"

Oo ginawa ko yun! Haha. Kinakausap kasi ni Renz si Thea. Yung classmate namin. Ang ginawa ko, lumapit ako at tinawag si Thea para humiram ng ntbk. Pero hinawakan ko lang yun saka ako nakipagkwentuhan sa kanya. Haha. Oh diba ayos? :)))

"Ahh. Ano kasi. Wala ako magawa nun."

"Huli ka boy selos! Haha" si Daniel.

"Eh kung batukan kaya kita?" tanong ko kay Daniel na tumawa lang.

"Basta, tulungan niyo ko! Isusurprise ko siya sa birthday niya. At dun ako aamin sa kanya. Okay?" ^_^

"Game!" si Adie.

"Anong plano?"

Ayun nagusap usap na kami. Kung anong gagawin namin sa birthday ni Thea. At malalaman niyo din yun! Kaya ngayon secret muna. :)

After namin magusap.. Naglaro kami ng basketball.

At alam niyo ba? Todo cheer tong si Adie kay Daniel. Haha!

Mukhang may di kami alam ah. Haha.

-----

Kakatapos lang maglaro at naisipan ko pumunta ng mall.

Titingin ako ng pwedeng iregalo kay Thea. At para mapagipunan ko na din. Gusto ko kasi ipon ko ipangbibili ko ng gift kay Thea. Para galing talaga sa akin. Sweet ako eh. ;)

Lakad...Lakad...Lakad...

At napunta ako ngayon dito sa gift factory..

May nakita akong penguin na medyo kalahati ko yung laki. Tapos ang cute din. Kaso mukhang Mr. penguin to eh. Pero okay yun kunwari ako to. Haha. Eto nalang. Tinignan ko yung price...

"1,999php"

Pwede na 'to..

"Sir, kukunin niyo na po ba?" tanong nung saleslady.

"Hmm. Miss, hindi po."

"Last na po kasi yan. Mabenta po kasi. Para kanino po ba sa girlfriend niyo po?"

"Ah. Hindi po, sa magiging girlfriend ko po."

Natawa naman siya. Haha

"Ah. Miss, pwedeng pakitago muna etong penguin na 'to?"

"Eh sir, hindi niyo naman po bibilhin diba?"

"Pagiipunan ko yan Miss. Baka next week ko pa kunin."

"Sige, sir."

"Thank you po."

Buti nalang pumayag siyang itago muna. Mabuti na yun, para sure akong yun na ang bibilhin ko. :))

Excited na ko, pero kinakabahan din. Baka kasi karibal ko talaga yung kayakap niya nung isang araw. -__-

Bahala na.. Di ako papatalo dun. ;)

The Feeling is Mutual.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon