"Angie?" Napalingon ako sa direksiyon ng boses ng tumawag sa akin. Napakapamilyar ng kaniyang boses."Mark?" Sinasabi ko na nga ba eh. Pamilyar talaga yung boses. Inang yan bakit nagpakita ex ko? At kung kailan pa talaga hindi ako nakapag-ayos, nagkita ulit kami. Ano ba naman 'yan. Pisting timing na 'yan.
"Uyy Angie, kamusta ka na?" Ang tanong nito sa akin. Seryoso siya? Pagkatapos ko siyang iniyakan at habulin tatanungin niya ako kung kamusta na ako?
"Ahh okay lang ako. Eto, buhay pa. Ano palang ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Bumibili lang ng groceries, birthday kasi ng girlfriend ko." Ang tugon nito.
Sinasabi ko na nga ba eh. Pati ikaw 'di pa rin nakaka move-on. Naalala mo pa pala yung birthday ko. Girlfriend pala ah. Ba--
"Hi babe!" Sabi ng babae sabay halik kay Mark.
Ay.
Akala ko naman ako yung tinutukoy mong girlfriend mo. Nakasuot siya ng itim na bestida at nakatali ang buhok niya. Payat siya, mukha siyang kawayan. Malapad yung noo niya. Hindi masyadong matangos yung ilong. Wala rin siyang dibdib. Flat
Mark, 'di mo naman sinabi sa akin. Mahilig ka pala sa mukhang katol.
"Babe, si Angie, yung ex ko." Aniya.
"Nice to meet you." Aniya
"May kulang pa ba sa cart babe?" Tanong ni katol.
"Wala na le-"
"May trust na ba diyan? Teka kuha lang ako." Sabi ni katol.
Pinigilan kong matawa. Ang lakas kasi ng pagkakasabi niya. Sa sobrang lakas pati mga taong nakapila sa cashier napalingon sa direksiyon namin. Napailing nalang si Mark.
"Birthday niya nga kasi kaya gusto niyang may mangyari sa amin mamaya." Sabi nito na may halong tawa.
"Oh Mark, mag-ingat ka. Tandaan mo palagi, 'Kapag ang Trust ay nabutas, tatay ka na bukas." Sabi ko na may halong tawa. Napailing nalang ito.
"Hindi ka pa rin nagbabago, nakakatawa ka pa rin." Aniya
Nakilala ko si Mark noong college kami. Sobrang bait ni Mark. Palibhasa, nahulog ako para sa kaniya. Gwapo at matangkad rin siya kung tatanungin mo ako. May lahi kasi siya. Amerikana yung mama niya.
"Mukhang naka move-on ka na. 'Di mo na ako iniiyakan, 'di ka na rin nagpaparamdam." Aniya.
HAHAHA so very funny. Ako? Naka move-on? Hoy Mark mahal pa din kita. Tinigalan lang kita kasi napagod na rin ako kakahabol sa'yo knowing na wala na rin naman chance na balikan mo ako.
"Ah oo, nakahanap na kasi ako ng bago." Pagsisinungaling ko. Tumaas ang kilay nito. Halatang nagulat siya.
"Talaga? Sino?" Tanong nito. Sino nga ba? Wala naman eh.
Napatingin ako sa kaliwa ko. May isang lalaking tumitingin ng sardinas. Hinawakan ko yung kamay niya.
"Siya. Guwapo niya noh?" Pagsisinungaling ko.
Halatang nagulat si kuya. Kinindatan ko siya at binulong na "Kuya, tulungan mo naman ako. Kunwari jowa kita." Tinanggal niya ang face mask niya at hindi ko naman inaasahan na guwapo talaga siya. Napatitig nalang ako sa kaniya.
"Mark, this is um Michael. Boyfriend ko." Pagsisinungaling ko. Napatingin siya sa akin. Ewan ko pero iyon yung unang pangalan ng lalaking pumasok sa utak ko. Eh malay ko ba kung ano yung pangalan niya. Tumango si Mark.
"Tara na babe?" Tanong ni katol. Ay nandito na pala yung girlfriend ni Mark. Tumango nalang si Mark.
"Nice meeting you two. Bye." Sabi ni Mark sabay kaway sa aming dalawa.
"Miss, puwede mo na bitawan yung kamay ko." Aniya. Binitawan ko naman agad yung kamay niya. Kapansin-pansin ang awkward tension sa pagitan namin.
"Thank you po ha." Ang sabi ko. Nginitian niya lang ako.
Tanginang ngiti 'yan. Nakaka-fall.
"Wala 'yun. Jerome nga pala yung pangalan ko, hindi Michael." Sabi nito na may halong tawa. Bigla akong nahiya.
"I'm Angie. Angie De Guzman." Maikli kong tugon sabay abot ng kamay ko sa kaniya.

BINABASA MO ANG
Rebound
Romance"Alam mo yung maskit? 'Yung tipong mahal mo yung tao tapos ang turing sa'yo rebound!"