Wala lang

12 3 1
                                    

Nagsimula sa kwentuhan
Na nagtatapos sa walang pansinan
Unang araw sa paaralan
Nakilala kita ng di inaasahan

Hindi man planado
Hindi rin sigurado
Until unting nakabubuo na si ikaw at ako ng konbersasyon
Na tila ba isang internet na mayrong koneksiyon

Nagustuhan kita siyempre
Pero wala tong malisya pre!
Maituturing na kaibigan
Ang sarap dibang pakinggan?

Hindi ko na namamalayan
Ngunit ito ay nagsisilbi na lang na nakaraan
Ganunpaman, ikaw ay gusto pa rin na makasama
Kaya gumagawa ako ng paraan upang ang presensiya mo'y madama

Minsan nga may nagtanong sakin kung ikaw ay gusto
Sagot ko naman, siyempre hindi dahil ayokong mabisto
Paunting unting tinutuklasan
Ano nga ba itong nararamdaman?

Iniisip ko na nga lang minsan
Masyado bang halata ang damdaming pinapasan?
Habang pakiramdam ko'y ika'y nagiging bituin
Lumalapit ka naman sa iba na parang hangin

Masyado kang malayo para sa akin
Pero sa kaniya, ikaw ay hangin na laging nasa kaniyang piling
Dinadahilan na lang na ayoko sayo
Nagbabasakaling damdami'y matatago

Magkaibigan, masarap sanang pakinggan
Kung ang diin sa ka ay lalagyan
Yun sanang salitang ako
Mapapalitan ng salitang tayo

Yung ikaw at ako ay malabong magtagpo
Pero yung ikaw at siya ay may tyansang maging kayo
Wag kang iilag  sa tula na ito
Kasi ako, matagal nang tinamaan sayo

Collection of PoemsWhere stories live. Discover now