Ako ay isang araling iyong pinag-aralan
Tila isa akong subject na araling panlipunan
Ako yung taong ayaw mong balikan
Dahil ako ay ang taong naiwan sa iyong nakaraanIto yung mga araw na pinaglaban kita
Hanggang sa unti-unting sinasakop ka na ng iba
Mga araw na handa akong makipagpatayan
Wag na wag ka lang maagaw ng kalabanHabang sa araling panlipunan, nakamtan natin ang kalayaan
Ako naman ay unti-unti mo nang binibitawan
Diba dapat ako ay maging masaya ng ako'y iyong pinakawalan?
Pero bakit itong aking kalayaan, ako ay nasaktan?