Chapter 1- Aliping Sagigilid

43 4 0
                                    

                "ESTOOOOOOOOOOOONGGGG!!!!!!!!"

Tila sirena ng trak ng bumbero na tumulig sa natutulog ko pang diwa. Alas tres pa lang ng umaga. Eto na ang tila si Hitler na boses ng tiya ko. "Whooooo' kill me now!!!".

"Pumunta ka na sa bookstore! Pag wala na naman tayong benta titigil ka na talaga!!!" armalite na bunganga ulit ng tyahin ko. "Kadugo ko ba talaga to?".

      "Opo tyang, aalis na po ako.Hwahhhh!" walang kain kain walang ligo ligo. Mamayang hapon na lang. Tsaka may naitago pa akong skyflex sa bag.

        "Sya, layas na at baka matrapik ka. BATUGAN!!!" bulyaw na naman ng napakabait (hwaaak) kong tyahin.

Agad akong naghanda para pumunta sa bookstore nina Tiya Marta. Manager nito ang asawa nya pero wala naman ginawa kundi kumain, matulog, makipagkwentuhan sa sekretarya nya at manermon ng tauhan nya, kasama na ako dun. Ako naman bantay, tindero, janitor, security, inventory..in short LAHAT pinapagawa nila sakin kapalit ang allowance ko at pangakong pag aaralin ako sa kolehiyo (sana!)....

        "Hi Estong! malanding bati sakin ni Roda, di ko alam kung sa opisina o sa quezon circle ang trabaho ng babaeng to sa ikli ng skirt nito at bukas na bukas ang blouse nankulang na lang mag hello sayo yung dibdib nya. Hehe.

      "Hi Roda..." walang ganang bati ko, hindi ko tipo ang tulad nya, at isa pa, alam ko din na kabit sya ng tyuhin ko. Haaayz.

      "Ang suplado naman neto, hmmmp...Paprint mo daw yung book sales at inventory ngayong buwan. Need ASAP!!! Sabay alis.

     Pati ba naman eto utos pa din. Trabho nya yun eh. Kaso pag di ko ginawa yun sermon na naman ako sa tyuhin ko. BUHAY ALIPIN nga naman. Pero alam ko isang araw, magbabago ang buhay ko. Hu u kayo sakin..hahahahahaha.

" Parekoy, tulala ka na naman? Babae yan noh?," nakangiting bati ni Olan, ang isa pang salesman sa bookstore nina Tiya Martha.

"D ah, iniisip ko lang world peace at kung sino mananalo sa 2016. Hahaha!" Nakakalokong sagot ko.

"Baliw! Gutom lang yan pare, eto pandesal oh, pabaon ni inay share tayo" alok ni Olan.

" Salamat pare, " d ko na tinaggihan ang tinapay dahil sa totoo lang kumakalam na ang sikmura ko dahil kahit kape ay walang laman.

Makalipas ang ilang oras... .... ... ...

     "Whooo!, natapos din ang shift ko." Sigaw ko pero natahimik ako ng andito na pala ang halimaw kong tyahin.

    "ABA ABA ABA!  Señorito Estong, makasigaw wagas! Idaan mo to sa Don Eugenio Espanto University ang mga librong to.

  Magakahalong lungkot at saya anh naramdaman ko sa utos ng monster kong tyahin. Lungkot sa bigat ng kalahating sakong libro pero saya dahil makikita ko si Maya. Haaays si Maya♥♡♥♡♥♡♥;))) fireworks! Heart eyes nose bleed lahat na! Lol

Ang campus crush sa DEEU! Ang Dyosa ng Tondo! Anghel na pinahiram ni Lord para kumpletuhin ang araw ko at pawiin ang problema kong monster sa bahay. (mejo OA ka na Estong.lol)

Nagpang abot kami sa  Doña Divina Espanto Memorial Highschool (yaman! Sila na) . Third year ako noon at siya ay transferee mula Albay. Mula ng tumama ang mata ko sa kanya (nalaglag?) d na nawala ang pagkagusto ko sa kanya. Kaso may problema.. (boom!) Isa lang naman sya sa pinakamayamang angkan sa Bicol, Vice President for Marketing ng  Espanto Group of Company. Eh ako? BASURA lang..saklap! 

" HOY! Ano na namang nangyari sayo?!? Para kang na stun ni SK ah (wow dota player si Tiya.lol) " muling bulyaw ni Queen of Pain.

" Wala po tiya, aalis na po ako para pumasok" sabay buhat sa sako ng mga libro at labas sa bookstore.

Bumyahe ako ng kinse minutos at nakarating na ako sa tapat ng Espanto U, isang premyado at malaking unibersidad sa Tondo. Katapat lang nito ang pinapasukan ko, ang Espanto High, public pero donation ng mha Espanto ang lupa kaya pinangalan kay Doña Divina, ang namayapang ina ni Mr.Geny Espanto.

      " Kapagod, sana makita ko naman si Maya para tanggal amg pagod ko" ng biglang........

TOOOOOOOKKKKK!  agad kong naramadaman ang tama ng bato sa likod ko.

       "Hoy! Hindi ka taga dito ah. Bat patanga tanga ka dito?!?" sabi ng isang lalaki, naka uniform ito kaya sure akong taga dito sa university ang mokong na to. Matangkad sakin ng konti, nanayo ang buhok dahil sa  isang boteng gel na binuhos sa buhok nya. At ang porma,,,, ung tipong pinakabully na makikita mo sa buhay mo. Pag minamalas ka nga naman oh:(

"Anong binubulong bulong mo dyan?!?" sabay kinwelyuhan ako.

"Ah.. wala po, magdedeliver lang ng libro kay Prof Mario" medyo kinakabahan kong sagot hindi dahil sa takot ako sa kanya kundi dahil mga anim pa ang kasama nya at takot ako kay Hitler pag hindi ko naideliver yung mga libro on time.

"Magdedeliver daw... eh bakit nakatunganga ka dyan at nakatingin ka sa syota ko?!?" tila bomba yung huli nya sinabi. Kakikita ko lang kay Maya nang bulabugin ako ng mokong na to. Si Maya gf neto???

"Pareng Bogart, syota mo na si Maya?" sabat ng isang alipores ni mokong.

"Hindi pa, pero malapit na.wahahaha!!!" tila si Romie Diaz ang naririnig ko. Malas talaga.

"Ah eh, boss..pede na ba ako umalis?" Tanong ko kay mokong.

"Sige, layas na! At pag nakita ko pang nakatingin ka sa syota ko babasagin ko mukha mo!" Sigaw na naman ni mokong.

Agad akong tumalilis bago pa magbago ang isip ni mokong. Mukhang isa pa to sa poproblemahin ko pag nakapasok ako dito ah.

Nagmamadali na akong pumunta sa College of Arts and Literature ng may narinig ako.

"HI ESTONG" ......... to be continue

So guys eto po ang aking non fiction story.  Try lang. Thanks sa aking lone reader. Idol ljgella; ))
Godbless all;))

-ebay-

Next chapter.... Si Maya ♥ ♡ ♥

     

       

  

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Yayamanin Pala AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon