Chapter 2

202 4 0
                                    

Franki's POV

Kinagabihan.

Wala ako sa mood na kumain sa bahay since tatanungin lang naman ako nina mommy about my day, and ayokong pag-usapan na nameet ko today yung fiance ng man of my dreams. And speaking of,

Nakuha nito ang attention ko nang pumasok ito sa restaurant na kinakainan ko. Tinakpan ko agad ang mukha ko. Hindi nya naman siguro ako nakita. She's still wearing her uniform.

Dami nyang ginawa buong araw pero mukha parin syang fresh. Tsk.

Nasa tapat ko lang syang table. Hindi gaanong malayo. Silip lang ako ng silip. Nag order na siya. Napakabait niya sa waiter.

Is she alone? Para kasing may hinihintay siya. It must be Argel. Pero hindi, ibang lalaki ang dumating.

"Sorry, I'm late. Ang traffic kasi." Lapit sa kanya nung guy na kakapasok lang din. Nagbeso pa sila. Hmm interesting.

"It's okay. Ang importante andito ka na." Sabi ni Diana sa lalaki. Wait, what's with the holding hand thing?.

"What do you really want to talk about ba?."

She sighed and looked around. Nagtago ako ulit sa menu. Hindi ko na narinig ang sinabi ni Diana. Parang binulong niya lang ata dun sa lalaki.

"Ano? You can't do that Diana. Hindi pwede. Hindi ako papayag." Parang galit na yung tono ng lalaki.

"I have no other choice, okay? Kailangan ko siyang pakasalan. Listen Sky, I'm doing this for us."

"No, you're doing this for you. You're insane." Sobrang ingay sa restau pero naririnig ko parin sila.

"Sky. Don't worry, okay? Hindi ko naman siya mahal eh." She said cupping his face. So, she's cheating on Argel?

How dare you teacher Diana?! Di to deserve ni Argel.

Akala ko na talaga perfect siya, yun pala ito yung pinag gagawa niya pag wala si Argel. Malandi, haliparot, cheater.

KINABUKASAN

May exam kami sa subject niya. Chemistry. Nagsisimula na kami. Nakaupo lang siya sa table nya habang tinitingnan kami.

"Cover your papers, pag may nakita akong lumingon sa katabi automatic zero. I highly forbid cheating in this class." Sabi niya.

"Ha, how ironic." Mahina kong sabi.

"Excuse me?." Tingin niya sakin pero chill parin.  All eyes are on me, dugdugdugdug. Bakit ko nga ba sinabi yun?

"P-po?."

"May sinasabi ka. You said something about ironic. Mind to share it with the whole class Miss--"

"R-Russell po."

"Hmm Russell. What is it? What's ironic?."

Buti nalang may napansin ako sa test paper namin,

"Ah, to pong choices sa number 5, letter C. Ironic conduction po ang nakalagay imbes po Ionic conduction." Sabi ko. Tiningnan niya naman ang test paper.

"Ano bang nasa letter D?."

"None of the above po." Sagot ko.

"Ionic conduction ba ang sagot sa number na yan?."

"Hi-hindi po."

"Narealize mo na ba na mali ka?."

"Opo. Sorry ma'am." Sabi ko nalang habang nakayuko. Napahiya ako dun ah. Maghahanap na nga lang ng lusot kabobohan pa. Tsk. Cheater parin siya.

Feel ko piniperahan niya lang si Argel. After 5 pm lumabas narin siya ng campus. Sakay ng sasakyan namin pinasundan ko ang sinakyan niyang taxi sa driver and we ended up stopping in a small apartment kung san ata siya nakatira.

Nasa tapat lang ang kotse namin at bumaba nako.

"Sige na manong. Mauna ka na."

"Pero ma'am Franki, mapapagalitan ako ng mommy nyo."

"Ako nang bahala sa kanya. Just tell her na may dapat tapusin sa school. May practice kami sa sayaw, ganun." Sabi ko at nagmadali nang bumaba. Umalis narin si manong driver. Nagtago ako sa karinderya sa harap. Pakunwaring bumibili ng barbecue.

Ilang minuto lang ay lumabas na si Teacher D. Parang nakapambahay lang siya at may dalang sports bag. Hmm. San na naman kay ang lakad nito?.

Sumakay ulit siya ng taxi. Sumunod din ako. Sa lahat ng lugar na pinaka di ko inaasahang puntahan ay ang isang strip club. Anong ginagawa ni Miss Diana rito?

Di ako malamang papapasukin dahil nakauniform nako. Kaya pumasok ako sa cr sa isang kainan at nagbihis. May dala ako laging extra clothes for PE. Civilian clothes lang.

7pm na nang makapasok ako dahil sa sobrang haba ng pila.

Umupo nako sa isang table. Lumingon lingon ako para hanapin si Miss Diana sa paligid.

Nireplyan ko nalang ang messages sakin ni mommy habang naghihintay ng ganap dito. Nang walang ano anoy biglang namatay ang ilaw at itinuro ng spotlight ang isang babaeng nakasuot lang ng underwear at mask. Nagsimulang magsigawan ang mga tao.

Nagchecheer sila, DIAMOND ang tawag nila sa girl. Feel ko sobrang ganda din nito. But what's bothering me is that halos magkapareho sila ng hubog ng katawan ni Miss Diana. Impossible namang sya yung nagpo pole dancing sa stage no.

Hindi ko namalayang basang basa na pala ako sa ilalim. It felt like a volcano erupting. Fck.

Nasa kalagitnaan na sya sa pagsasayaw nang biglang nagring ang phone ko. Sht. Tumatawag na si mommy. Tumakbo ako agad sa cr kung saan hindi masyadong rinig ang ingay sa labas. Good thing kasi walang tao. Sinagot ko agad ang tawag,

Hello mommy..

..

Diana's POV

Ayoko talagang gawin to but I have no other choice. Kailangan kong bayaran ang utang ko kay Big Brother kundi tigok ako at lahat ng mga mahal ko sa buhay.

Ang usapan namin ay kailangan ko syang bayaran ng 50k every month. At para mas madali kong mabayaran yun, kailangan kong pakasalan si Argel. His father is dying, at pag namatay siya ay mapupunta samin lahat ng mana. Oportunista na kung oportunista pero kailangan talaga.

Pagkatapos kong sumayaw ay dumiretso nako sa cr dala ang mga gamit ko para magbihis at laking gulat ko nang makita ko ang isa sa mga estudyante ko na si Frances Margaret Russell.

"Ma'am Diana--" gulat rin nitong sabi. This is really awkward. Hindi niya dapat malaman ang totoo.

Nataranta ako at nahila ko nalang sa bag ang stun gun at inatake siya nito. Nagbihis ako agad at kinarga sya palabas na walang malay. Nakasalubong ko naman sa labas si Sky.

"Buti naman at andito ka na. Tulungan mo ko."

"Ano bang nangyari dito? Lasing?. Sino ba kasi to? Hindi mo naman to siguro pinatay." Pasok niya sa sasakyan niya. Pumasok din ako para pahigain sa lap ko ang tulog kong estudyante.

"Hindi ah. She's my student. Nagulat ako because she caught me. Anong gagawin natin?."

"Natin? Bakit ako kasali? Naku, problema mo yan."

Tsk. Ano ba tong napasok ko? Hayst.

THE TRIP BACK (Frankiana)Where stories live. Discover now