PAGBABALIK TANAW

335 12 2
                                    

UNANG SILIP

Damon!” sigaw ng ina ni damon habang hawak ang isang tsinelas sa kaliwang kamay

“Ikaw na bata ka napakapasaway mo. Sinabi ko na nga sa iyo na huwag kang aakyat sa pader na yan” litanya ng ina ni Damon sabay pingot sa tainga nito. 

“Eh... Mama maganda kase iyong nasa kabila ng mataas na pader na ito” pangangatwiran ni Damon habang kumakamot sa ulo at pasimpleng ngumingiwi sa sakit.

“sumasagot ka pa ah.  Halika na at maghahapunan pa tayo.  Kung saan saan pa kita hinanap.  Pinagaalala mo akong bata ka.  San kaba nagmana ng kakulitan... ” sermon ng ina ni Damon ngunit imbes makinig nagtakip lamang ito ng kanyang tainga. 

“mama naman eh andaldal mo”
Sabi ni Damon habang nakakunot ang noo

“magtigil kang bata ka,  nagugutom na ako pero imbes kumain hinanap pa kita kung saan saan” sabi ng ina sabay tingin sakanya ng masama

Pagkadating sa kanilang bahay agad silang kumain at nagligpit ng pinakanan. 

“Damon, matutulog muna si mama ah.  Dito kalang sa sala manuod ka ng tv” sabi ng ina habang papanhik sa kwarto

“Opo ma” sigaw ni Damon habang nanunuod.

Ilang minuto pa dahan dahang pumanhik papuntang kwarto si Damon upang tignan kung nakatulog na ng mahimbing ang kanyang ina. At ng mapagtanto nito na ang ina ay mahimbing ng natutulog.  Mabilis itong bumaba at patakbong nagtungo sa pader na binalak niyong akyatin kanina. 

“yeheyy.  Sa wakas makikita ko na ulit ang mga iyon” sigaw ng batang si Damon. 

Sa sobrang excited ni Damon namali ito ng tapak kaya nahulog ito ng diretso sa lapag.

“aray” ungol ni Damon habang impit na iniinda ang pagkahulog. 

Napatingin si Damon sa paligid at nakita nya ang mga Kabayong kumakain ng damo. 

Siya ay naglakad at manghang pinagmamasdan ang mga kabayong ibat iba ang laki at kulay. 

Patuloy itong naglakad.  Hanggang maabot ng kanyang paningin ang isang  Mansyon na aakalain mong bahay ng Hari at Reyna. 

Tumakbo si Damon ng napakatulin at manghang pinagmasdan ang laki ng Mansyon. 

Nagkikislapan ang mga bintana nito na tila salamin. Naggagandahan ang mga bulaklak sa loob ng hardin at may malamyos na musika na nakakaindak. 

Sa kuryusidad ni Damon siya ay lumapit sa isang bukas na bintana at pumasok. 

“kasya ako” masayang sambit ni Damon.  At naglibot sa loob ng bahay. 

Sa sobrang saya ni Damon siya ay nakatulog sa isang malambot na sofa.

“wahhhh” sigaw ng isang batang babae na gumising sa natutulog na si Damon.

Agad napatayo si Damon at hinanap ang batang nagsisigaw.  Sa paghahanap nakakita siya ng mga nakahandusay na tao sa sala,  kusina,  hagdan at sa harap ng bukas na pinto sa itaas. 

“a-ano ito”  nanginginig na sambit ni Damon.  Ngunit imbes tumakbo palabas.

Humakbang si Damon paitaas at nilapitan ang pintuan kung saan may nakahandusay na matandang lalaki at may umiiyak na batang babae. 

Hinawakan ni Damon ang balikat ng batang babae.

“Bata huwag ka ng matakot” sambit ni Damon

Nagtaas ng ulo ang batang nakayukod at tinignan si Damon.

Sa paningin ni Damon tila natatakot ang Batang babae

“bakit,  halika na asan ba ang telepono ng bahay na ito para matawagan natin ang mga pulis” sambit ni Damon

“kyahhh,  lumayo ka! Lumayo ka saakin mamamatay tao ka” tumayo ang batang babae sabay takbo at nahulog ito sa hagdan. 

Tinakbo ni Damon ang batang babae. Nagbabakasakaling buhay pa ito ngunit umagos ang dugo nito sa sahig.

Nakatulala si Damon habang pinagmamasdan ang dugo sa kanyang mga kamay ng biglang may nabasag- Nagising si Damon na humahangos. 

Panaginip na naman, isang bangungot. Kung sana hindi ako nagpasaway ng araw na iyon sana hindi nangyare ang bagay na iyon” humahangos na sambit ni Damon sa sarili habang pinupunasan ang mga butil ng luha sa kanyang mga mata.

---------------------
A/N: sana magustuhan ninyo.
Damon is on the way.

Ang susunod na kabanata ang magiging simula ng kwento. 

Pls do vote, comment or suggest and add this to your library  ^...^

Ang Tomboy kong CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon