IKATLO
Humahangos na huminto si Damon.
"Shit muntik na ako doon" napakamot nalang si Damon sa ginawang kabalbalan. Pasalamat na lamang siya at hindi siya nahuli ng may-ari ng sasakyan.
Habang tinatahak niya ang daan pauwi sa kanilang bahay hindi mawala sa kanyang mukha ang kasiyahan na nakaganti siya kay Kyle ngunit sa kabila ng kasiyahan sa tingin niya sumobra ata siya sa kanyang ginawa at hindi maiwasang pagpawisan siya ng malagkit dahil sa guiltness.
Sumisipol na naglalakad si Damon ng may umakbay sakanya.
"Tol, ano saan ka nanggaling?" Nagitla si Damon sa narinig niya at nilingon niya ang nagsalita.
"Oh Paul, ikaw pala"sambit ni Damon sa katropa at hindi niya manlang ito matignan sa mata.
Mahahalata niya kaya kapag nag-sinungaling ako? Shit nakaka-guilty. Kaya mo yan Damon, ngayon lang naman.
"Saan ka nanggaling?" Tanong ulit ni Paul habang nakangisi at mukhang good mood ang loko.
"May dinaanan lang ako sa library. Alam mo na libro sa isang subject natin. Gusto ko lang mag-advamce reading" sagot ni Damon. Piping hiling niya na sana hindi nito mahalata na nagsi-sinungaling siya.
"Ganoon ba, eh nanggaling din ako sa library kanina. Baka hindi lang kita nakita noh." Masiglang sagot ni Paul na siyang kinatulala ni Damon.
Alam kaya niya ang ginawa ko? Shit bakit ko ba ginawa iyon? Aish.
"Oh Tol, bahay niyo na pala yan. Bukas uli tol. Mag-hi ka kay tita para saakin" pagpapalam no Paul sakanya na sinuklian lang nya ng ngiwi.
Nililinga linga ni Damon si Paul at ng makita niyang nakalayo na ito. Napa-upo na lamang sya.
"Damon, pumasok kana dito anong ginagawa mo dyan? Nagmumuni ka na namang bata ka. Ang hilig mo mag- day dream" sermon ng mama ni Damon na kina-kunot lamang nito ng noo.
Napaka-talakera talaga ni Mama kahit kelan. Nag-kakamot na pumasok si Damon sa bahay nila.
" PUNYETANG Damon yan. Nakaka-inis siya. Seryoso talaga baby. Kung bakit mo ba naman kase ako iniwan eh nakaka-asar ka. Napaka-wrong timing mo lagi" talak ni Kyle sa kaibigang si Josephine.
Habang si Joh ay nagkabit na lamang ng kanyang earphones dahil hindi na niya matiis ang talak ni Kyle sakanya na wala namang siyang kasalanan.
"Baby naman eh" iritang sambit ni Kyle
Tinignan ng malamig ni Joh si Kyle. Halatang naiinis na ito sa kaibigan.
"Sino ba namang tanga ang matutulog doon. Nakakita kaba ng sign doon na Tulugan area" puno ng sarcasm na sambit ni Joh kay kyle.
Humablot lang si Kyle ng unan at binato ito sa kaibigan.
"Ha.ha.ha. ilang tawa ang gusto mo JOSEPHINE?" Nakakainis na baby ko, hindi manlang nya pagaanin ang kalooban ko.
"Huwag ako Kyle baka makakita ka ng espadang lumilipad" hirit ni Joh.
Punyeta ang kati kati ng katawan ko. Nag-dadabog na naglakad si kyle papunta sa kwarto nito para mag-apply ng ointment.
"Putik na lalake iyon. Lagot talaga siya saakin" inis na sambit ni Kyle sa sarili. Awang awa siya sa katawan niyang kinagat ng hantik. Kung bakit ba nama kase siya naka-idlip.
May kagat sya sa bandang dibdib, sa tagiliran at sa tyan. Pasalamt nalang siya at hindi ata masyadong demonyito ang hudyong Damon na iyon at hindi dinamay ang gwapo nyang mukha.
BINABASA MO ANG
Ang Tomboy kong Crush
De TodoBawat tao ay may kinukubling madilim na parte ng kanilang buhay. Sa isang maling hakbang nagkaroon ng tuldok ang kinabukasan. 'bata pa lamang ako noong nakita ko sya, nasilayan sa isang patatsulok na bintana. Ang batang iyon ang first love ko. ...