NABINYAGAN

215 10 4
                                    

UNA

"Kyle Gwenn Yeshiva..." bulungan ng mga estudyante sa hall way.

Palinga-lingang naglalakad si Damon sa hall way dahil kahit saan sya tumingin ang mga estudyante ay nagbubulungan tungkol sa isang babae.

Habang patuloy na naglalakad si Damon sa hall way nahulog niya ang kanyang panyo kaya yumuko siya para pulutin ito ngunit nakarinig si Damon ng taong nagsalita.

"Hey, watch your way Mr." sambit ng babaeng nabangga si Damon. Napa-angat ng tingin si Damon kasabay ng tilian ng mga babae sa hall way.

Sa pag-angat ng tingin ni Damon, nakita niya ang isang babae? na bihis lalaki. Mas astig pa ito pumorma sakanya.

Naka long-sleeves na pula at bukas ang tatlong butones nito at naka-bun ang buhok samantalang naka rubber shoes ito ng itim at naka tattered pants. Mapupula ang mga labi nito, mahaba ang makapal nitong mga pilik-mata, kulay abo? na mga mata? at maayos ang pagkakatubo ng mga kilay nito na pinarisan ng matangos nitong ilong. Ang balat nito ay hindi maputi pero hindi rin kayumanggi.

Habang pinagmamasdan ni Damon ang babae tinaasan siya nito ng kilay ngunit napahagikgik si Damon ng ito'y tumuwid ng tayo at mas matangkad siya sa babae.

"May nakakatawa ba? " sambit ng babae kay Damon na nagpabuka sa mga labi ni Damon dahil sa napakalamyos na boses ng babae. Parang dinuyan ang puso ni Damon. Napangisi na lamang si Damon.

"Wala naman... " maangas na sambit ni Damon sa gitna ng tilian ng mga babae na may gusto ata sa babaeng kaharap niya.

"tsk" inis na sumbat ng babae sabay pinagpatuloy ang paglalakad habang nakabulsa ang mga kamay.

Napangiti na lamang ng palihim si Damon at nilinga ang babaeng paalis. 'Lyn' biglang lumitaw sa isip ni Damon. At nagsunuran ang mga senaryo sa isip niya na nagpapawis sakanya ng malamig 'Si Ms. Lyn lang iyong nabuhay... Oo eh wala ng ibang saksi siya lang.' sa pagpasok ng mga senaryo napatulala na lamang si Damon at pinagpawisan ng malamig.

"Damon! Damon! Damon!" sigaw ng isang lalaki pero binalewala lamang ito ni Damon. Hindi niya pinakinggan ang lalaki.

Para kay Damon huminto ang oras, huminto lahat. Napaangat ng kaliwang kamay si Damon at naalala ang nakaraan, patulo na ang mga luha ni Damon ng may bumato sakanya

"Tol naman ang tanga naman kanina pa kita tinatawag, kanina pa nagtatawag si Coach" sabi ng lalaki sabay akbay sakanya.

"Kailangan ba talagang mambato?" angil ni Damon sabay tinignan ng masama ang kaibigan.

Tumawa ng pagak ang lalaki
"Tol sorry na kanina pa kase kita tinitignan, kanina kapa parang estatwa dyan. Tumunog na ang Bell pero nandyan ka parin. Nabighani kaba ng transferee na iyon? Sabagay maganda siya kaso tibo~" sabay ngisi ng kaibigan.

"Napakadaldal mo Paul, napakadami mong sinabi eh paano ko naman magugustuhan ang pangit na iyon" kunot noo na sabi ni Damon

"Pfft maghinay hinay ka Damon my friend, crush siya ng mga babae dito" sabi ni Paul sabay linga sa paligid.
"Masama ang tingin nila saiyo tol" tawang sambit ni Paul kay Damon.

"tsk" tugon ni Damon na tila nayayamot sa kaibigan.

Habang naglalakad papunta sa Gym maririnig ang hiyawan ng mga estudyante. Pero mas dinig ni Damon ang mga sinasabi ng mga babae na nasa likod nila

"omg girl ang gwapo at ang macho naman ni Damon" bulong ng isang babae na hininaan pa ang pagbanggit sa pangalan ni Damon

"Duhhh Girl mas pogi si Paul pero yeah I admit mas macho si Damon at ang hot niya. I wonder what's behind his shirt" sabay tawa ng isa pang babae na maarteng magsalita.

Napapangiti na lamang si Damon sa paglalakad. Tuwang tuwa at hindi mapigilang mapangisi ang kaibigan nito na si Paul dahil sa papuri.

Ilang minuto pa ang nakalipas nakarating na sina Paul at damon sa Gym.

Napatingin si Damon sa kaibigan dahil bigla na lamang itong umakbay sakanya habang kausap ang Coach nila.

"Coach, alam mo ba si Damon kanina nakatulala lang sa hall way. Pfft na lab at perst sight ata sa tibo hahahaha" sambit ng kaibigan ni Damon sa Coach nila.

"chismoso nga naman" inis na bulong ni Damon.

"Damon, inlab kana ba" asar ng Coach nila kay Damon habang nakangisi ito at mukhang tuwang tuwa pa.

Alam ng Coach nila na si Damon ay isang basketball player na malamig sa mga babae pero minsan malandi sa mga babae. Pero never pa nagkaroon ng kasintahan si Damon na nakapagtataka.

"Wag ako Coach. Wala akong interes sa mga ganoong klase ng babae. " sambit ni Damon sabay irap at punta sa likod para ilapag ang gamit sa bleacher. Habang nagtatawanan naman ang mga kasamahan ni Damon.

Ilalapag na dapat ni Damon ang mga gamit niya ng biglang may nakita siyang bottle of water sa harap niya.

Napakunot ang noo ni Damon sabay mura "Puta, Fritzy stop this shit act of yours" sambit ni Damon sabay angat ng tingin pero nagulantang si Damon.

"uh-uhm s-sorry" utal na sambit ni Damon. Habang namumula ang tenga nito sa hiya.

"Psh. Am I Fritzy? " natatawang sambit ng babae.

Nakayuko lamang si Damon. Habang kinakalkal ang gamit nito.

"Face me dude. Ang cute mo naman mamula" asar ng babae kay Damon. Naririnig ni Damon ang asaran ng mga miyembro ng basketball team.

"Tsk, I'm not a kid. Stupid" sabay angat ng tingin ni Damon at tumuwid ng tayo sabay naglakad ngunit sa paglalakad siniko ni Damon ang kaharap na babae sa inis. 

Dinig ni Damon ang asaran ng mga kapwa basketball player. Habang palapit si Damon malinaw niyang narinig ang mga sinasabi ng mga ito.

"Maganda pero tibo" sabi ng isa

"Shet. Masarap ligawan~" Sambit ng pinaka-torpe sa grupo nila.

"Psh stop it Enrico kay Damon~ na iyon" sing song naman ng isa

"Taena unahan nalang. Gagawin kong babae iyon" sigaw ng babaero sa grupo nila.

Napapamura nalang si Damon.

Mabagal na naglakad si Damon papunta sa mga BARKADA?

"Shut the fck up. She's not my type. She will never be" sigaw ni Damon sabay dampot ng bola at dribble.

Habang nagdri-dribble ng bola ay may sumapok kay Damon. Kaya napahinto si Damon sa pagdri-dribble at napa-angat ng tingin.

Galit na tinignan ni Damon ang babae

"What's your problem bitch, who the hell are you. Do you have a Fucking---" napahinto si Damon sa pagmumura at naghiyawan ang mga kasamahan niya.

"putangina tol. Nabinyagan" sigaw ni Paul.

----------------------------------------------
A/N: at lame na naman ito.
Drop your comments, suggestions and pls vote 😇

💭 ano kaya nangyare? Nagkiss?  😍

Ang Tomboy kong CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon