Chapter 1 : Part 1

22.9K 489 79
                                    

SAINT Augustine Academy of School Batch 2008-2009. One week reunion opening will be held in SAA's Function hall at exactly 09:00 am on February 20, 2020. Reunion itinerary and the rest will be discussed in the opening ceremony. Please forward this to the rest of the batch. - Shiela S, head organizer.

Napatitig si Eselle sa kawalan nang makatanggap ng text message galing sa barkada niyang si Olivia, ang class president sa section nila noon na isa rin sa pinakamalapit niyang kaibigan. Gaganapin daw ang first reunion nila sa susunod na linggo.

"One week?" Napailing-iling siya at pumalatak kalaunan. "No way. One week is a lot of time to waste. Marami pa akong kailangang gawin."

Hinarap niya ang laptop at binalewala ang mensahe, itinuloy ang pag i-edit ng manuscript na ipinasa ng writers nila for publishing next month. She was currently one of the Editor in IPC o Ink Publishing Company, a famous publishing company in the country. Maliban rin sa pagiging editor, she was also a fantasy writer under the pseudonym E. M. E. na kaunti lamang ang nakakaalam sa kadahilanang ayaw niyang makakuha ng pansin sa ibang tao.

Pasado alas-singko, nagpaalam na si Eselle sa ibang kasamahan sa opisina at dumeretso na sa walking distance na condo. Hawak-hawak ang strawberries na galing sa refrigerator, binuksan niya ang laptop at saktong nag ingay ang group chat nila na pinangalanang MOEN, abbreviation ng mga pangalan nila. Sinagot niya ang tawag at tumambad sa screen ang mukha ng tatlo niyang kaibigan na si Marielle, Olivia, at Nadia.

"God, excited na talaga ako sa reunion! Punta kayo, ha. Ito lang ang time ko para makasama kayo ulit." bungad ni Nadia na nakatihaya sa higaan nito. "At saka kasama ko si Roman. Excited na ako kasi sa St. Augustine kami nagkakilala noon tapos ngayon kasal na kami."

Pinigilan niyang mapa-sana all sa relationship goals ng kaibigan. Halos siyam na taon nang magkasintahan ang dalawa at nagpasiyahan na ng mga itong magpakasal sa taong 2018.

Hay, sana all talaga!

"Of course, Nadi, we know you were busy with the coffee shop chain in QC. Ako naman, sasama talaga ko kasi gusto ko kayong makita ulit bago ako ikasal," magiliw na pahayag ni Marielle. "God! Two weeks na lang at magiging ganap na akong Fuentabella!"

Ngayon, gusto niya namang mainggit. Three years ago, head over heels lang itong si Marielle sa crush nitong piloto na si Alejandro Fuentabella. Ngayon naman ikakasal na ito sa crush na pinakahahabol ng dalawang taon. Kaya naman ng marinig niya ang balitang nahuloy din ang loob ng natipuhan nito ay hindi na siya nagtaka. Bagay na bagay ang dalawa dahil Flight Attendant ang kaibigan tapos piloto naman ang magiging asawa nito.

"God!" Tumili naman si Olivia, hindi na naitago marahil ang tuwa. "Feel ko ang nararamdaman mo, Mari! I've been there. Kahit ngayon kilig na kilig pa rin ako sa asawa kong Engineer."

Napangiti si Eselle sa kagalakan ng kaibigan. Dalawang taon ng kasal ang kaibigan niyang si Olivia at napakasaya nito sa piling ng asawa. Iyon siguro ang napapala kapag pinaglaban ang pinakamamahal sa pagtutol na pamilya. Kumbaga, mala-Romeo and Juliet ang love story ng buhay nito.

Sa kanilang apat ay siya ang pinakasawi sa lovelife. Katunayan, inggit na inggit na talaga siya sa mga kaibigan, hindi niya lamang inaabiso at baka tadtarin lamang siya ng asar. Sabi naman ng iba, maganda raw siya. Makapal ang kilay na nababagay sa kanyang strong features. She has porcelain skin too. Sakto lamang din ang height niya na 5'4 at waist size niya na 25. Kaya maraming nagtataka kung bakit single pa siya hanggang ngayon at walang kalampugan ika pa nga ng mga kaibigan.

"Oh ikaw, Eselle?" untag ni Nadia.

Napaigtad si Eselle sa tanong, halos malulon ang tangkay ng strawberry sa gulat. "A-ako?" Turo niya sa sarili tapos balewalang nagkibit-balikat. "Ito, gano'n pa rin. Lagi naman, eh. At saka ewan, hindi ata ako makakapunta, may tinatapos kasi akong i-proofread this week."

Charmed (Reunion Series #1) - ON REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon