Epilogue

9.3K 154 12
                                    

"ALAM mo, mems. Pumunta ka na sa reunion natin bukas. 'Di ba ang ikinababahala mo lang naman si Hansel? Since break na naman kayo—"

Mas lumakas pa ang pag-atungal ni Allison nang maalala ang ginawa ng four year boyfriend sa kanya kanina lamang. Inabot niya ang tissue pero wala na siyang nakapa sa lamesa.

"Tissue..." ekseharadang palahaw niya sabay turo sa mga nagamit na tissue. "I need tissue!" Hindi pa rin siya tumigil sa pag-iyak kahit na pinagtitinginan na siya ng mga tao sa loob ng restaurant. Hindi niya pa rin ginagalaw ang order niyang sa Racks kahit na nangalahati na ang order ng mga kasama.

"Tissue... tissue daw, Juanico!" palahaw ni Janina, tinulak-tulak pa ang kambal sa niyerbos.

"Ay, wait! Wait lang..." Natatarantang luminga-linga ang bakla niyang kaibigan na si Juanico. "And it's Jua, bal. Jua! Hindi por que kambal kita ay puwede mo na akong tawagin gano'n. Jusko! Wiz gano'n. Ang panghe pakinggan ng Juanico!" Umingos muna ito bago tuluyan ng pumunta sa counter nang makitang busy lahat ng server sa Racks.

Ilang sandali pa ay bumalik itong may pungpong na table tissue sa kamay. Kinuha niya agad iyon dito at ipinunas sa mga matang marahil ay naapapalibutan na ng nagulong eyeliner.

Eksaheradang pinaypayan ni Allison ang sarili gamit ang kamay. "Ang sakit talaga, mga mems..."

"Puro ka ang sakit, sakit, sakit! Kalurkey! Alam mo pumunta ka na lang sa reunion natin bukas. Tingnan mo si Eselle ng editor department, oh. Doon niya nahanap ang poging fafa niya. Akalain mo iyon, after three months, shalan kasal na agad sa guwapong veterinarian. Sana lahat."

"Oo nga!" segunda pa ni Janina, tumango-tango. "At saka sabay sabay na naman natin natapos ang pagawa ng book covers ng IPC, 'di ba?"

Alam niyang reunion ang pinag-uusapan ng kambal pero ang paghihiwalay nila ni Hansel ang nanatiling tumatakbo sa kanyang isipan. Can they blame her for being emotional? After all, it was her first boyfriend whom she thought will wait for her in the aisle.

"Masakit mga mems... ang sakit sakit..."

Napaismid si Juanico at eksaheradang napaungol. "Ano ba naman yan, Allison! Di na ako magtataka kung may additional payment tayo sa mga tissue na ginamit mo."

"Kaya nga, eh. At saka bakit ka ba nagkakaganyan? You used to be a rebel princess back in high school. Bakit mo ba binabago ang sarili mo para sa walang hiyang ex mo na 'yon?!" asik ni Janina.

"True!" maarteng pagsang-ayon ni Juanico. "Nagpakamahinhin. Nagpaka-demure. Nagsanta-santita ka kahit na may lukaw ka naman talaga sa bituka!"

"Eh, kasi iyon ang gusto ni Hansel sa isang babae. But then nasobrahan naman... nasobrahan..." Hindi niya na napigilan ang pagngalngal. Sa oras na iyon ay lumakas pa. "Nasobrahan naman ata ako sa pagpa-demure kasi hiniwalayan niya ako dahil 'di man lang daw ako nag initiate ng intimacy. Kaya nga pa-demure, 'di ba? Puta! Eh, 'di kung sinabi niyang gusto niya akong makaulayaw gabi-gabi, ako pa mismo ang uupo sa ari niya!"

Humagalpak ng tawa ang kambal at nagulat na lamang siya nang sabay rin itong natigilan. Kulang na lamang ay tumiklop ang mga ito ng parang makahiya sa kinauupuan.

"Excuse me, miss. You are so loud. Kayong tatlo. Actually, kanina pa kayo, eh. Paalala ko lang na hindi lang kayo ang taong nandito't kumakain."

Tikwas ang kilay na napalingon si Allison sa lalaking biglang umeksena. "What the fuck, dude—Jacob?!" Tiningnan niya ito ng masama matapos mapamilugan ng mga mata. "You..."

Bahaw itong ngumiti at tiningnan rin siya ng masama. "Oh, it's you, the troublemaker Allison Andrada. Bakit pa ba ako nagtanong, 'no? Gawiin mo naman pala ito dati pa."

Salubong ang kilay na umirap siya dito. "God! I so hate you. Ipinaglihi ka talaga sa regla! Kahit kailan kontrabida ka talaga ng buhay ko!"

"Well, the feeling is mutual, Alli. The feeling has always been mutual..." Walang emosyon itong tinapunan siya ng tingin bago tuluyan na tumalikod at humakbang palayo.

Naiwan naman siyang napamaang at nag-iinit ang ulo sa naulinigan. How the fucking dare him insult her like that and walked out on her after?! Sa buong buhay niya ay walang nakagawa niyon kundi ang binata lamanag. Sandaling nakalimutan niya ang pag-iyak at naiwan nangagalaiti sa galit. Maybe her friends were right. Refreshment was all she needs now... Oo, iyon siguro ang kailangan niya pagkatapos ng lahat na nangyari sa buhay niya. Madali lang naman lumipas ang isang linggo kaya susungaban niya na lamang ang pagkakataon.

Binalingan niya ang kambal na nakanganga pa rin sa harap niya, marahil sa gulat at pagkalito sa nangyari.

"Sige. Pupunta na ako sa reunion."




WAKAS

Abangan ang storya ng trouble maker na si Allison Andrada, isang Graphic Artist ng IPC sa pamagat na Wild Reunion 2: Allured. Thank you sa mga sumubaybay!

Charmed (Reunion Series #1) - ON REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon