//one

1.2K 7 0
                                    

Yuki

Ano ba tong paaralan na ito, wala nang binatbat at ginawa kundi ang hingi ng hingi ng pera para sa pag papa-ayos ng building eh ni isang construction, wala pang naganap! Kung sana lang talaga ay makauwi na si ate para hihingi ako ng favor na ililipat na ako ng school.

Isa itong pribadong paaralan, dito pa nga daw nag aral ang parents ko. Luma na ang ibang mga buildings at may nga cracks na ang ilang walls! Natatakot nga ako baka biglang gumuho ito sa kalumaan.

"Hi Ms. Beautiful!" bungad saakin ng isang lalaki dito sa canteen, hindi ko nalang siya pinansin. Ewan ko ba sa mga lalaki dito, lapit talaga ng lapit. "Hoy ikaw'ng tipaklong ka, wag na wag mong lapitan yang bestfriend namin. Shoo!" pagtataboy ni Madie kasama sina Leah at Vana.

Sikreto akong napatawa dahil sa reaksyon nung lalaki, pinag papalo-palo kasi nila ng mga kwaderno nila kaya napapatabon nalang siya sa ulo niya, kawawa. AHAHA! "Yuki ha, wag kang magpapalapit sa kahit sinong guys! Malay mo, masasamang tao na pala. Jusko, iba na ang henerasyon natin
ngayon." suway ni Vana.

"Ano ba ang alam mo sa henerasyon natin ngayon?" natatawa kong tanong. Saamin kasing magbabarkada ay siya ang pinaka old style! Mga suotan ba naman ay pang 90's. She glared at me, habang ako at ang tropa ko ay tuloy pa din sa pag tawa.

Tumigil na kami ng nag sawa na kami. Siya naman ay tahimik na kumakain, kawawa talaga tong barkada namin oh! Actually, maganda naman talaga si Vana. Makinis, tangos ang ilong, brownish hair,makapal ang kilay, matalino at hindi makabasag pinggan! Ang problema niya lang ay yun na nga, 90' s kiddo.

"Uy tsaka nga pala Yuki, may nagpapabigay na stranger kanina sa labas! Taga ibang school ata yun." singit ni Leah. Hay nako, nag sasawa na ako sa mga pinapamigay nila. "Pakisabi, hindi ako tumatanggap ng basura." sabi ko bago niya inilabas ang isang box na pula. Binigay niya pa rin iyon at sinabi na tanggapin ko na daw, eh ayaw ko nga kasi dadag-dag lang naman kasi toh sa basura namin sa bahay eh!

Tiningnan niya ako ng masama kaya wala na akong ginawa kundi ang tanggapin iyon. Pagkatapos kong i-untie ang ribbon ay binuksan ko na iyon, napanganga ako sa nakita kong ring. Parang wedding ring? "Sino nagpapabigay nito, Leah?" tanong ko naman. Tinaas-baba niya lang ang shoulders niya, kanino kaya ito galing?

"Kung ayaw mo Yuki, akin na lang ah? Ang ganda kaya, mukhang mamahalin." sabi ni Madie na nag pipigil ng tawa. Ito talaga si Madie, kahit hindi nakakatawa ay tumatawa! Pakidala ng Mental, please? I just stared at her plainly, kaya tumigil na siya sa pag tawa at instead ay pinalitan iyon ng ubo at nag iwas ng tingin.

Hmm, ibibigay ko nalang siguro ito kay ate pag uwi niya. Baka magustohan niya toh! Ilang taon na din hindi nakakauwi si ate, miss na miss ko na siya. "Ano next class niyo?" tanong ni Vana habang kumakain ng cheese cake. Vacant naman ako mamaya, bale after recess ay walang klase hanggang lunch break. Mamayang hapon na ang klase ko, buti na din kasi medyo sumasakit na naman ang dib-dib ko!

May Cardiomegaly kasi ako since pagkabata. It's a heart problem, mas malaki daw ang heart ko kesa sa normal size na heart. Sabi nga ni ate ay hanggang 5 years lang daw dapat ang existence ko pero wala naman kaming problema sa pera kaya nakapag treatment ako, unti-unting bumabalik na sa normal size ang puso ko. Dati ay araw-araw sumasakit ang dib-dib ko, pero ngayon ay madalang nalang which is a good sign na gumagaling na ako!

"Una na ako sainyo guys, my class starts at 10:45. Mamaya nalang tayo mag kita lunch sa parking lot ha?" pag paalam ni Vana na agad naming ikinasang-ayon. Kumaway na siya at kami nalang din, hanggang sa umuna na din si Leah dahil may kukunin daw muna siya sa bahay nila. Kaya kami na lang ni Madie ngayon dito sa canteen at nag-uusap nalang.

Kwento ng kwento si Madie kaya nakikinig nalang din ako. Hanggang sa umabot ang topic sa parents ko, "Marami ang nakakakilala sa parents mo dito Yuki, pati ang staff ay kilala sila." sabi ni Madie. Well, totoo naman talaga. Maraming ang nag sasabi na ang cute daw ng love story ng parents ko! Pero ni isang detalye ay wala akong alam sakanila, except sa mga pangalan nila. Tinatanong ko si ate ng mga basic questions, like kelan sila ipinanganak o ilang taon silang namatay at ano ang way ng pagkamatay nila pero hindi niya ito masagot. Siguro ay hindi pa siya handa kaya iniintindi ko nalang ang ate ko.

Naiwan ako dito aa canteen dahil may class pa daw si Madie ng 11-12 pm. Wala din naman akong ibang gagawin kaya nagpunta nalang ako sa school field, marami din namang estudyante sa iba't-ibang parte ng field kaya dito nalang ako sa ilalim ng malaking puno uupo. Ito ang pinakamalaking puno dito sa school, marami ang nag ca-carve ng mga name initials or combined names ng mga jowa dito. Sabi kasi nila ay pag nag carve ka dito ay 85% na mag lalast kayo ng jowa mo, hindi naman ako naniniwala.

Marami ang dumadaan na mga lalaki at nag wi-wink saakin. Ako kasi daw ang pinakamagandang babae dito sa buong school, ika ng mga tao sa paligid ko. Hindi naman sa pagmamayabang, ayoko nga ng ganun eh kasi feel ko wala na akong privacy! Half kasi si dad and malakas ang dugo nito kaya napapa-daloy na din saakin ang dugong Amerikano ni dad. Si mom naman ay Australian kaya sobrang mix na mix na ang dugo ko! Medyo nag bo-blonde na din ang buhok ko ng kaunti dahil duon.

Pero sa totoo lang ay hindi naman talaga ako nagagandahan sa sarili ko, to be honest! To describe myself ay brownish-blonde ang buhok ko, slim waste and thick thighs which is parang coca-cola body na din, maputi ako at makinis, matangos ang ilong,  'perfect shaped daw kuno ang eyebrows ko at makapal/mataas ang mga eyelashes ko. Mas naiinggit nga ako sa mga black ang buhok, at medyo morena at medyo chubby. Ewan ko ba! Talagang may iba't-ibang vision talaga siguro tayong lahat.

xxxx

Sana nagustuhan niyo.

-@mooseyhoneycups

I'm Inlove with a CriminalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon