//four

234 2 0
                                    

Yuki

Habang nag d-drive si Manong Joey ay kinakabisado ko ang daan na dinadaanan namin, para pag bumalik ako sa mansyon ay hindi na ako gagamit ng Waze App! Nakaka-stress pakinggan yung boses ng babae, nakakatakot masyado. "Ma'am, mag ingat po kayo duon sa Mary Academy ah?" biglang salita ni manong habang naka focus sa pag d-drive. Well, totoo naman talaga na kailangan kong mag ingat duon. Dapat i-lock ang mga pinto para safe! "Oo nga manong eh, madami kayang mga house breakers ngayon. Or should I say dorm breakers!" sagot ko naman sakanya.

"Eh ma'am, kakaiba ang delikado duon. Yung dati ko kasing amo, may anak na lalaki at duon nag-aral! Maraming naka away ang anak niya duon kasi nga daw abusado ang mga ibang mayayaman, kaya ayun! Pinatay yung anak niya ng gang na nasa luob ng school." kwento ni manong Joey. Napa laki naman ang mata ko, at para bang mas nging interesado akong makipag kwento sakanya.
Nilagay ko ang dalawa kong braso sa head rest ng upuan. Nasa likod kasi ako kaya hindi ko masyadong marinig ang sinasabi ni manong! "Naku manong, wala na siguro yung mga gang na yun! Matagal na panahon na yun, naka graduate na yung mga taong sumali sa gang na iyon." protesta ko naman. Matagal na man talaga iyon kasi simula nuong nag simula akong mag aral ng kinder, si Manong Joey na talaga ang driver ko. "Sabi daw nila, mga anak na daw ang mga nag take over sa pwesto nila ma'am eh. May gang man o wala, mag ingat po kayo palagi ma'am!" sabi niya na ikina-sang-ayon ko naman.

Umabot na kami dito at sa labas pa lang ay kitang-kita na ang kagandahan ng paaralang ito. Ang gate ba naman kasi ay black and gold na may golden flower na design at may diamond sa gitna! Nang nakapasok na kami ay mas lalo akong napahanga. Isang village na ba itong pinasukan ko? Binilang ko ang mga building na nakikita ko at umabot ito ng 8 total buildings! Medyo malayo pa ang main building galing sa gate na pinasukan namin. Each building ay may pangalan sa taas, iisa na duon ang Orthodaux building, Holends building at marami pang iba.

Kitang-kita din dito ang parking lot na nasa pinaka-tuktuk ng main building. Parang mall ang peg? May daanan papunta sa taas sa gilid ng main building para sa mga sasakyan, at tanaw ko ang mga luxury cars na andito na kasabay namin papunta sa parking lot. Isa na duon ang mga Mustang, Porsche at Lamborghini. "Ang ganda pala talaga dito manong noh?" wala sa oras kong tanong. "Puro kasi mayayaman dito, wala silang scholarships kaya pag mag e-enroll ka dito ay full dapat ang bayad mo. Kaya lahat ng andito ay puro mayayaman, kaya ba naman ang 267,000 na tution fee? Hindi pa kasali ang mga libro dyan. Sobrang sosyal!" kwento ni manong. Well, nag research ako sa Google kanina ng mga info about sa Mary Academy and tama si Manong sa tuition fee na sinabi niya.

Nag k-kwento si manong at kitang-kita ko na kabisado na kabisado niya ang paaralang ito. "Oh hija, pumunta ka na duon! Baka ma late ka pa. At saka yung 1st section Lunar ay nasa Burke building." sabi ni manong kaya nagpasalamat ako at lumabas na sa sasakyan para ma arrange ko na din ang mga gamit ko sa dorm ko. Maaga pa naman, 4:32 am pa pero marami nang estudyante ang nandito sa school grounds.

Bago ako makapasok sa Orthodaux building ay may scanner ng mata sa main na glass door ng building. Sa dalawang gilid naman, ay may tig-iisang gwardya. Ang isa ay kinindatan pa ako! Tse. "Identity verified." biglang sabi ng scanner na ikinagulat ko, kaya awtomatikong nag bukas ang glass door. Buong buhay ko ay ngayon lang ako nakaranas ng ganito ka advanced at sosyal na school! Maganda ang taste ni ate pagdating sa schools ah, well I need to thank her later. "Goodmorning ma'am." bati pa ng isang gwardya na may looks naman, pwede maging lowkey model. Ewan kung bat naging gwardya lang toh dito! Tinignan ko ang uniporme niya at ng makita ang name pin niya ay nakalagay duon ang full name niya. Chaddy Guivera, hmm nice name!

Napansin na din siguro ni kuya Chaddy na I was checking him out kaya napatingin siya sa kabuuan niya at tumingin uli saakin. Umiling ako at ngumiti to assure him that there is no problem at all! "Saan po ba dito ang room 2?" tanong ko kay kuya Chaddy. "Nasa itaas po ma'am, pinakaunang room na madadaanan mo sa kaliwa." paliwanag niya kaya tumango ako at nagpasalamat na. Sinunod ko ang direksyon na binigay niya, kaya nakita ko agad ito.

"Mabuti pa ay di nalang ako nagtanong, makikita naman pala ito agad!" isip ko habang nag kno-knock ako sa door. Naka lock kasi ito eh! I can't get in. Tsaka ang bobong ako ay di muna kinuha ang mga susi, gamit at uniform ko sa office at inuna ang dorm! Kumakatok pa rin ako hanggang ngayon kasi alam ko namang may tao dito, ma lo-lock ba toh kung walang tao sa luob? Well, possible. "Sino ba naman kasi yan?" rinig kong sigaw galing sa luob. Welp, may tao nga! "Uhm, ako po yung transferee na student na kasama mo sa dorm." paliwanag ko. May narinig naman akong bulungan sa luob pero hindi ito klaro kaya binalewala ko nalang!

Nagulat ako ng bigla itong bumukas. Bumungad saakin ang isang babaeng maputi, matangos ang ilong at maganda ang kurba ng katawan. At tila ba'y nag hahanda na for school! "S-Sorry di namin na open agad." nauutal na saad ng babae. "Pasok ka muna!" dag-dag niya pa. Ngumiti ako at tumango bago nagpasalamat, may nakita naman akong isa pang babae sa table na kumakain habang nag b-browse ata sa cellphone niya. Parang wala siyang pake na may bagong dating ah? Well, bahala siya.

"Uhm, ako nga pala si Amber Falcon at yan si Aries Rose Guivera." pakikilala ng babae na bumukas sa pintuan at sa babaeng kumakain sa table. "Hmm, ako nga pala si YukiLyn Galherme." pakikilala kos a sarili ko na nakapag palaki ng mga mata nilang dalawa. I gave them a confusing look, may mali ba sa pangalan ko? "So wait, kayo ang may-ari ng Galherme Industry, ZG Clothing Line, Herme Food Collection at ASZYG Mall?!" sabay nilang tanong. Wow, informed na informed sila ah?
Unti-unti akong tumango, sa pag tango kong iyon ay ang que nila para sumigaw na. "OMG! Ang yaman pala ng roommate natin." reak ni Rose. Dali-dali naman akong umiling, pinaka ayoko ang pinag didiinan na mayaman kami. Basta ayoko talaga! Myghad. "Asuss, in denial pa si ateng. Don't worry, hindi namin ipagkakalat." sabi naman ni Amber. "Ano ka ba Amber! Kilalang-kilala ang pamilya nila dahil sa yaman at mga kompanya nila. Kakalat pa din yan kahit hindi mo sabihin." sabi ni Aries sabay irap kay Amber. Napakamot naman si Amber sa ulo at nag peace sign, halatang attitude tong si Aries pero masarap kasama!

"Oh sge na, mag hahanda muna ako sa room ko. Saan ba?" tanong ko. "Ahh, duon ka sa pink na door Yuki. Pina reserve yan eh, simula pa nung starting ng school year. Kaya never kaming nakapasok diyan kasi bawal! Maganda siguro yang kwartong yan dahil pina reserve talaga." kwento naman ni Aries. "Ahh sige, salamat ha." pasasalamat ko sakanilang dalawa.

Simula pa lang ng school year ay napa reserve na ito? Hindi pa naman ako expected na mag ta-transfer dito dati ah? Bat napa reserve na agad? Hmm, weird. Imbes isipin iyon ay binuksan ko na ang room na sinasabi nila Rose at Amber! Pagbukas ko ay kitang-kita ko na ang vanity from here sa labas. Isang malaking kwarto ito for a dorm, and a queen size bed. Ngayon lang ako nakakita ng dorm na may queen size bed ah? Sana ol. At yung vanity naman ay may LED ball lights sa gilid at may twinkle lights pa sa itaas. Rose gold and white ang color theme ng room, my favorite color! Nilagay ko na ang mga bag ko sa kama at dumiretso sa bathroom. Germaphobe kasi ako kaya chinecheck ko talaga ang bathroom. Feel ko kasi kapag may germs, mamamatay na ako! Basta ewan.

Pagbukas ko ay rose gold parin ang theme ng bathroom. May bath tub at may shower, toilet at sink na rose gold and white lahat ang theme. May fuzzy carpet din sa gitna at may salamin, thank God ay dito talaga ako nilagay! I can't move on dahil napaka cute talaga ng mga gamit dito. Aesthetic/Beachy Rose Gold vibe! Hmm, malambot kaya ang bed? Sa thought na iyon ay nilapitan ko kaagad ang bed at dumapa sa itaas nito and I am so happy dahil sobrang lambot, myghaddd. May nag knock naman sa door kaya agad akong nag-ayos ng sarili bago binuksan ang pinto. Pag bukas ko ng pinto ay nakita ko si Amber at Aries.

"Oh guys! May kailangan ba kayo?" bungad kong tanong sa kanilang dalawa. "Hmm, kinda! Gusto lang namin makita yung kabuuan ng room, kung okay lang sayo?" tanong ni Amber kaya agad akong tumango at nagpasalamat naman sila. Pag pasok nila ay nilibot nila ang kanilang tingin sa room ko, "Bes? Bakit ikaw may queen size bed tas kami single bed lang?" naka pout na tanong ni Aries. Hindi ba queen size bed sakanila? Akala ko ba sa school na mismo tong mga gamit dito? "Single bed?" wala sa oras kong tanong. Sabay silang tumango dalawa, hmm maybe si ate Suzie na ang nag handa ng mga gamit dito?

xxxx

-@mooseyhoneycups

I'm Inlove with a CriminalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon