Clyde
Sakit? Walang sinabi si Yuki sakin nyan ah. Ganon ba talaga kalala ang sakit niya? Hahayaan ko nalang na siya mismo ang mag sabi sakin kesa pilitin ko siyang sabihan nyako.
"Are you all right?" tanong ko kaagad sakanya pagkatapos umalis ng nurse. Tumango lang sya at umakma na tumayo kaya agad ko siyang inalalayan. "Uuwi nako, salamat." sabi nya pagkatapos ko siyang bitawan at kinuha na din niya ang bag niya na naka patong lang sa upuan. "Gusto mo ihatid kita?"
Yuki
"Kaya ko naman sarili ko, okay na ko oh. I can drive myself." huling sabi ko bago lumabas na ng clinic. Mali ba yun na iniwan ko lang siya dun? Well nag thank naman na ako sakanya kaya okay na yun. Narinig ko namang nag vibrate yung phone ko kaya nag stop muna ako sa tapat ng clinic tsaka inabot yung phone ko.
Ate
-> Why? Have you met one?
Nah, just asking. Nevermind,-> I'm all good nga dito e!
If she doesn't want to tell me, I'll discover it myself. Nilagay ko na sa bag ko ang phone ko at naglakad na papunta ng parking lot, and same! Marami akong nakukuhang glares from random people. Ewan ko ba anong problema nila saakin? Kay bago-bago ko lang dito tapos masama na image ko?
Naglakad na ako papunta sa dorm at nakita ang sasakyan ko dun sa parking lot na nasa gilid lang ng dorm building. May mga nagpipicture doon, at feeling ko ay ang mga tig linis ito dahil may dala pa itong walis. Lumapit ako para maghintay kung kelan sila matatapos. Pag lapit ko ay nagulat sila at nagmadaling lumayo sa sasakyan ko.
"Bakit po kayo lumayo?" tanong ko out of curiosity. "H-Hindi po kayo magagalit?" tanong nila saakin pabalik.
Nilapitan ko sila "Okay lang naman po, gusto nyo ba sumakay sa sasakyan ko?" alok ko sakanila na agad nilang ikinangisi. "Bago ka ata dito? Lahat kasi ng mga studyante dito, pag nilalapitan namin ang mga sasakyan nila ay nandidiri sila. Ikaw pa ang nakilala naming hinde maarte dito." kwento ng isang may bit-bit pang cellphone.
Ganun na ba sila mag discriminate ng ibang tao? Pati ang mga tao nagpapanatili ng kalinisan sa paligid ay gaganunin nila? And even though they're rich, hindi naman sakanila yung cash. It's from their parents! Haist nakakainissss.
—
"Yuki, may pinapabigay sayo." bungad agad ni Amber sakin pag pasok ko sa dorm, andito na pala sila.
Sinirado ko muna yung pintuan at hinubad yung sapatos ko, "Kanino daw galing?" tanong ko naman sakanya. "Ewan e. Sabi niya ipabigay lang daw sayo at umalis na din agad, di ko na natanong kanino galing." sagot naman niya at ibinigay sakin yung maliit na red na box.
Parang nakita ko na yung box na toh before, I just can't remember where. I untied the ribbon at binuksan na agad yung box, a pin? Isang gintong pin na hugis dragon. Pula pa yung mata ng dragon, ang ganda tignan. Wow!
"Ano laman bes?" tanong ni Amber at tumabi na sakin. Pinakita ko naman sakanya at siya naman ay namangha. "Bes, parang milyon-milyon din worth nyan ah." sabi niya na ikina-iling ko naman. "Sus, andaming ganitong pin sa divisoria noh!"
Binalik ko na ito sa box at dinala sa kwarto, tsaka niligpit lang ito sa vanity drawer ko.
Ewan ko ba sino nag papadala sakin ng mga ganyan, si ate? Wala naman siyang sinabi na may ipapabigay siya sakin. And if galing kay ate, bakit kailangan sa iba pa ipabigay and di nya ko pinaalam diba? This is weird.
Narinig ko si Aries sa labas na nagdadabog kaya agad akong lumabas ng kwarto ko para malaman anyare na sakanya dun. "Anong problema?" bungad kong tanong sa kanilang dalawa. "Si mommy, kinuha ng isang gang. There is no track of her! I can't just stand here and let her suffer! Fck this." kwento nya na halos maiyak na. Si Amber naman ay panay hagod sa likod ni Aries.
Silence.
"What can I help?" tanong ko out of nowhere. "Okay na Yuki, I can handle this. Thanks!" huling sabi ni Aries tsaka pumasok na sa kwarto niya. "Gusto ko siya tulungan Amber, maybe I can contact my ate." sabi ko kay Amber ngunit umiling lang ito.
"Let's just do what she says Yuki, and if kailangan na niya ng help then dun na tayo aaksyon."
"Dun na tayo aaksyon kung kelan huli na ang lahat?"
Silence. Again.
xxxx
A short update after a long timeeee, sorry. Nawalan na ng gana hehe
-@mooseyhoneycups
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with a Criminal
RomansaStory sequel of my story "Me and my Step-Brother" Handang gawin ang lahat para sa pagmamahal, kahit bawal at labag sa kaluoban ng marami ay hindi mo mapipigilan ang puso mo. Isang dalagang sabi nila ay masaya, matalino, mayaman at maganda-si Yuki n...