Chapter 3

18 3 0
                                    

Ella's P.O.V. 

 Waaah!!Nakakamiss pumunta sa mall kahit na dalawang beses palang akong nakapunta dito at nagpapasalamat ako na ang dalawang taong mahahalaga Ang aking nakasama. Nandito kami ngayon sa Jollibee at kumakain.Tumataas nga yung balahibo ko sa tuwing tinitingnan ko ang statue ni Jollibee kase ang laki ng mata. 

"Ahmmm Ermie saan nga yung mga bilihan ng mga libro?"tanong ko 

 "Sa National bookstore.Bakit bibili ka ba ng libro?"tanong nya rin

 "Ay hindi,kakainin ko yung libro.Malamang bibilhin.Tuleg" 

"Alam mo napakapilosopo mo"

 "Alang-alang naman ikaw diba?"sarkastiko kong sabi"Aray!Ano ba ang sakit"binatukan ba naman ako

 "Masasaktan ka talaga pag dika umayos palagi ka na lang may katwirang babae ka!"naiinis nyang sigaw.

Mabuti nalang busy yung mga tao

 "Sabi nga nila basta't katwiran ipaglaban mo"pagpapaintindi ko pa

 "O sya bilisan mo na dyan.Nabobobo ako sayo"

 Hahaha

Tawa ko sa isip ko baka kasi mabatukan ako ulit 

 "Eh?tapos ka nang kumain.Ang bilis mo naman?"

 "Eh sa nagutom ako "sabay himas ng tiyan nya at dumighay"Excuse me"sabay takip nh kanyang bibig

  Tsk...

 Binilisan ko ng kumain at tumayo  

"Saan ka pupunta?"tanong nya na nagpatigil sakin

 "Hehehe...Pupunta sana ako sa national bookstore kaso nga pala hindi ko alam kung saan"sabay kamot ko sa batok

  Tanga mo talaga Ella 

 "Hahahahahahahahah!!!"ay ang gaga tumatawa.buwesit"Yan kasi excited nakalimutang may kasama"

 "Sorry"at nagpeace sign pa ako para effective ang apologetic look ko

 "Oh sya tara na ayun din naman ang pinunta ko dito"

 Wow National bookstore daw ang pakay nya pero ang dami nya nang nabili na kung ano-ano

 NATIONAL BOOKSTORE

 "Kanina ka pa dyan.Ano bang hinahanap mo"tanong nya 

 "Libro malam-"natigilan ako sa pagsasalita ng makita ang tulak-tulak nyang dalawang cart na puno ng mga local na libro na ang genre ay general romance"What the book.Bibilhin mo lahat yan?" 

 "Yes!"masayang nya na animo'y nanalo say lotto"Nahanap mo na ba" Umiling ako

"Hindi pa"sabi ko at nagpilit ng ngiti 

 30 minutes nakasisira akong naghahalungkat dito.Nakakabaliw lang puro kasi pambata yung nakikita ko 

 "Anobang hinahanap mo?"ulit nya

 "Books about sa pagluluto"

 "Ahh"tatango-tangong aniya"Nasa kabilang shelf kasi yun.Tulungan na kita"purong ngiting sabi nya 

 Himala.Bumait sya Naghanap na kami ng mga libro at may nakita rin naman kami

 "Aanhin mo yan"nagtataka myang tanong

 "Kakainin"sarcastic kong sabi.Nang akmang babatukan nya ko ay agad Kong binawi ang aking sinabi"Joke lang.Syempre babasahin kasi matagal na akong di nakapagbasa na mga tungkol sa pagluluto.You know I really love to learn more about cooking"paliwanag ko

 "Ahh"

 Pumunta na kami sa cashier at pumila 

"Ah Erm pwede bang ikaw ang magbayad nito.Magsi-cr kasi ako"saad ko 

 "Okay"aniya

 "Eto oh.Hintayin mo na lang ako sa labas"sabi ko at kinuha ang wallet at nagbigay per Hindi ko na hinihintay ang kanyang mga sinabi dahil dali-dali akong lumabas at nilibot ang aking paningin 

 "Nasan ba kasi ang cr"naiinis kong bulong sa aking sarili.

Naglalakad ako ng may nakasalubong akong babae "Miss alam nyo ba kung nasan ang cr?"magalang kong tanong 

 I can't take this anymore 

 "Dumeretso ka tapos pag may nakita kayong likuan lumiko kayo pakaliwa"

 "Thank you po"at tumakbo ako ng mabilis pa sa mabilis



 BOOGSHH!!!!!!!!

 "Ouch!!"impit akong napasigaw ng tumilapon ako dahil sa nabunggo kong lalaki.May narinig pa akong natapon  

"What the fuck miss.What did you do to my cellphone"nangagalaiti nyang sigaw

 Aba sya pa ang may ganang magalit na ako ang nasaktan pero palalagpasin ko it dahil ihing-ihi na ko.Jusko 

 Bumuntong hininga muna ako bago tumayo at pinagpagan ang pwetan ko

 "Sorry hindi ko sinasadya"pagpapaumanhin ko 

 "Sorry?No way bayaran mo to!"galit na galit nyang sigaw 

 Aba namimihasa ka na Nakalimutan ko na naiihi ako kaya sinagot ko sya

"Hoy lalaki!Hindi ko naman sinasadya.Mabuti pa nga at nagsorry ako kahit na ikaw naman ang may kasalanan and what?ako ang magbabayad nyang cellphone mo.Sino ba yung nagse cellphone habang naglalakad.Ako?!"habol-habol ko ang hininga matapos kong sabihin lahat ng yun 

 Akala mo ha

 "Ako rin ba yung tatakbo ng mabilis hah?"sarkastiko nitong tanong

 Hindi ako sumagot "Okay tatawag nalang ako ng police and that's final"mahihimigan ang pagtatapos sa kanyang tinig 

 "Then call a police wala ka namang cellphone.Duh"at pinandilatan ko sya ng mata 

 "I have my ways"seryosong sabi nya

 "Damn it.Fine!"napipilitan kong pagsang ayon


He's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon