Chapter 4

15 3 0
                                    

Ella's P.O.V.

"Okay bibilhan kita ng bagong cellphone basta hintayin mo muna ko dun"tinuro ko ang isang bench malapit sa kinatatayuan ko

"What?!Baka layasan mo lang ako"naiinis nyang sigaw

Kalalaking tao ang hilig sumigaw

"So anong gusto mo sumama ka sakin sa c.r.?"sarcastic kong tanong

"Okay 5 minutes at kapag hindi ka pa dumating tatawag na talaga ako ng police"

"Oh sya sige"at tumakbo na ko

Hay naku.Bwesit na lalaki yun ah.

Dali-dali akong pumasok sa c.r. at naghanap ng cubicle na walang tao

Pagkalabas ko ay huminga muna ako ng malalim.Naghugas na rin ako ng kamay.Tinanggal ko ang suot-suot kong eye glasses para maghilamos.Mabuti at hindi ito nahulog ng nabunggo ko ang lalaki kundi gagastos ulit ako ng malaki-laki.Nag-ayos rin ako ng buhok dahil mukha na kong babaeng nakatakas sa mental at nahaggard ako sa lalaking yun.

Pagbalik ko ay nakita ko sya sa bench na nakaupo at kumakain ng paborito kong flavor na mango ice cream.Paborito ko rin ang flavor na chocolate

FLASHBACK

Nandito kami ni lolo sa Capitol ng Guimaras upang kumain ng ice cream.Yes as what you can read pumunta talaga kami dito para matikman ang ipinagmamalaking MANGO ICE CREAM nila.Kilala kasi ang Guimaras sa "THE SWEETEST MANGO IN THE WORLD"maganda kasi yung lupa dito kaya matamis yung mga bunga na tanim na mangga

"Lo gusto ko pa po"sabi ko matapos kong maubos ang 2 malaking baso ng ice cream

"Hahahahahha.Don't worry apo,bibili pa si lolo ,ilan ba ang gusto mo?"nakangiting sabi ni lolo

"I want payb na baso lo"masayang usal ko

"Okay,wait bibili lang muna si lolo"sabi ni lolo at tumayo sa bench na inuupuan namin

Manggahan Festival kasi ngayon kaya marami kang makikitang mga mangga at iba-iba pa

"Yehey!!!"tumalon-talon pa ko na akala mo'y nanalo na sa lotto

END OF FLASHBACK

I miss you lo.

Pinahid ko ang luhang tumakas sakin at mabilis na linapitan sya

"Kuya ano"

"Rant and don't call me kuya hindi kita kapatid"masungit nyang sabi

Sino bang nagsabing kapatid ko sya?Fat you

"Okay.Ako pala si Ella"pagpapakilala nya

"I don't care...Cellphone"

Ay deponchicks

"Magkano ba yun?"

Pinagkrus nya ang braso pagkatapos nyamg ubusin ang ice cream at tumingin sakin ng diretso"I don't think so kung magkano.Pero mukhang hindi mo mababayaran"ngayon ko lang sya nakitang nakangisi,nakakaasar pa

God ang mahal naman ng cellphone nya,iningatan ko nga yung eye glasses ko para hindi ako makagastos tapos mas malala pa yung kinahinatnan..huhuhu.save me lord

"Don't judge the book by it's cover"seryosong sabi ko

"But you're not a book anyway"pamimilosopo nya

Ay deponchicks ang pilosopo

"Bale ang gusto kong sabihin ay wag mo kong ijudge base sa nakikita mo sakin"nagtitimpi kong paliwanag baka kasi masuntok ko sya

He's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon