Kabanata 14

3.1K 88 14
                                    

Sapat

'It's easy to look at people and make quick judgements about them, their present, and their past, but what you didn't know is that, behind their smile lies their pain and tears. You may have heard their name, but not their story. You may have heard and seen about what they do, but not what they have been through.

Piercings, tattoos, drinking beers, or smoking cigarettes don't define you as a bad person. Everyone's flawed...and still worthy of love and respect.'

"Wow," kasabay niyon ang pagtaas ng dalawang kilay ni Alyondra at ibinaba ang hawak na kakapublish nilang folio na naipamahagi na simula kaninang umaga. The release of their folio had been the talk of the whole university since morning. Lalo na iyong pagkakatampok ni Yvanno sa isang seksyon ng lathala nila.

"Akala ko diary na 'tong nabasa ko." Tawa ni Alyondra na tinutukoy ay ang na-feature kay Yvanno sa folio. Ngumiti siya rito. Iyon naman talaga ang nais niyang ipalingap sa mga tao at mukhang nagtagumpay siya.

"Totoo ba itong mga nakasulat dito? Mamaya ay pinabulaanan mo lang, ah? Mahilig talaga sa kulay dilaw si Yvanno at cake? Hindi halata." Komento naman ni Tamara. Pinakatitigan pa nito ang litrato ni Yvanno na nakatatak sa isang pahina.

"Oo naman. Hindi iyan imbento, ano." Sagot niya.

Bahagyang nanulis ang mga nguso ni Tamara at direktang tinignan siya. Nagulat pa siya sa klase ng tingin nito, para kasing nanghuhuli. "This feature is so good na aakalain mong si Yvanno mismo ang nagsulat. You just interviewed him, right? Pero sa paraan ng pagkakasulat nito, parang kilalang-kilala mo si Yvanno."

Umiwas siya ng tingin kay Tamara.

"Ibig sabihin lang niyan, magaling magtampok si Samuelle!" Tawa ni Alyondra. Isang kibit-balikat lang ang sinagot ni Tamara bago tinuon ang atensyon sa cellphone.

"Bakit nga pala bigla kang nawala kagabi? Pagbalik namin galing dancefloor wala ka na sa pwesto natin." Tanong ni Alyondra. Ang akma niyang paghigop sa hawak na strawberry smoothie ay naudlot sa pagtatanong ng kaibigan. Nasa isang café kasi sila sa malapit at nagpapalipas-oras bago ang susunod nilang klase. Medyo mahaba-haba ang vacant dahil hindi sila kaagad naimporma na hindi pala makakapasok iyong propesor nila sa oras dapat na ito.

Sandaling hindi nakasagot si Samuelle at nag-isip ng katwiran sa tanong ni Alyondra. Nang higitin kasi siya palabas ng bar ni Yvanno at mag-usap ay sapilitan siya nitong isinakay sa kotse at inuwi. Imagine her frustration when he do whatever he pleases that is contrary to her relish. Nagiging pasaway na ito sa kanya ngayon.

"Bigla kasing sumama iyong pakiramdam ko. Pasensya na at hindi na ako nakapagpaalam na umuwi." Pinaglaruan niya ang mga daliri habang tahimik na pinagdarasal na maniwala ang dalawa sa katwiran niya, at sana'y patawarin siya sa dami ng mga kasinungalingan na nasabi niya nitong mga nakaraang araw.

"Nag-text ka sana para hindi kami nag-alala sa'yo. Akala namin nahablot ka na ng kung sino at pinaputukan ka ng sperm cells sa obaryo."

Nanlaki ang mga mata niya sa tinuran ni Tamara at mabilis na tinakpan ang bibig ng kaibigan dahil sa lakas ng pagkakasabi nito. Luminga-linga siya sa paligid upang masiguro na walang nakarinig sa sinabi ni Tamara. Nahihiyang nagbaba siya ng tingin nang makita ang ilan na sumulyap sa kanilang gawi.

Lukot ang mukha ni Tamara na tinanggal ang kanyang kamay na nakatakip sa bibig nito. Umirap ito at nagtaas ng kilay.

"Bakit? Wala namang masama sa sinabi ko, ah? Wala naman akong sinabi na nakipagkantutan ka. At kung oo man, ano'ng paki ng iba? Hindi naman sila iyong nasarapan."

Napatakip sa mukha si Samuelle. Sa sandaling iyon ay hiyang-hiya na siya sa walang prenong bibig ni Tamara. Ang butihing kaibigan pa niya na si Alyondra ay hindi man lang pinigilan ang isa at tawa lang ng tawa. Nagkasundo pa talaga ang dalawa.

Fire in the CloudsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon